CHAPTER 4

16 0 0
                                    

Jace's POV

"Salamat ho Manong Jerry." sabi ko sa isa sa mga trabahador ni Don Antonio. Galing kami sa farm at hinatid niya ako pauwi sa hacienda ng mga Cervantes.

Maghapon akong tumulong sa farm at gabi na nakauwi, bukod kasi sa pag-aani ng mga pananim ay sumama din akong magdeliver sa mga iba't ibang lugar dito sa San Luis.

Wala naman nag-uutos sa akin na tumulong ako sa farm pero hindi kasi ako sanay ng walang ginagawa, mabilis kasi ako mabored kaya naman mas gusto ko na may pinagkakaabalahan. Kaya pag may pagkakataon ay nagpipresenta ako na sumama sa farm. Nakikita ko naman na natutuwa si Don Antonio sa pagtulong ko. Minsan pa nga ay siya ang nagtuturo sa akin sa farm at kapag may tanong ako ay masigla itong nagpapaliwanag.

Sa tatlong linggo ko pa lamang dito napansin ko na walang interes ang magkapatid sa negosyo ng ama ng mga ito. Ni minsan kasi ay hindi nagawi ang mga ito sa farm, madalas ay nasa kwarto lamang ang bunso ng mga ito at si Reece naman ay palaging wala sa bahay, parati ay gabi ng umuuwi at matutulog nalang.

Nagpaalam na si Mang Jerry bago pinaharurot ang pick-up na minamaneho niya. Tumalikod na ako at naglakad papasok ng mansyon. Gustong gusto ko nang maligo dahil ramdam ko na naglalagkit na ako ng dahil sa pawis. Maghapon kasi ako nabilad sa araw.

Naramdaman kong nag-vibrate ang phone ko mula sa bulsa. Kinuha ko ang phone at binasa ang nagtext sakin.

It was Tita Claire.

To: Jace
From: Tita Claire

Call me when you get home.

Pinasok ko ulit sa bulsa ang phone at dumeretso sa hagdan pataas. Pumasok agad ako sa CR pagkadating ko sa kwarto ko. Pagkatapos kong maligo tinawagan ko agad si tita habang nagsusuot ng damit pantulog, simpleng t-shirt at short.

Kinamusta lang ako ni tita at nagkwento about sa business trip niya sa Hawaii. Nagbilin si tita at sinabing wag na akong tumulong sa farm at mag-focus nalang sa pag-aaral.

"Naayos mo na ba pag-transfer mo sa unibersidad na papasukan mo?"

"Yeah, last week pa, and tomorrow is my first day at school." sagot ko at habang naglalakad papuntang balkonahe ng kwarto ko. Sinalubong agad ako ng hangin pagkalabas na pagkalabas ko , malamig 'yon, masarap sa pakiramdam.

Ah, this is what I needed after staying too long in the heat.

"Well, I also prefer na dyan ka mag-aral sa Pilipinas especially sa San Luis College. Magagaling ang mga professor at maganda ang kalidad ng pagtuturo nila dyan. Kaya 'yan ang napili kong university na papasukan mo. Saka isa pa nga pala, your friend Avery came here , hinahanap ka. Hindi ka daw ma-contact."

"Since I change my cellphone number, I didn't use the old one anymore. Did you give my new number?"

"No way! I don't like him, nang dahil sa kanya muntik ka ng mawala samin ni Kuya. He's bad influence to you. Tigil-tigilan mo na ang pakikipagkaibigan mo sa lalaking 'yon!'

"Tita, that was an accident. It's not his fault that-"

"Don't defend him, I still don't like him! Nang dahil sa kanya natuto kang mangarera. Namulat ka sa mundo na yan dahil sa lalaking 'yon! Hindi ko maintindihan kung bakit pinayagan ka ni Kuya sa hobby na yan. I don't how many he gifted you that damn sports car even though you're just a minor. Is it even worth it? He spoils you rotten!" saad ni tita Claire mula sa kabiling linya.

"Tita, relax, maha-high blood ka nyan." I said with a laugh.

Tita is right though. Avery a friend of mine who introduce me to the world of sports car racing. I met him through mutual friends , he's five years older than me. I really like sports car, I've been collecting it since I was a kid. Of course a toys when I was a kid then now that I'm an adult, a  very expensive sports car. I don't know but owning a sports car and riding it gives me a thrilling experience which is so hard to describe the feeling but I love it. Until I met Avery, when he found out about my hobby, he  introduced me to racing.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 02 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

A Home In His Arms (BXB)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon