(Warning: Contains mature scene)
Matapos ang pagpunta namin ni CK sa Tagaytay ay lagi na kaming sabay pumasok at umuwi, tipid na sa pamasahe ang ferson.
Narito ako ngayon sa classroom dahil katatapos lang ng klase. Paglingon ko sa katabi kong si Tracee ay nakangiti siya ng nakakaloko sa akin.
"Nginingiti-ngiti mo riyan, para kang tanga" kunwaring inis na sabi ko sa kanya.
"Kala mo ba hindi ko malalaman ha" nakangiting pang-asar na sabi niya.
"Ano na naman?" tanong ko sa kanya.
"Sabay kayo lagi ni CK umuwi at pumasok, kayo na ba?" patuloy na pang-aasar niya.
"Gagi, hindi ha" sagot ko sa kanya.
"Sus, denial" sabi niya sabay irap.
Tinawanan ko na lamang siya. Wala talagang ligtas sa babaeng ito.
Maya-maya ay nakita ko ng naglalakad si CK papalapit sa classroom namin. Ano ba naman yan pahalata masyadong gustong gusto ako e haha. Tumayo na ako at nagpaalam sa mga kaibigan ko na mauuna na kong umalis. Aasarin pa ko ng mga iyon kapag nakita pa nila si CK.
Nang makasalubong ko si CK ay agad ko syang hinila at patakbong umalis sa tapat ng classroom hanggang sa makarating kami sa parking lot ng school. Hingal na hingal pa ko dahil sa kagagawan ko. Napatingin ako kay CK na puno ng kuryosidad ang mukha at hinihintay akong magsalita. Napatingin din ako sa mga kamay namin at agad na tinanggal ang pagkakahawak ko sa kanya.
"Sorry, sorry" nasambit ko na lamang.
"Why are you sorry?" nag-aalalang tanong niya sa akin.
"Nadamay ka pa sa pagtakbo, ikaw naman kasi bigla bigla ka sumusulpot sa classroom namin. Aasarin na naman ako ng mga kaibigan ko kapag nakita ka nila. Tsaka baka maisyu pa tayo dami dami pa namang nagkakagusto sayo" dire-diretsong sabi ko.
"And so?" sabi niya at itinaas pa ang isang kilay.
"Wala ka bang pake kung asarin ako at maisyu tayo ha" mataray na ganti ko sa kanya.
"I told you that I like you Cyrene diba, kaya bakit naman ako matatakot na maisyu. You are bigger than the issue, tsaka di yon issue kung totoo naman" proud na sabi nya.
"Hoy gago, anong you are bigger, di ako mataba, siraulong to" masungit na sabi ko sabay irap sa kanya.
Biglang tumawa si CK. Aba ang gago talaga tinatawanan pa ko.
"Nagsusungit ka na naman, kala ko pa naman kikiligin ka, walang effect hays" natatawang sabi nya pa bago bumuntong-hininga.
"Sinong kikiligin sa bigger ha?" masungit na sabi ko pa rin sa kanya.
"You are so literal, nakakainis" di pa rin mawala ang ngiti sa labi niya. "I mean mas malaki yong pagmamahal ko sa iyo kaysa kung magkakaroon ng isyu" pagpapaliwanag niya.
Did I just hear it right? Pagmamahal? Ini-eme na naman ako ng isang Cade Knox Perez.
"Eme ka, saan ba tayo pupunta?" pag-iiba ko ng topic.
"Saan mo ba gusto?" tanong naman niya.
"Saan ba maganda?" tanong ko ulit.
"Sa iyo" seryosong sagot niya.
"Hoy Cade, kumukuta ka na ha" pinanliitan ko siya ng mata.
"What? I'm just stating the fact" seryoso pa rin siya.
"Di naman halatang patay na patay ka sa akin nyan" natatawang asar ko sa kanya.
"Di ko naman ide-deny Cy" nakangiting sabi niya.
BINABASA MO ANG
Rhythm of Notes
Short StoryIDOL SERIES #2 This book may contain spoilers from Idol Series #1 The Two Idols.