CHAPTER 5

71 1 0
                                    

SINARA ko ang pinto ng kotse ko't pumasok sa loob ng masyon. Deretsyo lang ako umakyat sa kwarto ko upang mabasa ko na ang tungkol sa babaeng nagngangalan Darkness. Ang ganda ng code pinili niya. Nice!

Pumasok ako sa kwarto ko't nilock ang pinto upang wala makapasok. Hindi na ako nag-abala magbihis at deretsyo umupo sa sopa. Binuksan ko ang envelope at isa-isa nilabas ang papel pati ang dalawang litrato.

Nagsimula na akong nagbasa.

Ang code name niya ay Darkness. Sa Demon Underground siya nagtratrabaho bilang isang Assassin at Sniper. At ang nakakagulat pa'y Rank 2 ito samantala ako Rank 5 lang, at saakin pinagkatiwala ang misyon na ito dahil ang pinakakataas pa saakin ay binigyan din ng misyon ni boss.

Katulad ko'y nag-iisa din siyang babae sa Assassin Rank's. Napa-o ang bibig ko nung nabasa ko na tinuring siya na isang prinsesa sa underground nila dahil siya lang daw ang babae sakanila, 'di kagaya sa underground namin ay madami pero ako lang nakapasok sa Assassin Rank's.

Sana all prinsesa

Magaling din siya gumamit ng anong klaseng baril, knives at katana maliban nalang sa pana. Her weakness is bow and arrows,

Napangisi ako nung nabasa ko na hindi siya marunong gumamit ng bow and arrow. Akala ko wala itong kahinaan ngunit meron pala.

Ang pana nalang ang gagamitin ko panlaban sakanya since magaling naman ako gumamit no'n. Hindi sa pagmamalaki, ako yata ang pinakamagaling gumamit ng pana sa Underground. Mabuti, kahinaan niya ang pana kundi baka matagalan pa ako nito.

Nagpatuloy lang ako nagbasa at walang pinalampas kahit isang letra hanggang natapos ko 'yon.

Base sa mga nabasa ko'y madami siyang napatay. Hindi na ako natataka kung ganong kadami ang kanyang napatay dahil 'yon naman ang trabaho niya bilang Assassin at Sniper diba?

Kahit nga ako madami napatay ngunit hindi inosente kundi ang mga masasamang tao. Dahil sakanila'y parang naging mesrabol ang mundo kaya nararapat sakanila mawala sa mundo.

Nilapag ko sa mini table ang mga papel at sumandal sa sandalan ng sopa. Ayaw ko nang sabihin ang lahat dahil nakakapagod din para alam niyo.

Kanina may pinagtataka ako kay boss at sa impormasyon. Bakit hindi sinabi saakin ni boss kung ano ang kasalanan ni darkness? Wala din nakalagay sa impormasyon dito na may mali siyang ginawa? Ang wierd ni boss.

Baka may kasalan si Darkness kay boss kaya ganon niya gusto kung patayin ang babaeng 'to.

Wait for me, darkness dahil gagawin kung panangib ang kapaligiran mo. Danger ang pangalan ko na nagbibigay panganib sa taong kalaban ko at ayaw ko.

Ngumisi ako.

SOMEONE POV.

DAHAN-DAHAN ako naglalakad sa gitna ng hallway. Ang kaninang ingay na narinig ko'y napalitan ng katahimigan na tanging yapak ko lang ang nagbigay ingay sa boung underground. Wala kang marinig kahit isang kaluskos o kunting ingay na para bang pinigilan nila huminga.

Hindi ko nalang sila pinansin at deretsyo lamang naglalakad papunta sa office ng pinuno namin. Pinatawag kasi niya ako na ikinatataka ko. May misyon yata ibibigay saakin.

Sanay na ako ganito ang madatnan ko everytime pumunta ako dito. Tahimik at takot. Hindi ko naman sila masisi dahil mataas ang Rank ko at tinuring prinsesa sa loob ng underground na ito. Ewan ko kung sino ang nag-utos sakanila na kailan akong turingin na prinsesa dito. Impossible naman kung si pinuno dahil gusto niya sa loob na ito ay pantay-pantay ang tingin. Palibhasa kasi nag-iisa lang ako na babae at lalaki lahat ang katrabaho ko dito sa loob ng underground.

Behind Them Mask (Underground Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon