ML IV: SUPPORTERS ANG MGA BESHY KO NA YARN

225 48 23
                                    

MEMEI's POV

"Bawal- pumasok- ang- mga- outsider!" mabagal kong basa sa ipinaskil namin ng mga kaibigan ko sa labas ng gate. Back to back ang ginawa naming sulat no'n sa placard kaya kita namin dito sa loob.

Nakasimangot ang mga walang magawang tagahanga ni Brian. Ang tanging nagagawa lang nila ay sumilip sa bawat siwang ng gate pero hindi naman nila makikita si Brian. Malayo ang bahay namin sa gate. At isa pa, nasa bahay namin si Brian, itinago ko siya roon para walang Felina na makalusot.

"Huwag kayong makulit. Magsiuwi na kayo bago namin kayo isilid sa sako at ikulong sa bahay na itim!" nakapamewang na pagbabanta ni Chin sa mga ito.

"Kung ikaw kaya ang isako namin at itapon sa basurahan," mataray na sabi ni Kimberly-- ang bestfriend ni Felina. Hindi siya kasali sa mga may gusto kay Brian. Sigurado akong bibisitahin lang niya si Felina pero-- mukang hindi-- may dala kasi siyang maleta, salbabida at kung ano-ano pa. Para siyang naglayas na magbabakasyon sa beach. Wala namang dagat dito sa village namin. At mas lalong wala namang swimming pool sila Felina. Kila Lorraine lang ang meron.

"May nakalimutan pala tayong ilagay! Bawal-ang-feeling-bakasyonista-dito!" ani Alyza.

Naghagikgikan kami. Maski na rin iyong ibang tagahanga ni Brian ay natawa, nakita kasi nila iyong mga dala ni Kimberly.

"Napakahaba no'n, Alyza! Bawal-ang-feelingera! Iyon ang mas bagay sa kaniya!" tumatawang ani Lorraine. Nakitawa na rin kami sa kaniya. At mas lalo namang nainis si Kimberly. Totoo naman kasing feelingera sila ni Felina, mag-bestfriend kaya sila.

Kami nga ng mga kaibigan ko, aminadong masasama ang ugali namin pagdating sa mga katulad nina Felina at Kimberly. At lalo na sa  mga mang-aagaw ng crush.

"Anong meron dito?" Nilingon namin ng mga kaibigan ko 'yung nagsalita. Si Aeron. Mukang lalabas siya ng village namin para manood ng liga ng basketball sa may barangay. Susundan niya sila Danilo.

Umarko ang mga kilay ko sa isiping iyon. Hindi naman kasi mahilig sa basketball si Aeron. Ni hindi nga sila marunong maglaro no'n ng mga kaibigan niya, wala silang ka-sports-sports sa katawan. Ayaw daw nilang pagpawisan at masaktan.

Buti pa beshy crushy Brian ko. Halos lahat ng sports sinusubukan niyang laruin kahit na tili siya nang tili at kendeng nang kendeng habang naglalaro. Ang cute kaya niya. Naiinis lang talaga ko sa mga makikireng tagahanga niya.

"Kuya Aeron, palayasin mo sila!" gigil na sambit ni Gaile. Napahagikgik kami sa itsura nitong mukang naglaro ng pintura. Maski na mukha niya ay mayroong iba't-ibang kulay ng pintura. Kaya pala ang tahimik niya, nagpa-practice na naman pala siya mag-paint. Gusto niya kasi makasama sa painting class ang crush niyang si Oliver. Kahit na wala naman siyang ka-talent-talent sa pagpipinta."'Pag ako nainis nila. Pagbuburahin ko makeup nila at pipinturahan ko mga mukha nila para hindi na sila makagamit ng filter at skincare!"

Dahil sa sinabi ni Gaile ay nagtitiling nag-alisan ang mga tagahanga ni Brian. Natira na lang si Kimberly na hindi malaman kung aalis ba o ano pero mas pinili na lang niyang tumayo sa kinatatayuan niya at taas noong tumingin sa amin kahit halata namang takot siya kay Gaile.

Lahat kasi ng sinasabi ni Gaile ginagawa niya talaga. Minsan nga ay kung ano ang sabihin ni Chin ay siyang gagawin ni Gaile. Kumbaga, si Chin sa salita, si Gaile naman sa gawa. Kaya takot sila sa magpinsang ito 'pag nagsama.

"Umalis na nga sila," natatawang ani Aeron habang kumakamot sa ulo niya. Humakbang ito patungo sa gate, tinanggal niya iyon sa pagkaka-locked no'n at pinagkabukas-bukas. "Hinihintay ka na ni Felina sa harapan ng bahay nila," anito kay Kimberly.

Napasimangot na lang kami sa inis ng mga kaibigan ko nang kuhanin ni Aeron ang dala nitong dalang salbabida't maleta. Ang tanging bitbit na lang nito ay shoulder bag niyang puro pampalandi lang naman ang laman. Tapos binigyan pa ito ng daan ni Aeron bilang pagsasabi na pumasok na siya. Animo namang hindi mapaanak na palaka si Kimberly sa kilig na naglakad papasok. 'Tsaka pa lang sumunod dito si Aeron.

Magandang LalakweTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon