Chapter 8

7 0 0
                                    

HER POV

I followed him to his tent because he said that I need to follow him. And as soon as I entered, he puts some weapons on the table. He gave me a cold and icy gaze. "Kunin mo ang lahat ng ito. Bago sumapit ang madaling araw ay kailangan mong umalis" he added coldly turning away from me. 

"No" feeling ko pipiyok ako. "W-wala akong mapupuntahan. D-delikado para sakin kung maglalakbay ako mag-isa---

"Sa tingin mo ba hindi delikado kung narito ka?" galit nyang putol sa sinasabi ko. 

"P-please, hayaan mo kong manatili ako dito. Hindi a-ako magiging pabigat. Tutulong ako kung kinakailangan" I plead. My voice tinged with desperation, kulang nalang talaga lumuhod ako. 

"Ano sa palagay mo ang maitutulong mo?" 

Napatungo ako -- wala. Wala akong maitutulong. "P-pero kaya ko--- I stopped midway when someone entered.

"Hayaan mo syang manatili dito" napalingon ako kay Ziro na halatang kanina pa nakikinig s pinaguusapan namin. Nakipagsukatan din siya ng tingin sakin. "Kung sakali mang isa syang Ispero, maari natin syang maging bihag at kitilin mismo sa harap nila" 

Tumingin ako kay EL Supremo na walang naging tugon.

"Ilang ulit ko bang dapat sabihin na hindi ako isang Ispero?" I grind my teeth with anger and even clench my jaw. Mas lalo akong nainis nang pagak na tumawa si Ziro. Tila nang-iinis pa talaga sya. 

"Sa tingin mo naniniwala ako?" nakakabanas na turan nito at bumaling kay Hazdrian. "Huwag mong sabihin naniniwala kang inosente talaga sya?"

Napairap nalang ako sa gusto nyang iparating. He's literally mocking me. Pinigilan ko ang sarili kong suntukin yung mukha nya. 

"Anong ginagawa mo dito?" pagpapalit paksa ni El Supremo. Hindi ito nag-abalang sagutin ang tanong ni Ziro. 

"Gusto kong malaman kung anong pasya mo" seryosong saad ni Ziro. At ng walang makuhang sagot kay Hazdrian ay nagpatuloy ito. "Bakit kaya hindi mo ibigay sakin ang pagpapasya sa babaeng ito Hazdrian?" tiningnan nya ko mula ulo hanggang paa. "Ako ng bahala sa kanya. Tingnan nalang natin kung hindi pa sya umamin" kinuha nito ang dagger sa ibabaw ng mesa. 

Nakaramdam ako ng takot dahil don. I know he can stab me right now. 

"Ako ang magpapasya sa kung anong kahihinatnan nya" matigas na saad ni Hazdrian. Wala sa loob na itinulak nya ko patungo sa gilid, right beside him. Nakipagsukatan din sya ng tingin kay Ziro. 

I can feel the tension cracking between them. Walang may balak bumasag ng katahimikan. They are just staring at each other. Ganun din ako, papalit palit lang ako ng tingin sa kanilang dalawa.

Mas lalo akong kinabahan ng humigpit ang hawak ni Ziro sa dagger. He is a volatile member of this force, a violent one. Batid kong gusto nya talaga kong patayin. At alam kong hindi ko maiiwasan ang patalim na hawak nya kung sakali mang ibato nya sakin yun. 

And then my gaze shifted to Hazdrian. There's no certain emotion written on face. Hindi ko din alam kung pipigilan nya ba si Ziro kung sakaling tangka-in nitong ibaon sa katawan ko ang dagger na nasa kamay nito. 

Silence--- Their gazes locked in a silent battle. 

"Hindi bat gusto mo syang umalis? Bakit hindi mo nalang sya ibigay sakin tutal lilisanin nya rin naman ang lugar na ito" nanguuyam na basag ni Ziro sa katahimikan. 

Oo, ilang beses na nilang sinabi yan, na sa oras na umalis ako ay hahanapin nila ko at papatayin. Pero parang kahit ata narito ako ay kaya nyang gawin iyon. 

"Nagbago ang pasya ko. Mananatili sya dito hanggang sa oras na itinakda ko" madali akong napatingin sa seryosong mukha ni Hazdrian.

He's not kidding right?

"At anong plano mo?" --- Ziro

"Tapos na ang pag-uusap na ito. Lumabas ka na at ihanda mo ang mga sandata na ihahatid sa Hilagang kuta" magsasalita pa sana si Ziro pero pinili nalang na manahimik. 

I sighed with relieved ng tuluyang  syang lumabas. "S-salamat" mahina kong saad. 

"Huwag kang magpasalamat dahil hindi rin ako naniniwalang hindi ka Ispero" 

Laglag ang balikat ko habang sinundan ko sya ng tingin palabas sa tent. D*mmit! After all this days, hindi parin pala sya naniniwala. Tsk. Hindi parin sila naniniwala?

Maybe I just need to be thankful na pinayagan nya kong manatili dito. 



---


A/N: Feedback? 

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Fantaisie en RéalitéWhere stories live. Discover now