Chapter 14
🍁 Billionaire's True LoveGabriel's POV
Pauwi na ako galing office nang may mapansing nasiraang sasakyan sa tabi ng kalsada, malakas pa ang ulan na tila hindi alintana nang isang driver na nag papara nang sasakyan,
Nag signal light ako para mapansin nito ang aking pag liko, nang itabi ko ang sasakyan. kinawayan niya ako at nag salute.
"Magandang hapon sir.!" Bati niya kaagad sakin nang maibaba ko ang bintana nang aking kotse.
"Ano pong nangyari.?" Pag uusisa ko bagaman halatang nasiraan ito,
"Plat lang po ang gulong, may pasahero po kase ako mag ina pauwi na, kaso walang bakanting taxi lahat loading," naka ngiting paliwanag nito,
Tiningnan ko ang naka tabing Taxi, naka dama naman ako nang awa kay kuya driver maaring malayo pa ang ibibiyahe nito,
"May nadaanan akong talyer malapit dito, ako na ho ang bahala sa pasahero mo, pauwi narin naman ako."
"Naku sir salamat."
Isinuot ko ang aking makapal na Coat panangga sa ulan at bumaba nang sasakyan, lumapit ako sa taxi nitong nasa tabi nang daan.
"Miss okay lang ba kayo dyan.?" Tanong ko sa pasahero upang matigilan nang mapa lingon ito, ako man ay saglit tila naparalisa sa aking kinatatayuan, ang babaeng nasa loob nang taxi ay walang iba kundi ang babaeng matagal ko nang hinahanap,
"Carissa.!!" Bulong nang aking isipan,
Ito man ay nanatiling naka titig sakin at nabasa ko sa mga mata nang dalaga ang reaction na inaasahan ko, ang mga magaganda nitong mga mata na kaylan man di nawala sa isip ko.
"Mama sino po siya.?" Tanong nang isang bata na nag palinga sakin na katabi lang din ni Carissa, dito natuon ang aking Attention dahil hindi maikakailang dugo ko ang nanalaytay sa mga ugat nito,
Habang naka titig ako sa bata at bumilis ang tahip nang dibdib ko ramdam ko ang pag silakbo nang aking dugo at pag nanais na yanapin ang bata, nag ka anak kami ni Carissa ng diko alam,
"M"am sumama muna po kayo kay Sir, siya na ho ang mag hahatid sa inyo, pasesya na po." Pukaw nang driver sa aming likuran kaya naputol ang titigan na muli namin ni Carissa ng ibalik ko ang aking mga mata sa babae.
Binuksan ko ang pinto nang taxi matapos hubarin ang coat at binalot ko ang aking anak bago buhatin at dinala sa loob nang aking sasakyan,
Namimilog ang mga mata nito habang naka titig sakin na tila ba sini sino ako, nginitian ko siya upang hindi ito matakot sakin. ramdam ko ang lukso nang dugo sa aking mga ugat, bago ilapag ay diko naiwasang yakapin saglit ang bata na ipinag taka nito,
"Dito kalang babalikan ko si Mama." Ginulo ko ang buhok nito saka tumalikod dala ang Makapal na Coat.
Inilagay ko iyon sa ulo ni Carissa bago ko ito binuhat katulad kung paano binuhat ang aming Anak, ngayong nakita ko na ang babaeng mahal ko plus ang aking anak ay diko na ito hahayaan pang mawala sa aking tabi,
"Gabriel mag lalakad nalang ako."
Diko na pinansin ang pag protesta nito kundi tinitigan ko siya, titig na nag sasabing na miss ko ito nang sobra sa apat na taon naming pag hihiwalay.
Nang patakbuhin ko ang sasakyan ay dinala ko sila sa aking tahanan,
"Gabriel bakit dito.?" Nag aalala at puno nang pag tataka si Carissa nang igarahe ko sa harapan nang bahay ang aking sasakyan,
Bumaba ako upang buhatin ang natutulog na naming Anak sa tabi nito.
"Carissa marami tayong dapat pag usapan." Saad ko. Pabuntong hininga nito akong tiningnan nang kargahin ko ang bata,
Kasunod ko itong pumasok sa loob.
"Carissa.?" Gulat si Manang Rosa nang maka pasok kami pero naka ngiti itong tumingin sa dalaga.
Di naman halos maka tingin si Carissa kay Manang na nag palipat lipat nang tingin sa aming dalawa maging sa natutulog kong anak.
"Kumusta po kayo manang.?" Tanong ni Carissa sa ginang.
