Chapter 19
Tatlong araw na lang Pasko na.
Nandito kami ngayon sa office ng coffee shop nila Eira, nagkaubusan kasi ng upuan sa labas; dinagsa sila ng customers at kakatapos lang din namin bumili ng mga regalo.
It took us a couple of hours to finish because they bought many things. Meanwhile, I rewarded myself with art supplies for surviving the first semester and bought gifts for my family and Ash.
"May exchange gift ba or party?" Eira asked. Ches is busy eating pancakes.
"Wala siguro, hindi tayo buo e." I replied. "Pero pauwi na si Belle 'di ba? Dito siya magpapasko so baka meron, depende sa kanila."
"Bakit hindi ba kayo magpapasko kasama pamilya niyo?" Tanong ni Ches. Uminom muna ako bago siya sinagot.
"Hindi, pero sabay kaming magbabagong taon."
"Bakit? Sino ba kasabay mo?"
"Malamang 'yung kasabay niya." Banat ni Eira.
"Sino nga?" They exchanged an intense gaze. Sila lang nagkakaintindihan sa mga tinginan nila. Ano 'to telepathy? Hindi ako makasabay e. "Ah gets ko na."
"E ikaw?" She asked Eira.
"Family ko, may handaan din sa 'min. Always naman 'yun tuwing may event. How about you?"
"Family ko rin."
Buti pa sila. Si Ash lang kasi ang makakasama ko sa Pasko kahit na ang unang plano ay sasabay siya sa family ko. Sumang-ayon na nga rin sina ninong at papa no'n ang kaso nag-imbita si tita; kapatid ni papa sa Laguna at kababata rin ni ninong, na roon kami mag-pasko kaya nag-iba.
Bumyahe na sila kanina at hindi ako sumama, ang mga regalo naman na binili ko para sa kanila ay sa New Year ko na lang ibibigay. Maiinggit lang kasi ako ro'n, mararamdaman ko ulit ang alaga at pagmamahal ng isang ina pero sa ibang tao, at isa pa, gusto ko rin na samahan si Ash.
"Wait, my employees are calling me." Eira stood and left.
"Jin I have a gift for you," may kinalkal si Ches sa bag niya. "Here oh." She smiled and raised them. It was a pair of handmade bracelet. "Para partner us." Inabot niya sa 'kin ang isa at sabay namin itong sinuot.
"Ikaw may gawa?" She shook. "Bili mo?"
"Gawa 'yan ni Ate. It's her gift for me, sabi niya ibigay ko ang isa sa jowa ko e wala ako no'n," she pouted, I chuckled. "Kaya sa kaibigan na lang."
"I forgot to buy gifts for you." Nakokonsensya tuloy ako. Pasimple akong humigop ng kape.
"It's okay, hindi ko naman binigay 'yan kasi may hinihintay akong kapalit." Napangiti ako. "This bracelet also represents a strong bond of friendship. So always wear it ah?"
I nodded.
Ilang sandali pa bumalik na si Eira, may bitbit ulit siyang mga pagkain, umupo siya sa tabi ni Ches at nilagay ang mga ito sa table.
"Ano ba 'yan. . . Eira nakakahiya naman, ang dami mong nililibre." Pabebeng sabi ni Ches at mahinhin na kinagat ang tinapay.
Tumawa kami.
"Hindi bagay," banat ko.
Pinagdikit niya ang hintuturo. "Uwu."
Umiling kami ni Eira.
After a second, Eira's phone buzzed. She received a message from Melian—she's inviting us na sa condo niya kami magpasko, nag-reply agad si Eira na sasabay siya sa family niya, while I didn't got a chance to respond since I have no load.
YOU ARE READING
Temporary (Amorist Series #2)
RomanceAmorist Series #2 "I'd rather d'e single than devote myself and suffer in vile temporal relationships." Azariella Jin Garcia, an Architecture student who thrives for a living, vowed never to open herself up as she grew up being tormented by the cons...