CHAPTER 1

19 1 0
                                    

                             Athens Greece

"Name?" The boy in his 20+ asked me.

"Athens Greece Palomino." I answered. Nasa School Registrar ako ngayon, in-interview ako for scholarship. Ito na talaga huling alas ko para makapag-aral.

"Age? Address?" He asked again.

"17 years old, i lived in...." I stopped. Saan nga pala ako nakatira. Hinawakan ko aking chin at bahagyang tumungin sa itaas na animoy nag-iisip ng sagot. ".....Far far away city, sir. I don't know where basta malayo sa sentro ng Pilipinas." Sagot ko na ikinaseryoso ng lalaki sa harapan ko.

"I'm asking a serious question here, Miss. So please answer it properly if you can't answer it properly your scholarship application would be dismissed." He said coldly.

"Seryoso naman ako a!" Sabi ko at tinaasan ng boses ang kaharap ko dahilan upang tingnan niya ako ng masama. Binagsak niya ang papel na hawak at tumayo.

"Leave. Now!" Sigaw niya sa akin at napatangin ang lahat sa amin. Hayst alam ko na kung bakit maliit ang bintana sa Registrar, para kapag punong- puno kana di mo masasampal o masusuntok kase di naman kasya yung buong kamao mo. Ang sungit naman nito! Kala mo naman ay siya yong may ari ng paaralan. Hindi ako umalis sa harapan niya at tiningnan lang siya mata sa mata.

"Don't you hear me, Miss? I said leave, we cannot accept your application you're not qualified as our scholar. You've been expelled 4 times in 8 different schools. I'm sorry. Makakapag- aral ka lang dito kung may willing magpapa- aral sayo." Sabi niya. Oo nga pala, expelled pala ako sa dati kong school wala ng public school ang tumatanggap sa akin dahil sa kabaliwan ko. Even my parents abandoned me, wala daw silang anak na puro kalokohan ang alam. I leave a heavy sighed at umalis na registrar. Naglakad lang ako pauwi sa tinutuluyan kong bahay, kinuha ko ang aking phone sa aking bulsa at may dinial na number. Naka ilang ring lang ito at sinagot na.

"Nic." Bungad ko.

"AG? Napatawag ka?" Sagot naman ng nasa kabilang linya. It was my friend, Danica Lin. Chinese ang Adopted parents nito kaya ganyan ang apeliyedo.

"Ano kasi, di ako nakapag enroll di rin tinanggap yong scholarship application ko. Baka may alam kang puwede ko pagtrabahuan diyan sa divisorya, baka lang naman. I'm willing to learn, Nic." Pakikiusap ko sa kaniya. I heard her sighed, pati siya kasi problemado na sa akin.

"Maghahanap ako. I'll tell you later, okay?" Sagot niya sa kabilang linya.

"Okay,  Salamat in advance. Bye."

"Bye, ingat ka ha, Tanga ka pa naman!" Tumawa ito di ko na siya sinagot at pinatay ko na ang tawag. Ibabalik ko na sana sa aking bulsa ang phone ko at bigla itong nag vibrate. May nagtext, tiningnan ko ang sender at nagulat ako ng makilala kung sino......Mom? Binasa ko ang text niya.

"Meet me at TeaU Cafe, 10:00 am." Di ko alam kung ano ba ang dapat kong maramdaman, matutuwa ba o kakabahan. Si Mom na to e, tanggal angas ko nito, she has this intimidating aura, ma awtoridad kung magsalita, isang salita lang niya eh talagang tiklop ka. Tiningnan ko ang aking wristwatch, it's already 8:50. 30 minutes ang biyahe papunta doom sa cafe na sinasabi ni Mom, pero knowing her ayaw niya ng late. Pumara na ako ng jeep at nagbiyahe papunta sa cafe.

Nakarating na nga sa TeaU cafe, tiningnan ko muna ang loob nito pero di ko makita kung ano ang nasa loob kasi Tainted Glass ito. Dumiretso nalang ako sa Entrance at tinulak ang pinto pero ayaw bumukas, tinulak kolang pero ayaw parin.

"Eh? Sira yata?" I mumbled.

"Pull not push." Natigil ako sa pagtutulak ng pinto nang may biglang nagsalita sa likuran ko, Lalaki ito. Matangkad, Maputi, matangos ang ilong, makapal ang kilay, malalim ang mata, red lips at umiigting ang panga aba e mala Fictional character pala to.

Guarding the Lady BratWhere stories live. Discover now