CHAPTER 3

25 0 0
                                    

Rehan's POV

Nagsisimula na ang party nang makarating ako sa mansyon ng mga Cervantes. Hindi
marami ang tao at karamihan ay hindi ko mga kilala. The party's set up is great. May nakita din akong kumpol-kumpol na mga grupo na nakiki-party, nakita ko ang kumpol ng mga tropa ko at mabilis na lumapit doon.

"Rehan pre! Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa hinahanap ng birthday celebrant." nakangising salubong sa akin ni Ryan, isa sa tropa ko. Katabi niya si Reece sa upuan at tumutungga ng alak sa baso.

"Dumaan pa kasi ako sa restaurant ni Tita Angela." sagot ko at tumabi kay Reece.

Inabutan ako ni Reece ng isang bote ng alak. Kinuha ko iyon at nagsalin sa nahagip kong baso at uminom. Gumuhit ang mainit na alak sa lalamunan ko. Muntik pa akong mapaubo dahil sa tapang ng alak. Bumalik si Reece sa pakikipagkwentuhan kina Ryan.

"Hey, easy." natatawang sabi ni Matt na hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala. Umakbay siya sa akin at pinisil ang balikat ko.

Agad akong nakaramdam ng iristayon dahil sa pag-akbay niya. Sobrang lapit pa ng mukha niya sa mukha ko, hindi niya ata alam ang salitang personal space dahil tuwing nagkikita sila ay palagi itong feeling close at napaka-clingy. Pinsan siya at friend ng isa sa mga tropa ko kaya nagtitimpi lang ako.

I maintained my smile habang nagkekwento siya sa nangyari sa kanya maghapon though hindi ko naman tinatanong.

I did my best not to shove him away. The truth is, I hate it when someone touches me without my permission. There's really no reason behind it, I just doesn't like people who act too close to me when they don't even know who I really is.

Pasimple kong hinawakan ang kamay niya na nasa braso ko. Nag-angat ako tingin sa kanya at nakita kong malagkit na nakatitig siya sa akin at malaki ang ngisi. At isa pa pala, ang paraan niya ng pagtingin sa akin na parang nakakabastos, yung parang hinuhubaran ako sa isip niya kung makatingin. Parang gusto kong mapailing. Mukhang tama talaga ang hinala ko. For goodness sake! I'm a guy!

Marahan kong inalis ang kamay niya na nasa braso ko. "I do want to stay at the party a bit longer. However, tumulong kasi ako kay auntie sa restaurant niya kaya sobrang napagod ako so I really want to rest already. Magpapakita lang ako sana ako kay Karina at aalis na din." sagot ko sa tinatanong niya kanina at bahagyang lumayo sa kanya at dumikit kay Reece na busy parin sa pakikipagkwentuhan sa tropa.

Narinig kong may tumawag kay Matt at niyaya siya sa katabi nilang mesa. Mga tropa siguro niya ang mga iyon. Sumama naman siya at nagpaalam sa amin. Hindi ako nag abalang sumulyap sa kanya. Nakahinga ako ng maluwag ng umalis na siya sa mesa namin. Ginala ko ang paningin sa lugar. Napakalawak ng hardin ng mansyon at maganda kaya pedeng maging commercial venue sa mga parties. Napakayaman talaga ng pamilya Cervantes karamihan kasi sa mga bisita nila ay mga kilala at galing sa mayayamang pamilya. Bukod doon ay napakalaki din ng pagmamay-aring farm ng mga ito.

Malakas na nagtawanan ang mga kaibigan ko at mga nag-aasaran. Nakinig na lamang ako sa usapan ng mga ito.

"Hindi mo ata kasama ang girlfriend mo, Samuel." tanong ni Ryan kay Samuel.

"Hindi ko talaga sinama at pinaalam na pupunta ako ngayon dito ang alam nun natutulog na ko," nakangising sagot ni Samuel, at mukhang tinamaan na ng alak.

"Mas okay ang walang kasamang babae sa party, mga pre. We could flirt and dance to anybody." si Liam at tumawa sabay lagok ng iniinom na alak.

"By the way, Rehan. Galing ako kahapon sa school at nakasalubong ko kanina si Ava. Hot as ever. Hinahanap ka hindi mo daw sinasagot ang texts niya at tawag niya." si Reece at sinulyapan ako habang kumakain ng pulutan.

A Home In His Arms (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon