Chapter 10

183 8 1
                                    

Cara's POV

Patuloy lang ako sa pagpingot sa tenga ng walanghiyang garapata ng biglang nakarinig kami ng pagtikhim. Oh no..
   
Pareho kaming napalingon ni Zairus sa pwesto ni Charles nasa likod niya si nanay Elena.
   
He tilt his head and innocently look at us.
"Mommy, are you two fighting?" Tanong niya habang nakanguso.
   
Shit! sabay kaming umiling ni Zairus, "N-no, why?"

"Then why are pinching each other's ears?" Aniya sabay turo sa tenga namin.
   
Damn, bakit hindi ko napansin agad 'yon? Sinamaan ko muna ng tingin si Zairus bago tinanggal ang kamay ko sa tenga niya at ganun din ang ginawa niya.
   

Inayos ko ang buhok kong ginulo ng katabi kong shokoy. Lugi ako do'n ah, ako pingot lang ang ginawa pero siya pingot woth matching sabunot! Ha, lintik lang ang walang ganti, mamaya siya sa'kin.
   
Peke akong ngumiti saka lumapit sa anak kong kanina pa nakatingin sa amin, "Baby, breakfast ka na? baka ma-late tayo sa family day, eh."

"Family day daw pero ako ang kasama kung p'wede namang si Zhairro na lang, haystt."

I heard Zairus mumbling something kaya lumingon ako sa kanya at sinamaan ng tingin.

Ngumuso siya at nag iwas ng tingin. Ayan matakot ka sa'kin!

Bumalik siya sa upuan niya saka nagpatuloy sa pagkain. Gusto ko pa sanang asarin kaso wag na lang, mahirap na, mahilig pa naman gumanti.

Gusto ko pa sanang kumain pero nawalan na ako ng gana, kaya nagpaalam na ako sa kanila na aakyat sa kwarto para mag ayos.

Nagsuot lang ako ng red t-shirt dahil iyon ang kulay ng damit na ibinigay ng teacher ni Charles, pinaresan ko ito ng highwaisted pants at rubber shoes para komportable ako mamaya. Naglagay lang din ako ng pulbo at liptint para fresh lang ang look ko.

Pagkatapos ko'ng mag ayos ay bumaba na rin ako, baka kase mamaya tapos na pala silang kumain at hinihintay na lang ako.

Pagka-baba ko ay wala na sila do'n sa p'westo nila kahit si nay Lena ay wala na rin doon, sa tingin ko ay nauna na sila sa kotse.

Ako naman ay sumunod na sa labas. Pagkapasok ko ng kotse ay nakita ko ang pag irap ni Zairus sa rare view mirror, kaya tinaasan ko siya ng kilay.

"You're being suplado again, Zai. Stop that."

He didn't speak for a second, but he tapped the seat next to him. "Do I look like a Taxi driver to you? Dito ka sa harap, namimihasa ka na. Kanina ka pa."

Napa 'tsk' na lang ako bago lumipat sa harap. Hindi na ako nagsalita dahil baka umabot ulit sa sabunutan ang sagutan namin. Hell I won't let him ruined my beautyness.

Nakasandal lang ako habang nakatanaw sa labas ng bintana. Hanggang ngayon ay iniisip ko pa rin ang nangyari nung gabing iyon.

Bakit ko ba hinayaan na mangyari ang bagay na iyon? He is a married man for goodness sake!

I let him touch me, I let him invade my body. I let him explore and do so many sinful things in my body and I hate it.

I hate it knowing that the man I have sex with was my ex.

Bumalik lang ako sa katinuan nang tumigil na ang sasakyan.

"Hey, umiiyak ka ba?" Tanong ni Zairus, bakas sa mukha niya ang pagtataka.

"H-ha?" napalingon ako sa kanya saka ko kinapa ang pisngi ko. Umiyak ako?

"You're crying, bakit?"

"Wala," I fake a smile, "Napuwing lang siguro ako." Alam kong hindi siya kumbinsido dahil sa uri ng tingin at pagtango niya.

Pasimple kong nilingon si Charles baka mamaya pati siya ay tanungin din ako. Luckily he's busy talking to nanay Lena, kaya nakahinga ako ng maluwag.

Nauna ng bumaba si Zairus sa sasakyan, sumunod na rin ako. Umikot pa siya para pagbuksan sila 'nay Lena.

"Mommy, ang dami na po'ng tao." Anya sabay tingin sa mga estudyante na kasama ang mga parents nila.

Napangiti lang ako at hinawakan ang kamay niya.

"Let's go na, mamaya magsisimula na ang event." Ani ko na ikinalapad ng ngiti niya.

Lumingon si Charles kay Zairus saka inabot ang kamay nito. "Tatay, galingan po natin mamaya, ha, para manalo tayo!"

Zairus smirked, "We'll surely win, buddy. Gwapo ba naman ang tatay Zairus mo, eh."

Napangiwi ako sa kahanginan ni Zairus. Hindi talaga natatapos ang araw ng hindi lumalabas pagka-mahangin niya. Tsk!

Pagpasok namin sa gymnasium ay marami ng tao. Kinalabit ko si Zairus para sabihin sa kanya na pupuntahan ko lang sandali ang teacher ni Charles.

Zairus look at me with his brow raised. "What?"

"Dito muna kayo pupuntahan ko lang sandali ang teacher ni Charles, itatanong ko lang kung kumusta si Charles at ang pag aaral niya since you know, I've been busy lately." Sabi ko at binigyan siya ng tipid na ngiti.

Tumango naman siya kaya tumalikod na ako para hanapin ang teacher ni Charles, ngunit hindi pa man ako nakakahakbang ay nagsalita na siya.

"Samahan na kita, nandito naman si 'nay Lena magbantay kay Charles." Aniya saka lumapit sa'kin.

Hindi na ako pumalag at hinayaan na lamang siyang sumunod sa'kin.

Tinungo namin ang backstage nagbabakasaling makita namin siya doon, at hindi nga kami nagkamali dahil naroon siya kasama pa ang ibang teachers nagkukwentuhan.

Nang makita niya ako ay agad siyang napangiti at lumapit sa amin.

"Mrs. Reid, Mr. Blackwell, kumusta?"

I smiled, "We're great! Ikaw po Mrs. Manansala, kumusta?" Tanong ko pabalik.

She sighed. "Naku, okay lang din, Hija. Siya nga pala, ano sadya niyo at pumarito kayo?"

"Ahm, itatanong ko lang ho sana kung kumusta ang pag aaral ni Charles since busy ako the past few days."

Hindi siya nakaimik agad. Tumingin siya sa 'kin at ngumiti ng tipid. "Okay naman siya, Hija."

"Nasabi po sa akin ni Charles na nabubully daw siya, totoo po ba 'yon?"

Malungkot siyang tumango. "Minsan kapag hindi kami nakatingin madalas siya mabully, lagi siyang sinasabihan ng ibang bata na wala siyang ama o kung ano pa, pero napagsasabihan naman namin sila."

Parang piniga ang puso ko sa narinig. He's been bullied by his classmates, at wala man lang akong nagawa. Wala na naman akong nagawa, pakiramdam ko ay ang sama kong ina. Kung sana lagi ko siyang naabutang gising sa tuwing umuuwi ako ng bahay galing trabaho ay alam ko ang nangyayari sa kanya sa school niya.

I smiled bitterly as I look at Mrs. Manansala, "Sana hindi na maulit ito. I can't imagine my son is getting bullied by someone else's child."

She nodded, "Makakaasa ka, Mrs. Reid.---" Naputol ang sasabihin niya nang may tumakbong bata sa harap namin at nagsisisigaw.

"Teacher, Teacher! Si Charles po binubully na naman nila Tyson!"

Kumabog ang dibdib ko ng marinig ko ang pangalan ni Charles. Agad kaming tumakbo kung saan namin sila iniwan kanina.

Nakita kong yakap yakap ni 'nay Lena si Charles sa likuran.

"Hindi totoo ang sinasabi mo! May Daddy ako!" Sigaw ni Charles at pilit na inaabot ang isang bata.

"Wala, wala kang Daddy! Tito mo lang ang kasama mo hindi ang Daddy mo, palibahasa hindi ka niya mahal kaya iniwan ka!" Pagpupumilit ng isang bata at mapang asar na tumatawa.

Hinila ko si Charles sa pagkakayakap ni 'nay Lena. At niyakap siya ng mahigpit. Tinignan ko ang batang nang-api kay Charles, pinagsabihan na ni Zairus ganun din ang teacher niya.

"Bakit, totoo naman po, eh, na wala siyang Daddy--"

"At sino'ng nagsabi sayo na wala siyang Daddy?" Putol ng isang malalim na boses.




Author's Note: Short update! Bawi ako bukas.. Goodnight!😚

BLACKWELL SERIES 1: ZHAIRRO CLY POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon