1

701 6 0
                                    

Chapter 1

[Carissa point of View]

Kasalukuyan kaming abala sa pag hahanda ngayong araw para sa pag dating Ni Sinyoreto Gabriel dito sa mansyon kaya naman kaming mga tagapag silbi ay di mag kamayaw sa pag lilinis nang buong kabahayan.

Ayon kay Donya Famela De Dios ang ina ni Sinyoreto Gabriel ay dito sa Villa gaganapin ang ika dalawampong tatlong kaarawan nang panganay at nag iisang anak na lalaki. At sa isang linggo na iyon,

"Pssst Bess Excited ka na Noh.? Ayeeiii.!!"

Naramdaman kong binato ako ni Lyka nang nilukot na papel, abala kase akong mag punas nang salaming bintana nang kwarto ni Sinyoreto Gab. At ito naman ay nag pupunas ng sahig,

Alam ni Lyka na Crush ko si Senyorito Gabriel noon pa, naramdaman ko yun nung  Grade Six palang ako at high school naman ang lalaki, hindi ko maitago dahil madalas ay nahuhuli ako ni Lyka na sumisilip sa kwarto nang lalaki, tinatanaw ko siya kapag nasa veranda at terrace, isa pa inamin ko rin naman sa aking best friend ang tungkol sa bagay na iyon pero secret lang naming dalawa yun mag pa hanggang ngayong walong taon na ang nakakalipas. Kapwa na kami twenty ni Lyka at parehong huling baitang nang kolehiyo,

"Oo naman noh, limang taon ko kaya siyang hindi nakita."

Tugon ko na hindi mapigilan ang kakaibang ngiti sa labi,

Sa maynil na kase nag patuloy sa pag aaral ang lalaki sa koliheyo at simula noon ay dina bumalik sa Villa, madalas kaseng umuwi ang mag Asawang De Dios  sa maynila kasama ang bunsong Anak na si Julie kaya ngayong tapos na sa pag aaral ang binata ay alam kong mapipirmi na ito sa Mansyon upang pangasiwaan ang Villa.

"Oh di bilisan natin para makapag handa ka, mag pa ganda ka para naman mapansin kana ni Senyorito Gabriel," palatak ni Lyka.

Iningusan ko siya.

"Hindi ko na kailangan mag paganda dahil maganda na ako noh." Saka nag flip nang hair.

Kasabay noon ay nag hagikhikan kaming dalawa bago ipinag patuloy ang pag lilinis sa kwarto ng Sinyoreto, siniguro naming mabango iyon hindi lang kwarto niya kundi buong bahay,

Kapwa kami dito nanunungkulan ni Lyka sa pamilya De Dios, hindi lang ako kundi ang aking buong pamilya, si itay ay Personal driver nang mga ito, si inay na kusinera, ang magulang naman ni Lyka ay Sa Villa nag tatrabaho, sideline lang nito ang pumasok sa Mansyon dahil dagdag baon sa school, pareho kase namin pangarap maging isang tanyag na guro dito sa Nasugbo, dito kami lumaki at nag ka isip at dito ko rin nais bumuo nang pamilya na kung papalarin ay si Senyorito Gabriel ang gusto kong lalaking mapangasawa.

Sa isipang iyon ay napapangiti ako, haaaayy nangangarap nanaman ako nang gising. Sabagay libre lang naman mangarap kaya susulutin ko na.

Alas kwatro nang hapon Parating na si Sinyoreto ayon kay Inay, tapos na kaming mag linis ni Lyka at mabango narin ako, nag pahid nang manipis na Lipstick sa aking Labi, inilugay ko ang mahaba at alon alon kong buhok na nilagyan nang headband na may ribbon syempre bagay yun sakin. Suot ko ang Uniform pang Maid na di naman nakabawas sa kagandahan ko.

Ngayon ay naka hilera na kaming lahat sa bungad nang pintuan bilang pag salubong kay Sinyureto Gabriel, si inay, ako, si Lyka, at ang dalawa pang katulong. Nang marinig ang pag buzzer nang sasakyan kung saan lulan ang aking pinaka hihintay ay lalo akong na excite,  nang buksan ni kuya Guard ang Gate ay inataki na ako nang kakaibang kaba, nag kakandahaba na aking leeg.

Kaba nasa tuwing makakaharap ko si Sinyoreto Gabriel ay nararamdaman ko. Sa wakas pag katapos nang limang taon makikita ko na siya, ano kayang hitsura niya, gwapo parin ba.? Macho.? May abs.? Mabait parin ba siya.?

Ang daming tanong sa aking isipan sa mga sanding iyon hanggang sa bumaba na sa sasakyan si Don Gilbert, kasunod si Donya Famela At Si Julie na bunsong anak nito, naunang pumasok ang tatlo at sabay sabay kaming bumati.

Sa gilid nang aking mga mata ay nakita ko si Sinyoreto Gab na kausap si Itay sa may Garahe, ilang sigundo ay papasok na ang pinaka gusto kong makita sa buong buhay ko.

Hindi lang dibdib ko ang nangatog kundi pati tuhod,

"Juskoooo ang gwapo niya." Naibulalas nang aking utak.

"Hello inay Belinda, manang Rosa, Ate Beng. Hi Lyka." Pag bungad ni Sinyoreto Gab ay binati nito ang Lahat nang mga naroon bukod sakin na nilagpasan lang,

"Welcome home senyorito enjoy po kayo sa bakasyon," bati nina inay,

At ako natamimi, nagtatampo, nasasaktan, hindi niya ako napansin, nag panganda pa naman ako, masama ang loob kong sinundan ng tingin ang magandang hubog nang likuran nito, ang tangkad niya, napaka gwapo, baka nga may girlfriend na ito, hindi nakakapag taka yun dahil maraming magaganda sa maynila,

"Anak mag hain na kayo ni Lyka, para makakain na sila." Utos sakin ni Inay.

Walang ka gana gana akong kumilos, masama ang aking Loob,

Para bang diko narinig si Inay na tumalima nalang, naramdaman ko pang siniko ako ni Lyka pero diko siya pinansin,

Matapos mag hain ay tinawag na ni ate Beng ang buong pamilya. ako naman nag tungo sa servant Quarter, dito kase ako nararapat. Hinubad ko ang aking headband at binura ang aking inilagay na lipstick.

Masama ang loob ko gusto kong umiyak, ewan ko ba. yung sobrang Excited ako pero kahit sulyap hindi manlang ako tinapunan, limang taon akong nag hintay para makita siya, sabagay sino ba Ako.

Malalim akong napa buntong hininga habang binabaybay ang sekritong lugar patungo sa batis. Dito nalang  ako mag papalipas nang sama nang loob ko, alam kong okay na ako mamaya pag kalipas nang ilang sandali,

Nang marating ko ang lugar ay Hinubad ko ang aking damit at iniwan ko iyon sa ibabaw nang bato. Naka suot lang nang bra at Panty na tumalon sa malalim na tubig,

Ang batis ay matatagpuan sa dulo nang Villa Pero sakop pa iyon nang Mga De Dios. Safe naman sa Lugar dahil walang Halimaw, naaliw akong  mag tampisaw sa nalamig at preskong tubig. Dahil dito unti unting gumagaan ang aking pakiramdam .

Pag ahon ko ay wala na ang aking sama nang loob, tinangay na iyon nang ilog,

Pero bago paman ako  makapag bihis ay may naririnig akong mga yabag nang kabayo palapit sa aking kinaruruunan, nanlalaki ang aking mga mata pag kakita sa lulan nang kabayo,

Walang iba kundi si Senyorito Gabriel, Biglang sumagid ang kaba sa dibdib ko at natataranta akong nag bihis,

Pero sa kaba ay diko iyon magawa nang maayos, hanggang sa tuluyan nang naka baba ang lalaki sa kabayo,

"Diyan kalang wag kang lalapit." Sigaw ko.

Pero nginitian niya lang ako at nag patuloy sa pag lapit sakin, mga ngiting kanina ko pa inaantay mula sa kanya, ngayon pwedi na akong kunin ni Lord dahil sa sobrang saya ko..

Billionaire's True LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon