A/N: Sana umabot ang Pag Free WiFi ko dito sa school HAHAHAHAHA
Event
**Farah's POV**
Mabilis kong sinabi ang utos ni Raven na puntahan na siya. Sa bawat hakbang ko, mas lalong humihigpit ang hawak ko.
Sana nga mali ang iniisip ko kay Akisha. Sana hindi niya binigay ang Tata ko; gusto ko pa naman sanang katabi matulog iyon.
Nakita ko ang mala-sports car niya na sinakyan namin kanina. Maganda rin palang magpwesto itong isang ito... sa hindi talaga matao.
Humugot ako ng hininga bago inayos ang sarili.
May pinopormahan ito!
Hindi ko siya makita sa loob masyado. Pero pag nasa loob ka tapos nasa labas ang hahanapin mo, makikita mo; baliktad lang.
Kinatok ko ang bintana; hindi naman ako nabigo dahil bumukas agad iyon. Nakita ko siyang inaayos ang polo niyang suot.
"P-pasensya na kung pinag-antay kita, h-hindi ko naman alam na tutuloy ka na pala dito." Sabay kamot sa ulo ko.
Taka ko siyang tinignan. Wala man lang akong nakuha sa kanya, blanko pa rin siya. Kainis naman! Pasalamat ka mahaba ang pasensya ko!
Naisipan ko na lang pumasok dahil nasa isip ko na naman ang PAGKAIN.
Umupo lang ako bago sinara ang pinto. Binaba ko muna sa gilid ko ang teddy bear na binigay ni Raven bago isuot ang seatbelt.
"Who gives it?"
WOW!
Napatingin ako sa kanya. Hala! Nagsalita din sa wakas! Kakagigil ka kasi, Sir!
Napatingin ako kung saan siya nakatingin. "Si R-Raven po. Cute, di ba?" Kinuha ko ang teddy bear bago pinagmasdan ulit. May pa-ribbon pa kasi, e.
Tumingin ako sa kanya dahil naalala ko si Tata. Mawala na ang lahat, wag lang iyon! Kapalit ng buhay!
"S-Sir K-Kevin... n-nasaan po kanina yung napalanunan ko? Si t-Tata po?" Lumapit ako sa kanya nang kaunti para marinig ang sagot niya.
"At the back."
Walang ganang tanong niya. Mabilis akong lumingon doon para makumpirma. OMO!
Buhay na buhay si Tata! My baby!
Mabilis kong kinuha iyon at agad na niyakap; maging ang teddy bear na binigay ni Raven ay nabitawan ko na din dahil sa lakas ng saya ko sa isang ito!
"S-salamat. A-akala ko b-binigay m—"
"Binigay ko sa kanya?" Humawak siya sa manibela. "That won't happen." Tumango ako sabay pagpigil ng ngiti ko. Muli kong niyakap si Tata.
Mali! Mali talaga ako! Pero buti na lang hindi niya binigay. Hindi ako makapaniwala na hindi niya ginawa iyon. My heart is fluttering.
Muli akong sumulyap sa kanya.
"Masaya ka ba?" He looked at me. "I m-mean, m-masaya ka ba ngayon? This day?" Buong ngiti kong tanong sa kanya.
Pero bigla akong natigilan nang tumingin siya nang makahulugan sa akin. Iyon na naman siya. He gulped very hard nang makita kong tumaas-baba ang Adam's apple niya.
Umiwas siya. Pinaandar niya ang makina.
Okay, wala akong nakuha na sagot! Deadma na naman tayo! Lagi—
"Seeing you happy... masaya na ako."
**Akisha POV**
I just don't get it! Bakit ganoon ang sinabi nila kanina nang tinatanong ang Farah na iyon? Bakit hindi nila sinabi na asawa talaga ni Kevin iyon?

BINABASA MO ANG
I'm the Professor's Roommate [ Under Edited ]
RomanceFarah Joy Isang estudiyanteng nag aaral sa H,U o HERVERD UNIVERSITY na napilitan na maging Isang asawa nang kanyang professor na si Kevin Tran. Let see..