3

286 4 1
                                    

Chapter 3

Carissa Pov

Hindi ako maka tulog sa gabing iyon kakaisip kay  Senyorito Gabriel dahil sa ipinag tapat niya sakin kanina sa gilid nang batis nandoon yung takot sa puso ko, pero masaya akong malaman na may damdamin din siya para sakin, hindi ko alam na mag kakaroon nang katugunan ang nararamdaman ko para sa kanya. halos di ako maka paniwala. imagine ako na isang maid lang sa Mansyon nang mga Di Dios magugustuhan nang kagaya nitong isang heredero,

Dahil dito naka pa ngalumbaba akong Tiningnan ang sarili ko sa maliit na salaming naka patong sa study table ko. Maganda naman ako, baka yun ang rason kaya nagustuhan ako ni Senyorito

"Carissa anak matulog kana may pasok kapa bukas." Boses ni inay galing sa labas nang aking silid.

Bukas pa kase ang ilaw kaya alam nitong gising pa ako. At alas onse na pala iyon ng gabi.

"Opo inay." Pag kuway pinatay ko na ang ilaw saka humiga na sa kama, nanatili akong dilat haggang sa lamunin nang Antok.

Kinabukasan katulad nang naka sanayan sa umaga sabay umaalis sina inay at itay papasok sa Mansyon nang mga De Dios at ako naman ay maiiwan sa bahay at mag aasikaso para sa aking pag pasok sa school.

"Anoo.??" React ni Lyka na nandidilat matapos kong sabihin ang ipinag tapat sakin ni Senyorito Gabriel kahapon.

Kasalukuyan na kaming nag lalakad dalawa papasok sa school,

"Anong gagawin ko Bess.? Mahal ko din siya kaso ngalang alam mo naman langit at lupa ang agwat namin sigurado ako magagalit ang mag asawang De Dios," problemado kong saad,

"Eh di ilihim niyo muna, tutal naman nag aaral kapa, sayang din kase si Senyorito Gabriel ang  gwapo pa naman kung pakakawalan mo baka mamaya maunahan ka pa ng iba ikaw rin." Panunudyo nito.

Naisip kong may punto si Lyka, ang tanong papayag kaya ang binata, pero priority ko ang pag aaral kaya hindi ko muna iisipin ang bagay na iyon, bahala na ang kapalaran, sana kayang mag hintay ni Senyorito Gabriel.

"Hindi ko alam ang dapat, basta pag nag usap kami sasabihin kong natatakot ako."

"Mababait naman sina Donya Famela at Don Gilbert malay mo, saka bess ang haba nang hair mo ha di ako maka paniwala na si Senyorito Gabriel pala ang destiny mo.!" Kinikilig itong tumawa.

Kinikilig din ako sa mga sanding yun pero kilig na may kahalong takot.

"Hindi ako nakakasigurong matatanggap ako nang Don at Donya,

"Bahala na nga.." wika ko pa at binilisan ang pag lalakad ko, hinabol naman ako ni Lyka na nag mamadali.

Kinahapunan pag labas namin  ni Lyka ay nagulat ako pag kakita kay Senyorito na nasa labas nang university, naka ngiti pa sa aming dalawa at komportableng naka sandal sa gilid nang sasakyan, at ang gwapo,

"Senyorito anong ginagawa niyo dito.?" Napapangiting tanong ni Lyka,

Ngumiti pa muna ang binata bago tumingin sa akin,

"Susunduin ko si Carissa okay lang ba mauna ka sa Mansyon may pupuntahan lang kami." Pakiusap ni Senyorito Gabriel.

"Ayos lang Sinyoreto." Tugon ni Lyka na tumingin sa gawi ko." Bye Bess ayyeeiiii..!" Nanunudyo pa ito bago patakbong iniwan kami,

Ako naman ay napa sulyap sa lalaking tinitingnan nang lahat ng mga kababaihang napapa daan malapit sa amin. kapansin pansin naman talaga ito. Ang lahat ay di mapigilang napapalingon dito na hindi naman napapansin nang lalaki dahil sakin ito naka tingin

"Senyorito.." untag ko nang pahila akong isinakay sa loob nang kotse, 

Tila ba excited na agad  isinara ang pinto ng sasakyan pag pasok naming dalawa. Kinanabahan naman akong tumingin sa gawi nito ng mag labas nang bulaklak at ini abot sakin

Tinutuo nga ni Senyorito Gabriel ang sinasabi nitong panliligaw.  diko naman magawang mag pakipot at tinanggap ang bulaklak. Iyon ang unang pag kakataong may nag bigay sakin nang flowers at nag mula pa sa lalaking mahal ko ng lihim.

"Salamat Senyorito Gabriel." Pilit akong ngumiti dahil sa kakaiba kong kaba sa dibdib,

Ngumiti lang din ito habang binubuhay ang makina ng sasakyan.

Lalo akong kinakabahan  nang simulang paganahin ni Senyorito Gabriel ang kotse at humarorot palayo,  diko alam kung saan kami pupunta dalawa.

Pasulyap sulyap lang ang lalaki habang nag mamaneho,  kapag kuway nginingitian ako.

"Senyorito saan ba tayo pupunta.?" Taka kong tanong na hindi naka tiis

"Relax, gusto lang kitang makasama. Ipinag paalam na kita kina inay Belinda at itay Joseph " tukoy nito sa aking mga magulang,

"Anong ipinag paalam, alam niyo bang may tabaho pa ako sa Mansyon." Naka simangot na ako dahil tila palabas na ata kami nang Nasugbo.

"Hind mo na kailangan mag trabaho Carissa, dahil kapag sinagot mo na ako ngayon pakakasalan agad kita bukas." Himig pag bibiro nito na sinundan nang tawa.

Na statwa ako saglit sa aking kina uupuan, gusto ko si Senyorito pero natatakot ako sa mga plano nito ngayon, wala pa sa isip ko ang pag aasawa dahil nag aaral pa ako. nais kong makapag tapos at makapag turo dito amin, bata pama  ako yun na ang aking pangarap.

Siguro sa pag boyfriend ay okay lang, ang kaso hindi namin pweding sabihin kahit kanino.
itinalaga ko nalang noon na itago ang aking nararamdaman para kay Senyorito Gabriel dahil sa agwat ng buhay namin. Masaya naman akong palagi itong nakikita. Pero baka sa pag kakataong iyon ay hindi ko na maitago pa sa kanya.

Halos isang oras ang byahe namin, ng ihinto  nito ang sasakyan sa isang tahimik na lugar. Tanging pagaspas ng alon mula sa dagat ang aking naririnig ng bumaba kami nang kotse ni Senyorito Gabriel.

"Wow ang ganda dito.!"  Bulalas ko at puno nang pag hangang tiningan ang karagatan. first time kong naka punta sa gantong lugar, bahay skwelahan lang kase ako, halos buong buhay ay pag tatrabaho ang alam nang aking magulang, palibhasa ipinanganak akong mahirap kaya hindi ko danas sumama sa mga kaibigan ko para mag outing,

Naalala ko noong high school ako, pinilit ko pa si inay para lang sumali ako sa JS From, sabi ni inay noon gastos lang daw mabuti at naka hiram ako nang Gown na maisusuot.

Kalaunan ay Naramdaman kong hinawakan niya ako at iginiya papalapit sa dagat,  malayo iyon mula sa Villa pero nasa probensya parin kami,

"Nagustuhan mo ba halika mag lakad lakad tayo habang nililigawan ka.?" Sumilay nanaman ang pilyong ngiti ni Senyorito Gabriel sa labi.

Dina ako sumagot kundi napapatingin sa braso niyang naka patong na ngayon sa aking balikat, napaka bilis naman yata ni Sinyoreto Gabriel dumiskarti, mukang mapapasubo ako

"Senyorito pwedi wag mo nalang akong akbayan nakakahiya" sinubukan kong tanggalin ang  isang kamay neto. Pero ibinalik lamang iyon ng binata sa aking balikat,

Napansin ko lang na mas pilyo ito ngayon kaysa noong mga bata pa kami. Dati makulet lang si Senyorito ngayon mas makulet, inis kong tinanggal na muli ang kamay nito,
Nang mapansin ni Senyorito Gabriel na hindi ako komportableng inaakbayan nito at hinawakan naman ako sa kamay,

"Siguro naman pwedi na to..?" Naka ngisi nitong tanong na itinaas ang kamay naming dalawa.

"Sige na makulet ka eh, maiba ako bat dinala mo pa ako reto.?" Habang nag lalakad ay tanong ko.

" Date ang tawag dito Carissa, at ang date ginagawa yun ng dalawang taong nag mamahalan.. Ang sarap kaya ng hangin diba.?" 

Napa tingin ako sa gawi niya,

"Anong sinasabi mong nag mamahalan..? Umuwi na nga tayo.!" Aya ko sa kanya.

"Hindi tayo uuwi hanggat di mo ako sinasagot, dito sa magandang lugar na to kita magiging girlfriend ngayong araw," nakakasiguro nitong saad,

Oh my G.! paano na.?"bulong ko.

Billionaire's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon