Chapter 13

149 4 1
                                    

CARA POV

Hinayaan ko lang siyang yakapin ako. Sumandal ako sa dibdib niya at doon ako umiyak.

"Kung alam mong hindi mo kayang i-handle ang sarili mo kapag lasing ka, sana tinawagan mo ako." Anas niya.

Hindi ako makasagot, nahihiya ako dahil sa ginawa ko. At tama rin siya sana tinawagan ko na lang siya nung gabing 'yon.

"I'm sorry... H'wag mo sana akong pandirihan dahil sa ginawa ko," Sabi ko at mas lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya.

Hindi siya nagsalita at hinayaan lang akong umiyak sa bisig niya.

Matapos ang ilang minuto ay lumayo na ako sa kanya. Ibinaling ko ang tingin sa pool at nagsimulang magk'wento.

"That night, I was with the girls and Cliffer." Panimula ko, lumingon ako sa kanya bago ulit binalik ang tingin sa pool. Mukha namang nakikinig. "Tumawag raw sayo si Cliffer para tanungin kung pupunta ka, ang sabi mo next time na lang dahil marami kang office works kaya kami na lang ang nag party." I stated.

Bumuntong hininga ako bago ulit magpatuloy. "Nakailang drinks muna kami bago nawala ang apat sa paningin ko. At tingin ko sumiksik sila sa mga tao kaya hindi ko na sila nakita pa. Nagsumiksik din ako baka sakaling mahanap ko sila, pero masyadong matao sa lugar na 'yon kaya tumigil na ako kakahanap sa kanila, and I started dancing with random people not knowing that your brother was there, watching me from afar."

Sa peripheral vision ko ay nakita ko siyang lumingon sa 'kin.

"And he saw you in your drunk state so he took advantage of you, is that it?" Ramdam ko ang talim ng tingin niya sa 'kin kaya umiling ako.

I lick my lips as the memories of party night with girls flashed in my mind.
"I was not really drunk when he carried me, hinayaan ko siyang dalhin ako sa Condo niya. Gusto ko lang sana makakuha ng sagot sa kanya." Paglilinaw ko.

Kita ko ang pag igting ng panga niya, "May nakuha ka bang sagot? Wala, may napala ka ba? Wala rin, tama ba?"

Mapakla akong ngumiti saka umiling, "You're right. Wala akong napala, dahil ng magising ako sa kwarto niya ay galit na agad ang namuo sa puso ko."

"But you still loved him kahit na iniwan ka noon dahil sa bestfriend niya," He chuckled, "Hindi ko alam kung ano'ng itatawag ko sa 'yo. Hindi naman siguro martyr dahil matigas ang puso mo, hindi rin karupokan dahil hindi mo rin siya napapatawad, eh ano? Katangahan?" Napailing siya sa sagot niya.

Napabuntong-hininga ako. "Hindi ko rin alam, Zairus. Siguro nga katangahan ang tawag ro'n, mahal ko pa rin siya sa kabila nang lahat ng ginawa niya. Pero hindi ibig sabihin na mahal ko pa siya ay hahatakin ko na lang siya pabalik sa 'kin." Sambit ko.

Hindi siya nagsalita but, I could see the disappointment in his eyes.

Umupo ako sa gilid ng pool at tumingin sa kalangitan. "Hindi ko pa nga nakakalimutan ang sinabi niya kanina." Pabulong kong sabi, pero hindi iyon nakaligtas kay Zairus dahil nasa akin na ang tingin niya.

"Ano'ng pinag-usapan niyo kanina?" kunot noo niyang tanong.

I licked my lips as I play with the water, "Sinisi niya ako sa pagtago ko kay Charles... Sinabi rin niya na ilalayo niya sa 'kin ang anak ko." I chuckled bitterly.

Zairus' jaw clenched upon hearing it. "He said that?" he asks in a low voice.

Tumango ako, "Kung hinayaan ko lang daw siyang magpaliwanag hindi raw sana malalayo ang loob ni Charles sa kanya."

Lumapit siya sa akin at umupo sa tabi ko. "Why didn't you let him explain his side, tho?" Curious niysng tanong.

Nagkibit-balikat lang ako, "I don't think he deserve it. At saka isa pa, kahit siguro hinayaan ko siyang ipagliwanag ang side niya, kay Nicole pa din siya sasama."

"At least alam mo na ang reasons niya."

Umiling ako, "He told me that Nicole was pregnant that time and she needed him. Obviously, sa huli ako pa rin ang talo."

"Tinanong mo ba kung mahal ka niya? Did he think about you while doing those sinful thing with his bestfriend?" Kalmado niyang tanong pero madilim pa rin ang mukha niya.

I chuckled, "Real man knows how to distance himself if he truly loves someone, Zai. He won't do such thing behind your back. If you think love is painful, then you're wrong. Even if that person said he loves you all the time but he keeps on hurting you, it's not love. Because, real love is genuine, it is unbreakable."

At this time he smile, "Ang swerte ng kapatid ko sa 'yo, ang tanga niya lang dahil hindi ka pinanindigan." He chuckles as he shook his head.

Natahimik ako sandali. Marami pa ring katanungan ang gumugulo sa isipan ko.

Lumingon ako sa kanya. "Zai? What if, makuha ni Zhairro si Charles sa 'kin? What if, totohanin niya ang banta niya kanina?" Nag aalala kong tanong.

He smirk, "Kaya na ni Charles 'yon. At kung hindi man siya makikinig sa anak niyo, then ako ang gagawa ng paraan para mabawi mo si Charles." He pat my head and pulled me closer to give me a hug.

Sumandal ako sa balikat balikat niya at ngumiti. "Thank you. Kahit minsan mahangin ka may k'wenta ka rin pala."

Sinamaan niya ako ng tingin saka tinulak sa pool. "Ang sama talaga ng ugali mo!"

Sa halip na magalit ako dahil sa pagtulak niya sa 'kin ay napahagalpak na lang ako ng tawa. "C'mon, Zai! Nagsasabi lang ako ng totoo!" Sabi ko habang tumatawa.

He glared at me, "No you're not! You're insulting me!"

I pout. "Hey, don't be over dramatic. It's a compliment!" Pagdedepensa ko. Kinuha ko ang host at nilagay iyon sa likod ko.

"Oh, yeah? Salamat sa compliment, ha?" He said with full of sarcasm.

I giggled. "You're welcome, Ass." sabi ko sabay tutok sa kanya ng host dahilan para mabasa siya.

He covered himself but it's useless dahil basang basa na siya. Tinanggal niya ang sapatos bago tumalon sa pool.

"You, Brat!" inagaw niya sa 'kin ang host at tinutok iyon sa mukha ko.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 12 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BLACKWELL SERIES 1: ZHAIRRO CLY POSSESSIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon