Chapter 04

57 6 0
                                    

" sisst! gwapo ni kuya easton pero mas gwapo pa din si ohm for me " kinikilig nyang sambit habang ipinapakita sa akin ang post ni kuya, napailing iling ako

" gwapo sila parehas " sabi ko naman, natutop ko naman ang aking bibig sa nasabi napatingin ako kay fluke na ngayon ay nakangiti na animo'y nang aasar.

" ayiee gwapo daw, really?? yan na ba ang prem namin ngayon?? " asar nyang sabi na ikinairap ko naman

" shut up! " sabi ko lang, tinawanan naman nyako

Inayos ko ang pagkakaupo ko sa sofa, andito kasi sya sa mansion para tumambay lamang at makikain.

" hijo meryenda muna kayo " narinig kong sambit ni manang at ipinatong ang tray na may nakalagay na sandwich, spinach, samyang at juice, hindi talaga mawawala ang spinach lalo na dahil yun ang paborito ko.

" thanks manang, anong oras po ba uuwi si kuya? " sabi ko dito

" walang sinabi pero siguro gagabihin yun, kain lang kayo dyan " aniya nito, tumango tango lang ako, si fluke naman ay kumakain habang nakangiting nag sscroll sa cellphone nya.

" sisst tara sa clarke bar mamaya " maya maya na sambit ni fluke, napaisip naman ako isang buwan lang ang nakalipas simula nung huling uminom kami este ako lang dahil si fluke lang ang nagpupunta sa clarke bar masyado akong naging busy sa shop ko. Its a flower shop, si mommy kasi ang namana ko sa kanya ay hilig sa bulaklak, bagamat hindi ko naman sya nakakausap parati, she didn't forget to asked how's my life doing.

" okay sure " nakangiti na sagot ko, natingnan naman nyako ng question look, teka anong akala nya sakin ha??.

" sure ka dyan? noong nakaraan inaya kita pass agad ang sagot mo, anong nakain mo ha?? " sunod sunod nyang sabi, napangiwi ako

" masama ba? Gusto ko din naman mag enjoy, atsaka masyado akong naisstress sa flower shop ko, tas yung nag iinvest pa ng isang bussiness ko ayaw na magpakita, na scam ata ako " sambit ko sakanya

" nako dapat ipaalam mo yan kila tita " saad nya, tumango naman ako

" kaya nga iniisip ko baka mapagalitan ako ni dad na palpak ang negosyo na ginagawa ko. " sabi ko at huminga ng malalim

" hindi yun, proud naman sila sayo at saka syempre ang gusto nila ay yung napapabuti ka " sambit nya, tumango tango ako dahil tama naman ang sinabi nya.

Nang araw na yon ay wala lang kaming ginawa ni fluke kundi ang manood ng movies, at mag kuwentuhan, alas kwatro ng hapon ay umuwi na sya dahil tumawag ang mommy nya at may ipapatulong para sa branch nilang kabubukas palang noong nakaraang buwan.

Saktong 6:00 pm ay nagpahanda na ako ng dinner kay manang, for sure gutom si kuya, sa totoo lang hindi naman ako galit sa kanya, siguro may konting tampo din.

Andito ako sa sala at nagbabasa ng libro, maya maya ay nakarinig ako ng busina sa labas, andyan na siguro si kuya.

" kai " rinig kong boses, napatingin naman ako sa nagsalita, andito na pala si kuya, hindi naman maikakaila na gwapo talaga si kuya.

" staring is rude, have you eaten dinner? " malalim ang boses nito, napatigil naman ako

" h-hindi pa, pero handa na ang dinner " sabi ko at umiwas ng tingin

" then, shall we eat? I'm hungry " he said, tumango lamang ako, sya naman ay nauna na sa dining area.

Habang kumakain kami ay hindi ako nagsalita at bagkus ay ninanamnam ang aking kinakain.

" how's your day? " he asked

" uhm doing good, nag bonding kami ni fluke kanina " sagot ko

" and you didn't bothered me to asked if mag bobonding ba tayo o hindi. " sambit nya, malamig ang boses nya, teka galit ba sya?

" you're busy " sabi ko lang, nang hindi tumitingin sa kanya, I heard him sighs

" I'm sorry, pwede na ba akong bumawi? " napatingin naman ako sa kanya, na sya na palang nakatingin sa akin

" bakit hindi mo ginawa nung umuwi ka? " tanong ko

" I'm asking you now.. " aniya at nakatingin pa din sa akin, napatungo ako na hindi alam ang sasabihin.

" o-okay.. we can bonding together " sagot ko, he smile

" that's good. " at nagpatuloy sya kumain, napabuntong hininga ako.

Brother's In Bed (BL Fanfiction) Where stories live. Discover now