Chapter 2

1 0 0
                                    

Chapter 2

Gasoline's POV


"WHERE are you going, freak?"

Napalingon ako sa bagong gising na mahal na reynang nakikitira lang sa apartment ko. Umagang umaga ay napakataray na naman ng magandang mukha. Medyo magulo ang mahabang buhok habang nakayapak sa malamig na tiles ng apartment ko. Hindi nakatakas sa paningin ko ang mamula-mula niyang mga daliri sa paa at ang matingkad na kulay ng kanyang nail polish. Syempre kulay orange na naman iyon. Ang suot niya ay ang damit na kakabili pa lang namin kahapon. Malaking t-shirt at pajamas, at syempre pa kulay orange na floral ang design.

Pinagpatuloy ko ang pagsisintas ng sapatos ko at saka hinagilap ang leather jacket ko bago ko siya sinagot. "Magtatrabaho para sa kakainin ng asawa kong saksakan ng arte."

Nakatanggap ako kanina ng text mula kay Kar. Hinahanap raw kami ni tanda. Baka siguro may panibago na namang misyon. O baka naman para sermunan ako. Wala naman akong pake ang sa akin lang ay hindi dapat madelay ang sahod ko ngayong buwan. Lalo na at mayroon na akong pinapakain ng libre sa pamamahay ko.

"You had a freaking wife?" Muli ko siyang nilingon. Mas lalong nagsalubong ang kanyang mga kilay habang nakatingin sa akin.

"Oo, pero mukhang hindi pa niya alam."

Sa sobrang taray at arte mo kasi natatabunan na iyang utak mo. O baka naman kasi ang pangit ko lang talagang lumandi. Lumalandi ba talaga ako o sadyang nagpapalipas oras lang. Hindi pa ako sigurado kung alin sa dalawa basta ang alam ko lang ay naaaliw ako sa presensya niya sa pamamahay ko.

"Ha?"

I said you should be proud, dummy. Ikaw lang ang linandi ko sa halos dalawapu't tatlong taon ng buhay ko sa mundong ibabaw. Hindi naman pala linalandi, binibigyan lang ng kaunting pansin at aruga.

Mas ginulo ko ang kanyang buhok at agad niya namang tinapik ang kamay ko.

"Babalik ako mamayang hapon, luto na ang kakainin mo, Madam. Kung gusto mo nang lumayas sa apartment ko, paki-lock na lang ang pinto, salamat." Saad ko at kinuha na ang susi ng aking motor sa maliit na kabinet sa gilid at saka naglakad palapit sa pinto ng apartment ko.

"Wait!" Sigaw niya bago pa man ako makalabas ng pinto. Kunwaring tamad ko siyang nilingon. "Ano?"

"You had a freaking wife?" Pag-uulit niya sa tanong niya kanina, ngayon ay may halong diin. Nasa tono na niya ang pagkainis na may halong galit.  Bakit ka agagalit? Pinagmasdan ko ang kabuuhan niya. Umagang kay taray at ganda. Nginisihan ko na lang siya bilang sagot at saka isinara ang pinto.

Hindi ko na narinig ang iba pa niyang pinagsasasabi. Pinaglaruan ko ang susi ng motor ko habang may malawak ng ngiti sa aking labi. Ngayon lang yata ako lumabas ng apartment ko papunta sa trabahong ikinasusuklam ko nang nakangiti.

Bago ako bumaba sa garahe ay tinungo ko ang isang kwarto sa unang palapag at nakipag-areglo doon saglit. Makalipas ang ilang minuto ay napagkasunduan naming mamaya ko na lang siya babayaran pagkauwi ko.

Tinungo ko ang aking motor na nakaparada at pinaharurot iyon papunta sa kung saan ang nakatakda namin ngayong tagpuan. Hindi ko na namalayan ang mga matang nakamasid sa akin mula sa ikalawang palapag mula sa kwarto ng apartment ko.

Nang makarating ako ay nandoon na silang apat at ako na lamang ang hinihintay. Si Marcus ay dinuro ako gamit ang kanyang kamay na may mantsa ng ice cream. Ang iba naman ay tamad lang tingin sa akin pero wala naman akong pakialam. Tinanguan ko ang mga kasamahan ko at pumwesto sa isang upuan roon malapit sa kanila sabay kapa ko sa kaha ng aking sigarilyo. Ilang saglit pa ay dumating na ang matanda kasama ang kanang kamay niyang si Reese.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 26 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CHASEDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon