Chapter 25
"Samgyupsal us after this?" Eira said. Kumuha siya ng libro sa shelve at inusisa ito.
Sale ngayon sa favorite bookstore niya kaya kami dumayo. Ang sabi ko sa sarili ko sasama lang ako kaso nakakabudol talaga ang presyo. Ang ganda rin ng quality ng books kaya ang ending bumili rin ako.
Nasa kabilang counter si Ches, tumintingin din sa mga libro habang panay shake ng iced tea niya na yelo na lang ang laman. Sobrang ingay nito at ang lakas makahatak ng atensyon.
"Pwede rin pero mas bet ko Inasal for lunch." I turned to her and crossed my arms.
"Hmm. . . kayo bahala." Binitbit na niya ang libro patungo kay Ches, sumunod ako sa kaniya.
"Samgyupsal or inasal? What do you think?" Eira asked to Ches na hinihigop ang katiting na laman ng drink niya. Para siyang humihigop ng sabaw, kulang na lang pati straw isali niya.
"Let me buy you a new one. People are staring and it's getting embarrassing, Ches." Nahihiyang tumawa si Eira sabay lingon sa mga nakatingin sa amin.
"It's okay. . ." Ches said. Tinanggal niya ang takip at kumain ng yelo. "Kayo? Kung saan kayo do'n din ako."
"Hindi mangingilo ngipin mo diyan?" I asked. Ngumiti lang siya at kumindat.
"You pick nga e, ikaw tie breaker now." Sabi ni Eira.
Lahat talaga kami kaladkarin. Aabutin na lang kami ng ilang oras nakatayo pa rin kami rito.
"Hmm I'll choose. . . Inasal." Tugon niya. Wala ng nagawa si Eira kundi sumang-ayon. Ngumiti ako.
"Ito na ba lahat ng bibilhin? Wala na kayong idadagdag?" Pumagitna ako sa kanila.
"Yes, let's go?" Eira said.
"Sure." Sabi ni Ches at nauna sa cashier. Siya ang pumila habang sa gilid kami ni Eira, naghihintay.
"I still remember the last time we were here with Miss Natasha," Eira glanced at me. "You said you'd only get to know her because she was unpredictable for you."
Napangiti ako nang maalala na ayun din ang araw na hinayaan ko siyang makita ang totoong nararamdaman ko tuwing nasa malapit siya.
"But now you're lovers. Do you celebrate monthsary?"
"Hindi." Kumunot ang noo niya. "Nag-reklamo nga sa 'kin si Belle before na gano'n din sila ni Miss Serraño."
"Really?"
"Yes." I nodded. "Their squad believes that monthsay are only for those couples na hindi aabot sa anniversary."
"Hmm, if that's the case. . . your anniversary must be a one time big time celebration then."
Tumawa ako. "May five months pa bago mangyari 'yan, pag-p-planuhan ko na ba?"
She smiled. "Need help?"
"Tutulong ka?" She nodded. "Sige ba, thank you!"
Ilang saglit pa lumapit na si Ches bitbit ang mga paper bags na may laman ng mga librong binili. Umalalay kaming dalawa ni Eira sa kaniya at lumabas na ng store.
"Ganito na lang. . . kung alin sa dalawa ang una nating madaanan doon tayo kakain," Ches said. "Nagugutom na kasi ako."
"Muntik ko na makalimutan, may dapat ka nga pa lang sabihin tungkol sa nangyari kahapon." Tukoy ko kay Eira.
"Why? May nangyari ba kahapon?"
"Yes, kasama lang naman ng kaibigan natin si Miss Keiah. 'Yung prof na member din ng board. Do you know her?" Ches nodded.
YOU ARE READING
Temporary (Amorist Series #2)
RomanceAmorist Series #2 "I'd rather d'e single than devote myself and suffer in vile temporal relationships." Azariella Jin Garcia, an Architecture student who thrives for a living, vowed never to open herself up as she grew up being tormented by the cons...