Chapter 10
It's 4:37 in the morning. I turned my phone off.
Kanina pa ako paiba-iba ng posisyon pero hindi ako makatulog. I have lots of thoughts inside my head as I stare at the ceiling, and all of it is about her.
Hindi ko mapigilang magbuntong-hininga.
I'm so confused. I don't understand why her lack of presence is a big deal to me, usually naman wala akong pake kung mawalan ako ng kaibigan o kasama kasi sanay akong mag-isa. And yet if it is her who'd be nowhere of my sight, I'll feel that I've gone astray.
She became everything that I wonder.
Maybe I empathized too much, pero tila nadurog ang puso ko matapos namin magyakapan. She didn't even let me see her face when she leave. Ayaw niya ata na makita ko siya sa gano'ng sitwasyon.
Simula rin no'ng mangyari ang yakapan na 'yon napapaisip ako lagi kung okay ba siya, kung kailangan niya ba ako, o gusto niya bang manood ng cartoon para lang malihis ang atensyon niya mula sa mga problema. Pero wala akong oras para pumunta sa opisina niya kasi tinutulungan ko si Ches na pagandahin pa lalo ang plates niya.
Hindi na rin siya ulit nagparamdam but this time I understand. She needs some time for herself but if she ever needs me pupunta ako agad. My ghad anyare sa 'kin!
Stop occupying my mind, Natasha.
Ilang araw na 'kong walang ayos na tulog kahit tapos ko na ang plates. Dapat nga nagpapahinga ako ngayon kasi weekends pero hindi e, ang hirap.
Maya-maya lang tiyak na gising na si ninong para sa shop. Nag-usap na sila ni Mel, akala ko hindi niya seseryusohin ang sinabing mag-iinvest pero ginawa niya talaga. Manghang-mangha pa nga si Belle nang makapunta siya rito sa shop.
Speaking of Belle, sana maging maayos biyahe nila papunta sa prestigious school which is I doubt, nabasa ko kasi sa newspaper ng univ na bukid ang pupuntahan nila.
Marahan akong bumangon at inayos ang kama, nagtungo sa banyo para maghilamos, then nag-ipit at nag-timpla ng kape. Habang binubuhos ang mainit na tubig ay napaisip ako.
Ano'ng gagawin ko e ang aga-aga pa? Magbasa ng libro? But I'm not in the mood for that right now. I feel exhausted. Should I paint? Kaso tinatamad din akong mag-handa ng mga gamit! Alam ko na! I'll sketch na lang.
Pagkatapos kong mag-timpla agad akong bumalik sa kwarto at sinarado ang pinto.
Nag-stretching ako at umupo, now what? Ano'ng iguguhit ko? Wala naman akong maisip aside from her!
Napalingon ako sa slime na nasa tabi mismo ng clock ko. I can't help but smile. She healed me in so many ways I can never possibly imagine. Hindi naman creepy kung iguguhit ko siya 'di ba?
Kinuha ko ang blank paper sa drawer pati na ang charcoal na lapis. Hanggang ngayon nagtataka ako kung bakit niya sinuot ang body con dress sa burol kaya ito na lang ang ginuhit ko.
I want to be by her side to comfort her pero why? Hindi ko na maintindihan sarili ko! Nalulungkot ako para sa kaniya but I know whatever situation she's in, malalampasan niya 'yon, she's strong kaya. Pero my goodness!
Kadalasan namamalikmata ako na kasama ko siya kahit saan ako magpunta. Minsan dito sa shop, sa daan, at sa university. Kahit saan! Don't tell me self I like her na? No! Mali, naawa lang ako at concern sa kaniya right. Gano'n lang.
YOU ARE READING
Temporary (Amorist Series #2)
RomanceAmorist Series #2 "I'd rather d'e single than devote myself and suffer in vile temporal relationships." Azariella Jin Garcia, an Architecture student who thrives for a living, vowed never to open herself up as she grew up being tormented by the cons...