Chapter 9

1.3K 16 0
                                    

CHAPTER NINE

NAGPASYA si Alison na lumuwas para dalawin ang tinitirhan at ang computer center niya. Nagpahatid siya kay Steve. Kinahapunan ay nagbalik din sila sa Villa Royale.
Hindi niya inaasahang aabutan niya roon si Bradley.
Nakatayo ito sa oval na terrace na kanugnog ng master's bedroom nang abutan niya. Nakatalikod ito sa pinto nang pumasok siya ngunit alam ni Alison na naramdaman na ni Bradley ang presensiya niya.
"Don't you think I have the right to know kung saan ka pupunta?" may galit sa tinig ngunit mahinahong sabi ni Bradley.
"And who do you suppose you are para pag-report-an ko ng mga gusto kong puntahan?"
"I am your husband!"
"Husband? Pakiulit nga?" Natawa nang bahaw si Alison habang humahakbang papasok sa silid. "Baka nakakalimutan mong kahit pumayag akong pakasal sa iyo, hindi pa rin ibig sabihin niyon na asawa mo na ako!"
"Kahit sabihin pa nating nagpakasal tayo para lang itama ang mga mali, that marriage still gives me the privilege to call you my own. You're my property, Mrs. Sarmiento. Kaya tigilan mo na ang kasisinghal mo. Sa ayaw mo't sa gusto ay magkakasama tayo sa susunod na mga araw, linggo at buwan."
"Nangako kang hindi ako pakikialaman. Nangako kang hindi ako aariin kundi ang anak mo lang na dinadala ko."
"Walang nakakaalam ng tunay nating sitwasyon kung hindi tayong dalawa lang. Kailangan nating magkunwari sa lahat."
"Bakit, nahihiya ka bang malaman ng iba kung bakit ako napilitang makasal sa iyo? Dahil napakataas ng tingin sa iyo ng mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ng mga tauhan mo?"
"Para mo namang gustong palabasing napakasama kong tao." May pait sa likod ng ngiti ni Bradley.
"You're a vengeful brute, a rapist!"
"I'm not a rapist!" Tumaas ang boses ni Bradley. "Let me remind you na ikaw ang lumapit sa akin. Pasalamat ka pa nga at isa akong lalaking hindi marunong tumalikod sa responsibilidad."
"How dare you say that, Bradley! Ano'ng gusto mong palabasin? Na ako ang nag-alok ng sarili ko? Na inakit kita para lang mabayaran ang utang ni Trixie? At gusto mo pa palang palabasin ngayon na ikaw ang nagmagandang-loob nang alukin ako ng kasal para lang isalba ako sa kahihiyan."
Sa halip na magsalita pa, nagulat na lamang si Alison nang saklitin siya ni Bradley at kabigin. Saka nito sinarhan ang kanyang bibig sa pamamagitan ng mapang-angking halik.
"Every time you nag at me, a kiss will shut you up," sabi ni Bradley nang marahas din siyang bitiwan. Saka ito lumabas ng silid. Naiwang natitigilan si Alison, hawak ang labing hinagkan ng asawa.
Alam niyang nasasagi na niya ang ego ni Bradley. At napupuno na ito sa katarasan niya. Pero kung ganito kasarap ang parusang igagawad nito sa bawat pagna-nag niya — parati na niya itong ina-nag.

KASALUKUYAN siyang kumukuha ng damit sa closet bilang paghahanda sa pagsa-shower niya nang muling pumasok si Bradley sa master's bedroom.
May iniabot ito sa kanya.
"Maraming magtataka kung bakit hindi mo ito suot."
Tiningnan lang ni Alison ang singsing.
"Kukunin ko ang singsing na 'yan kung kukunin mo ang bayad ko sa pagtira sa bahay na ito at para sa pagkain ko."
Nag-eskrima ang mga kilay ni Bradley. "Are you crazy, Alison?"
"Mabuti na 'yung hindi ako magkaroon ng utang-na-loob sa iyo. Dahil baka singilin mo na naman ako at sarili ko na naman ang hingin mong kabayaran."
"For God's sake, Alison. Stop saying that again and again!" Napasuntok sa dinding si Bradley. "Hindi ko plinano ang lahat. Kung hindi kayo lumapit na magkapatid, malayong magkaroon ako ng anak sa katawan mo!"
"Damn you, Bradley!"
"Your temper, Ali... ayokong lumabas na pangit ang anak ko." Bumaba ang tono ni Bradley. "Oh, well, maraming nagsasabing ang babaing madaling magalit ay madali ring mapaibig. Nakakasilip tuloy ako ng pag-asang magagawa kitang paamuin at paibigin."
"Tingnan natin. Magsasayang ka lang ng panahon. Whatever you do, you cannot touch my heart."
"You are giving me a challenge, my lovely wife. The task of taming you would be a fascinating experience. At ako ang taong hindi umaatras sa hamon. After all, ano nga naman ang challenge ng paglalakbay sa dagat without the unpredictable currents and high tides."
"Oo nga pala, you love accepting challenges. I've known you for a gambler. And you always win dahil tuso ka."
"To think na nagawa kong pakasal sa akin si Alison del Rio, Siguro nga, I always win kahit sa anong laban."
Humakbang si Bradley palapit kay Alison. Tila nanunuksong ihinaplos ang kamay nito sa buhok ng asawa. Pumiksi si Alison at iniiwas ang mukha sa lalaki.
"Alam mo bang noong mga bata pa tayo, kung minsan ay gusto kitang isama sa pakikipaglaro ko sa mga batang squatters para ipakita sa mama mo kung paanong marurumihan ang kamay mo, mapuputikan ang damit mo, at magugulo ang iyong buhok? Gusto kong makita kung ano ang magiging reaksiyon niya kapag nalamang nakihalubilo sa mga yagit na bata ang kanyang prinsesa."
Tinalikuran ni Alison ang asawa. "Eventually, you managed to drag me to the dirt. Hindi lang ang damit ko ang narumihan mo, hindi lang buhok ko ang nagulo. Kundi buong buhay ko."
"Hindi na sana kita pinakasalan kung gusto kong guluhin ang buhay mo."
Sinundan ni Bradley ang asawa kung saan ito pupunta. Sa walk-in closet. Nagnakaw ng halik sa batok ng asawa.
"Will you please leave me alone!"
"Alam kong natuwa ka dahil isang linggo mo akong hindi nakita. Pero ako, na-miss ko ang maganda kong asawa."
"Please, Bradley. Hindi ako nakikipaglaro sa iyo."
"Ganoon din ako. Seryoso ako sa lahat ng ginagawa ko, Alison." Hindi umaalis si Bradley sa likod ng asawang nasa harap pa rin ng closet. "By the way, isasama kita pagbalik ko sa Manila. Nalaman na ng mga business associates ko na nagpakasal ako and they all want to meet you."
"Dalawa na pala ang papel ko sa buhay mo ngayon. Bukod sa pagbibigay ko sa iyo ng anak, gagawin mo pa akong pan-display."
"Alison, be sensible. Hindi ako santo. May limitasyon din ako at hindi ko laging palalampasin ang pagiging imposible ng ugali mo. Alam ko namang hindi ka magpapakasal sa akin... if you didn't find me irresistible. Alam kong defense mechanism mo lang ang pagtataray mo sa akin para hindi maamin sa sarili mong attracted ka rin sa akin."
"You know, Bradley," naniningkit ang mga matang baling ni Alison sa asawa. "How I wish I was only dreaming. Sana, hindi totoo ang lahat ng ito. Sana, hindi totoong buntis ako at ikaw ang ama. Sana, hindi kita kasama ngayon sa bahay na ito."
"Pero hindi ka nananaginip lang, honey. It's real. I own a part of you."
Saka nakakaloko ang tawang lumabas ito ng silid.
"Magpapahanda na ako ng dinner. Magdi-dinner tayo under the moonlight," pahabol pa nito bago isara ang dahon ng pinto.
"You can go to hell!"

MATAPOS mag-shower ni Alison ay muntik pa siyang mapatili nang lumabas siya ng bathroom sa loob ng master's bedroom.
Inabutan niya kasing nakahiga si Bradley sa kama. Nakatapis lamang din ng tuwalya.
"Ano'ng ginagawa mo rito?"
"I want to take a shower."
Hindi malaman ni Alison kung magtatatakbong pabalik sa bathroom para maitago ang katawang tuwalya lamang ang tumatakip. Hindi niya gustong makita siya ni Bradley sa ganoong ayos.
"Wala na ba akong karapatan sa sarili kong privacy?"
"Of course you have."
Inis na bumalik sa bathroom si Alison. At bago pa niya mamalayan, habol siya ni Bradley. Napatili siya dahil inabot siya nito sa braso. Sa panlalaban niya, natanggal ang pagkakapulupot ng towel sa katawan niya. At lumantad ang hubad niyang kabuuan.
Napatili siya. At sa kagustuhang maitago ang kahubdan kay Bradley ay ubod-lakas niyang itinulak ito. Saka isinara ang dahon ng pinto ng bathroom.
"Alison, buksan mo ito!" Nagpa-panic ang tinig ni Bradley kasabay ng pag-aalboroto ng pagkalalaking binuhay ni Alison nang makita ang alindog ng asawa.
"No!"
"Alison!" Nagbabanta na ang tinig ni Bradley.
"Manigas ka!"
Gustong basagin ng lalaki ang pintong iyon para mapasok si Alison. Ngunit naisip niyang hindi makakatulong sa pagsasama nila ni Alison kung ipipilit ang pangangailangan. Hindi siya gagawa ng lalo pang ikagagalit nito sa kanya.
Magkita na lang tayo sa panaginip. And let's make love there, naghihimutok na sabi ni Bradley nang lumabas ng silid.

PAGBALIK ni Bradley sa Maynila ay kasama si Alison. Kahit paano'y nauunawaan ni Alison ang pangangailangan ni Bradley na maipakilala man lamang siya sa mga kasosyo nito sa negosyo. Nasa alta sociedad na si Bradley. Kaya't bilang asawa nito'y tungkulin niyang iprisinta ang sarili sa mga taong kahalubilo nito.
"Ito ang isusuot mo, Ma'am," sabi ni Samantha habang inilalabas sa isang kahon ang isang magandang gown na beige. "Kailangang magandang-maganda kayo sa harap ng mga business asociates ni Sir. Aba, hindi kayo dapat magpatalo sa mga nagbobonggahang sosyalerang mga misis ng mga kasosyo ni Sir. Ako ang mag-aayos sa inyo."
"Kanino galing ang gown na 'yan?"
"Hindi n'yo alam? Ipinabili ito ni Sir para sa inyo?"
Pagkatapos siyang ma-makeup-an ni Samantha, may ipinasuot itong ternong diamond ring at pendant kay Alison. Para daw lalo siyang gumanda.
"Kanino galing ang mga alahas na 'yan?"
"Ma'am, naman, hindi ba't binili ito ni Sir para isuot n'yo sa mga pagkakataong ganito?"
Hindi niya alam. Wala siyang alam na gustong ibigay ni Bradley sa kanya ang mga luhong kayang ibigay nito sa sinumang babae.
Nang makita ni Bradley ang ayos niya, hindi maikakaila sa mga mata nito ang labis na paghanga.
"My lovely wife..." bulong nito nang salubungin siya sa hagdan ng malaking bahay nito sa Bel-Air.
"Your temporary wife." pagtatama ni Alison.
"For sure, kaiinggitan ako ng mga business associates ko for having you as my wife."
"Huwag mong sanayin ang sarili mong tinatawag akong 'wife'. Baka mahirapan kang bumitiw, Bradley. Alam mong may hangganan ang lahat ng ito."
Kailangang magkunwari sa harap ng maraming bisita. Kailangang ipakita nila sa iba na isa silang sweet couple.
Sa gitna ng pagtitipon sa loob ng bakuran ni Bradley ay nahilingan ang mga bagong-kasal na magsayaw. Slow ang music. At sila lamang ang nasa gitna ng dance floor. Gustong magalit ni Alison kay Bradley dahil sa higpit ng pagkakakulong nito sa kanyang baywang. Parang hindi na siya balak pakawalan pa. Pakiramdam niya'y nagsasamantala na naman ito sa sitwasyon.
At wala siyang magawa kundi ang magkunwari na rin. Nang kabigin siya nito palapit sa katawan nito, sa gitna ng tugtugin, nalasing siya sa nakaka-in love na amoy ni Bradley. Alam niya, inaakit siya ng mga mata nito.
At nang kabigin nito ang kanyang mukha para gawaran ng halik sa labi, pakiramdam niya'y saglit na tumigil ang lahat, maging ang tugtog. Mas malakas ang sound na likha ng eratikong tibok ng kanyang puso kaysa anumang ingay sa pagtitipong iyon.
"You're taking advantage, Bradley," galit ngunit pasimple niyang sita rito matapos siyang hagkan.
Isang pilyong ngiti lang ang isinukli nito.

