[ALARM TONE]
(Call me baby)
I georin wanjeon nalliya
(Call me baby)
Saramdeul saineun namiya
(Call me baby)
Hamkkehaneun mae sungani like
Boom boom boom boom boom (what up)Kinapa ko ang phone ko sa kama habang nakapikit pa ang mga mata. Pagkakuha ko sa phone ay unti-unti kong minulat ang aking mga mata.
"Good morninggg Kyungsoooo"
Ang ganda ng umaga kapag si Kyungso ang nakikita. Wallpaper at Lockscreen ba naman si DO. Delulu moments. Kikilos na ako dahil may pasok na naman. Binilisan ko na ang pagkilos para makaalis ako agad para di ko makita si CK, nakakainis kasi si Kuya may pag-asar na nalalaman at bakit ba kasi mananaginip na lang ay kasama pa siya.
Pagkatapos kumilos ay lumabas na ako ng bahay at dire-diretso na naglakad hanggang sa sakayan. Tagumpay naman ako na hindi makita si CK. Mabuti na lang dahil maaga talaga ako ngayon dahil may practice kami ng volleyball. Pagkarating ko sa university ay dumiretso na ako sa gym, nagpalit na ako ng damit at inilagay ang gamit sa locker, may kanya kanya rin kaming locker dito sa gym, lahat ng varsity players.
Nang makapagpalit na ay nagtungo na ako sa court. Nag-warm up exercise na muna ako, maya-maya ay dumating na rin si Tracee, sa aming apat ay kaming dalawa ang varsity players ng school, naglalaro rin naman sila Ishi at Prim pero tuwing sportsfest lang dahil bawal maglaro sa department kapag varsity na kaya hindi na rin sila nag-tryout for campus varsity.
"Aga mo ata today?" nagtatakang tanong ni Tracee ng makalapit siya sa kinaroroonan ko.
"Aga ko rin nagising e" pilosopong sagot ko sa kanya.
"Aga nagising o may tinataguan?" pang-aasar na tanong niya.
She got me, pero syempre ide-deny natin yan.
"At sino namang tataguan ko aber?" irap na sabi ko sa kanya.
"Sino pa ba, edi si neighborhood" sabi nya sabay tawa.
"Bakit ko naman tataguan yon" seryosong sabi ko.
"Bakit kaya hindi mo yan itanong sa sarili mo?" seryosong sabi niya at umalis na upang kuhain ang bola ng volleyball.
Is it too obvious ba na may something ako kay CK? Kung di lang kasi ako inasar ni Kuya ay hindi ako magkakaganito, kailangan ko pa tuloy kwestyunin ang sarili ko.
Nag-practice na kami ni Tracee, pagkatapos ay naligo at nagpalit na ulit ng uniform para sa klase. Sabay na rin kaming pumasok dahil blockmates naman kami. Sinalubong din naman kami nina Ishi at Prim.
"Hooooyyy Cyrene" pambungad naman ni Prim ng makita ako.
"Ano ba yon Prim, at maka-hoy ka naman" sabi ko sa kanya na kunwaring naiinis.
"Luka ka, pumunta kanina rito si CK hinahanap ka" intrigang kwento ni Prim.
"Tapos?" masungit na sabi ko.
"Edi nang malaman na wala ka ay umalis na" seryosong dugtong naman ni Ishi.
"Ayan tago pa" bulong naman sa akin ni Tracee, ngumisi pa ang gaga.
"Naku, hayaan ninyo yon, wala naman iyong kailangan para hanapin ako" seryosong sabi ko.
"Gagi bhiee, kinikilig kilig pa mga kaklase natin kanina kasi may famous na pumunta rito, alam mo naman maraming nagkakagusto roon sa katapat bahay mo" masiglang kwento pa ni Prim.
"Ikaw ba naman ang lead vocalist na guitarist tapos gwapo na yummy pa" kantyaw na sabi ni Tracee.
"Ay naku Tracee bawal yan" natatawang sabi ni Prim. "Bawal pag-nasaan ang di mo pag-aari" dugtong pa ni Prim.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Notes
Short StoryIDOL SERIES #2 This book may contain spoilers from Idol Series #1 The Two Idols.