"Heto ganoon parin, naku ang mabuti pa iakyat niyo na muna ang bata saka na tayo mag kamustahan at marami akong gustong itanong." Nasisiyahan nitong sabi,
Kumilos ako at hawak ang kamay ni Carissa na pumanhik sa aking silid,
Nang mailapag ko ang aming Anak na natutulog ay marahan kong nilapitan si Carissa na naiwan sa may pintuan, hinawakan ko ito sa isang kamay at tuluyang ipinasok sa loob nang aking silid.
"Gabriel hindi mo sana kami dinala reto, ayaw ko nang gulo," pag aalala nito,
Na maiiyak.Nakita ko ang takot sa mga mata ni Carissa, alam kong kay mommy ito natatakot, hindi ko alam alam kung anong masasakit na salita ang sinabi ni mom kay Carissa noon pero gusto kong itama lahat nang maling pinaniniwalaan nito.
"Wala si mommy nasa America." Mahina kong tugon, marahan ko itong iniupo sa gilid nang kama kung saan naka higa ang aming anak.
"Yung girlfriend mong si Valane ang tinutukoy ko." Kagyat ang sakit na bumalatay sa mga mata nito,
Napa mura ako sa aking isipan nang banggitin nito ang pangalan nang babaeng linta kung maka dikit sakin,
"Wala akong pakealam sa kanya Carissa, dinala kita dito para pag usapan ang tungkol sating dalawa." Ani ko.
"Pero girlfriend mo siya, sinabi niya sakin noong tinawagan kita." Naiiyak nitong saad,
Napailing ako, sinasabi ko na ngabang may kinalaman dito si Valane.,
" You mean naniwala ka sa babaeng yun, Carissa wala akong ibang minahal kundi ikaw lang, hirap na hirap ako noon habang na momroblema kay Dad at the same time hindi kita maka usap, hindi ako makauwi dahil sa problema sa company pag katapos nag palit kapa nang number," kalmado kung saad
"Dahil nasaktan ako Gabriel sa nalaman ko tungkol sa inyu ni Valane, umasa akong uuwi ka kahit saglit para mag paliwanag pero nabigo ako hanggang paalisin kami ni Donya Famela. Inisip kong masaya ka sa kanya at pilit kitang kinalimutan.." Humihikbi si Carissa nang sabihin yun, nag landas ang mga luha nito sa mag kabilang pisnge,
Hindi ko napigilan ang sariling yakapin ito nang mahigpit.
"Plano niya yun Love na sirain tayo, siya ang nag sabi kay Mommy na may relasyon tayong dalawa kaya pilit niyang pinag layo ang landas natin pero saksi ang dyos kung gaaano ako nangulila sayo, believe me, binalikan kita sa Villa halos mabaliw ako nang mawala ka. mula noon hanggang ngayon ikaw lang ang mahal ko, patutunyan ko sayo yan ihaharap kita kay Valane, " habang pinapahid ang luha nito ay saad ko,
Lalong bumulwak ang luha nang babae, sa huli ay yumakap sakin,
"Gabriel...!" Hagolhol nito habang naka pa ngunyapit sa leeg ko,
Hinagud ko ang likod nito upang patahanin. pero hinayaan ko itong ilabas ang mga luha dahil sa sama nang loob,
Kalaunan ay kumawala ito sakin at tinitigan ako,
"Sobrang na miss kita Carissa.." buong pananabik kong dinama ang mag kabilang pinsge nito.
"Na miss din kita Gabriel, akala ko hindi na tayo mag kikita." Tugon nito,
"Hindi ko hahayaang mangyari yun Love matagal na kitang hinahanap, pero ang kapalaran na mismo ang gumawa nang way para mag tagpo tayo."
Saglit nag usap ang aming mga matang dalawa bago nag hinang ang aming mga labi, halik na may pananabik, agad ko siyang inihiga sa tabi nang natutulog naming Anak at mabibilis ang kilos na kinalas ang lahat nang suot nito,
Bukas na namin pag uusapan ang tungkol sa bata sa ngayon gusto ko munang punan ang apat na taong nawala sa aming dalawa.
BINABASA MO ANG
Billionaire's True Love
RomanceSA VILLA DE DIOS halos lumaki at nag kaisip si Carissa, dito naninilbihan ang kanyang mga magulang, ang kanyang ama ay Family Driver nang mga ito at ang kanyang ina naman ay kusinera. Bata paman ay may lihim na siyang Crush sa Bunsong Anak nang mag...