HINDI namamalayan ni Alison na dumaraan ang mga araw sa pagsasama nila ni Bradley. Nakapagtataka, pero wala siyang araw na kinainipan. Bagama't naglagay siya ng dibisyon sa pagitan nila ni Bradley, damang-dama naman niya ang pag-abot nito sa kanya.
Alagang-alaga nito ang kalagayan niya. Ikinuha pa siya nito ng mahusay na obstetrician na magmo- monitor sa pagdadalang-tao niya. Ito ang regular na bumibisita sa kanya. Ikinuha pa siya ng nutritionist para matiyak na nasa ayos ang kanyang diet.
At bagama't napag-usapan nilang sa papel lamang ang kanilang kasal, walang commitment, walang demands, damang-dama ni Alison ang pagganap ni Bradley ng mga tungkulin sa kanya bilang asawa nito.
Madalas na itong umuuwi sa Villa Royale. Madalas siyang sorpresahin nito ng mga biglaang travel abroads.
Katulad na lamang ng biglaang business trip nito sa Bangkok at sa Switzerland. Nagugulat na lamang siya dahil inihahatid siya ni Steve sa airport.
Binubusog din siya ni Bradley ng lahat ng materyal na bagay na bagama't hindi niya hinihingi ay kusang ibinibigay nito.
Naging pangkaraniwan na sa kanya ang pagsa-shopping sa bawat bansang puntahan nila ni Bradley.
May isang pagkakataon pa ngang nakasabay nila patungong San Fransisco ang mag-asawang Trixie at Gerard.
"Itigil mo na ang mga ginagawa mong ito, Bradley. Hindi mo naman ito obligasyon sa akin," sabi niya habang nakatayo siya sa tabi ng bintana sa ika-apatnapung palapag ng hotel na kinaroroonan nila kung saan tanaw na tanaw ang downtown ng San Francisco.
"Hayaan mo na lang ako sa mga ginagawa ko, maligaya ako sa ginagawa ko. Gusto kong ibigay sa iyo ang lahat."
"Hindi ko kailangan ang lahat ng ito, travels abroad, expensive wardrobes, jewelries, at kung anu-ano pa. Simpleng tao lang ako na madaling ikaligaya ang mga simpleng bagay lang."
"Huwag mo 'kong pigilin sa ginagawa ko, Alison. I'm happy with what I'm doing."
Nang gabing iyon ay nagkatuwaan ang dalawang couples. Nagkainuman sina Bradley at Gerard.
At naganap ang hindi gustong maganap ni Alison.
Nagising na lamang siya sa mainit na hininga ni Bradley.
"Hey, what the hell are you doing, Bradley?"
"Loving you." Patuloy ito sa paghalik sa kanya.
Sinikap magpumiglas ni Alison ngunit wala siyang nagawa sa determinasyon ni Bradley na angkinin siya.
"Matagal ko nang gustong gawin ito, Alison. Kung alam mo lang ang hirap na tinitiis ko. I wanted you, I longed for you pero ipinagkakait mo ang sarili mo sa akin..."
"Wala sa usapan natin ito...."
"Handa na akong sumira sa lahat ng usapan natin."
"Bradley, gusto mong lalo akong magalit sa iyo..."
"To hell! Magalit ka na kung magagalit ka."
At hindi nga ito nagpaawat sa maalab na pagpapadama ng kinikimkim na pangangailangan sa asawa.
Hanggang sa ang kanina'y nagpoprotestang si Alison ay naging mapagpaubaya na rin. Ano pa ba ang magagawa niya? The man she married months ago was so irresistible and overpowering.

MAGAGALIT ba siya kay Bradley? tanong ni Alison sa sarili nang magising siya kinabukasan. Magaan ang pakiramdam niya. Parang napakaganda ng umaga sa bahaging iyon ng mundo.
Wala na si Bradley sa kanyang tabi nang magising siya.
Ngunit may iniwan itong mensahe sa malaking salamin sa bathroom.
Thanks for the wonderful evening, my lovely wife. I will treasure it forever. But next time, don't bite my ear. I can't imagine myself without my other ear.
Natawa si Alison.
Saka napasimangot kapagkuwan.
Nakakainis si Bradley. Lahat na lang ng gawin ay nakapagpapaibig sa kanya. Ginagawa na nga niya ang lahat para i-resist ang charisma nito, lalo pa siyang tinutukso. At naiinis siya dahil lagi siyang natatalo.

HINDI gustong aminin ni Alison sa sarili na nang magbalik sila sa Villa Royale ay wala na ang mataas na pader na nasa pagitan nila.
Kung mayroon mang manipis na dibisyong natitira at nagsisilbing harang para aminin nilang mahal nila ang isa't isa, iyon ay walang iba kundi ang pride.
Pitong buwan na ang tiyan ni Alison nang hapong iyon na nasa loob siya ng isang supermarket.
Para siyang itinulos sa kinatatayuan nang makilala niya ang lalaking muntik na niyang makabungguan.
Kahit matagal na niyang hindi nakikita ang lalaki ay hindi niya maaaring makalimutan ang mukhang iyon.
Si Jigo, ang taong lumoko sa kanyang mama at tumangay sa mga kabuhayan nila.
Naalala niya ang sinabi ni Bradley sa kanya. Dapat niyang ipaglaban ang karapatan sa mga ari-ariang para sa kanila.
"Nagkita rin tayo, hayop ka! Oportunista! Ganid!" Hindi na napigil ni Alison ang pagsabog ng matagal nang kinikimkim na galit.
"Ikaw?" Napamulagat din ito.
"Ako nga."
Ngunit saglit lang ang pagkagulat kay Jigo. Ngumisi ito.
"Pinagtatagpo talaga tayo ng pagkakataon."
"Oo, dahil masikip na sa impiyerno kaya hindi ka rin makakaiwas sa mga taong niloko mo."
"Ang akala ko'y mananahimik na kayong magkapatid. Hindi ko alam na maghahabol pa rin kayo."
"Maghahabol?" gulat na reaksiyon ni Alison. "Ngayon pa lang ako gagawa ng aksiyon para habulin ang mga kinamkam mong kabuhayang para sa amin, Jigo."
"May kausap ka nang abogado. Nagdemanda ka na. Ginugulo mo na ako."
Nagtaka si Alison dahil wala pa siyang ginagawa para habulin ang mga ari-arian nilang nagawang ilipat ni Jigo sa pangalan nito. Ano itong sinasabi nito?
"Hindi mo na mababawi ang mga ari-ariang iyon, Alison. Wala ka nang magagawa pa!"
"Hayop ka! Ganid! Niloko mo si Mama! Ikaw ang dahilan kung bakit naghirap kami ni Trixie!"
Galit na tumalikod si Jigo. Lumabas ng supermarket. Hindi na rin itinuloy ni Alison ang paggo-grocery. Sumunod na siya sa lalaki. Nagmamadali siyang bumalik sa kotse. May kinuha.
Ang kanyang baril.
"Ma'am, ano'ng gagawin n'yo?" gulat na tanong ni Steve.
"Papatayin ko ang taong sumira sa buhay naming mag-iina."
Ngunit pababa pa lamang siya ng kotse ay nakarinig na siya ng isang putok.
Namanhid kaagad ang gawing tagiliran ni Alison. Saka tumalilis ang pulang kotseng kinalululanan ni Jigo.

Man Of My Dreams (Mr. Irresistible) - Cora ClementeWhere stories live. Discover now