CHAPTER 3

41 0 0
                                    

LEVY 

Hindi parin mawala sa isip ko ang salitang binitawan ni Esmael kagabi. Nagpaulit-ulit kyon sa pandinig ko.Bagaman ay hiya lang ang naramdaman ko at konting pagkailang, iyon lang at wala ng iba. Hindi ko alam kung papaano ako mag rereact dahil una hindi ako naging handa para doon.Pangalawa, walang malalim na dahilan para magustuhan niya ako at pangatlo hindi ako naniniwala sa kanya at hindi ko tatangapin ang nararamdaman niya.

"Huy?! Kanina ka pa tulala, ano iniisip mo?" si Justine habang ang mata ay nakatuon kay Miss.

"Psh, wala.." pagsisinungaling ko.

"Ayan tayo eh, can you tell me that na? You're so annoying everytime you did that, yung pagtatago mo ng mga bagay bagay na I have to know, you know?" naiirita din sabat niya.

Nagumpisa na naman siya!

"Hinaan mo nga ang boses mo, baka mamaya marinig tayo ni Miss, may nagrereport, mapagalitan pa tayo.." saway ko dahil kasalukuyang nagkaklase kami ngayon sa subject na . "Hindi naman kailangan lahat alam mo..." nangunot ang nuo ko.

"Duh, sinabi ko ba na kailangan lahat alam ko? What I mean is if ever bothering you, you can freely tell me baka may ma itulong ako." pagtataray niya pero I can sense in  her voice that she's concern.

"Kaya ko to, malayo sa bituka." biro ko pa.
Bumalik lang kami sa realidad ng nagtaas ng boses si Miss.

"So you are saying that the reason why poor people become poorer because of financial mismanagement?" tanong nito kay Rivan, kaklase ko na nagrereport.

Napataas naman ako ng kilay sa narinig.
"Yes, Miss. On the other hand, they are lack of financial literacy."

"Excuse me?" napatingin  ang iilan kong  kaklase sa akin na nakikinig maliban sa mga lalaki s alikod na mag cecellphone.." financial literacy?"

"Yes? Ms.Agoncillo?" Si Miss. Tumayo naman ako.

"Miss, financial literacy is actually just a concept  made by privileged people to blame poor people for remaining poor and to portray themselves as financially more educated even though the main source of their wealth is from inheritance. When it comes to financial management and budgeting no one can beat poor people." mahabang litanya ko.

"Look who's talking na anak ng abogado at businessman.." pabulong nitong sabi ngunit rinig na rinig ko at umikot pa ang mata. Nag-init ang tenga ko sa narinig at nakita.

"Hoy bakla.." tawag ko. I don't care if I ever offended him at this exact moment. The hell I care. He started this shit.

"Ms. Agocillo!" saway ni Miss pero hindi ko ito pinansin.

"Ano naman ang kinalaman niyan sakin? Not because you know something about me it does not mean you know everything. Hindi ako bingi at mas lalong hindi ako bulag sa isyung panlipuann. I've seen people budget PHP 500.00 - 1,000.00 for a week while those privileged people who claim to be financially literate won't survive a week with that same amount. " naiinis na ako nagumpisa na na manginig ang kamay ko dahil sa inis.

"This is why it's not about poor people being not financially equipped but rather the advice of privileged people based on the context that they have never really struggled." dagdag ko pa.. ramdam ko na hinawakan ako ni Justin sa braso, umaawat pero maski siya ay hindi ko tiningnan.

"Now.. " tumingin ako sa kanya na ngayon ay nakayuko. "So how about stop looking at how poor people survive and start reflecting on your own privileged history?" wala akong nakuhang sagot sa kanya.

"Enough Ms.Agoncillo. You may tkae your seat. Excellent point. " bagaman ay natuwa ako sa narinig hindi parin iyon nabawasan sa pagkainis ko kay Rivan.

BEFORE HIMWhere stories live. Discover now