Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, businesses, places, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. The author does not mean harm or deliver any insult to any religious group in this story. The scenes in this story are purely fictional and are written for dramatic purposes, they do not in any way stand as proof for historical events.
Warning: This story may contain errors such as typos, grammatical mistakes, misspellings, etc. If you're looking for a perfect story, this may not be the story for you. We recommend you to stop reading this and find another one to read. Thank you for being so understanding!
***
IZZY's POV
UWIAN na namin ngayon at nasa labas kami ng School. Tatawagin ko muna si Kuya Joshua na nasa bahay ngayon. Tatanungin ko lang siya kung nasa bahay ba si Dad.
"Anong plano?" si Riel.
"Saan?" si Iana.
"Sa gala," si Vy.
"Tatawagin ko muna ang isang kuya ko. Tatanungin ko muna siya kung nasa bahay ba ngayon si Dad." sabi ko.
"Okay," si Riel.
Nilabas ko ang cellphone ko mula sa bulsa ng palda ko. Binuksan ko 'yung phone ko at sinimulan ko nang i-ring ang phone number ng kuya ko. Nagri-ring naman 'yung number niya.
Maya-maya pa, sinagot na ang tawag ko. Ang tagal naman?
[Oh?] si Kuya Joshua.
[Ang tagal mo namang sagutin?] ako.
[Sorry naman, gumagawa kasi ako ng gawaing bahay eh.]
Nagulat ako sa sinabing 'yon ni Kuya Joshua. Himala!
[Talaga lang ha?] ako.
[Oo naman... Pero, oh? Bakit ka tumawag? May kailangan ka ba?]
[Oo, si Dad? Nasa bahay ba siya ngayon?]
[Wala]
Huh? Wala? Bakit wala?
[Joke, nandito si Dad.] si Kuya. Akala ko naman wala! Iiyak na sana ako 'e! Dahil sa sinabing 'yon ni Kuya, nakahinga ako ng maluwag.
[Okay, thanks! Uuwi na ako] paalam ko kay Kuya, hindi ko na hinintay 'yung sagot niya dahil wala rin naman 'yong kwenta. Binaba ko na ang telepono at nilagay ko ang phone sa bulsa ng palda ko.
Tumingin sa akin ang mga kaibigan ko at naghihintay sila ng sasabihin ko.
"Anong sinabi ng Kuya mo?" si Riel.
"Sinong kuya ang tinawagan mo?" si Lina.
"Si Kuya Joshua, sabi ng Kuya ko, nasa bahay ngayon si Dad.. Kaya uuwi muna tayo." sabi ko.
"Yown!" si Vy.
"Uuwi muna?" naguguluhan na tanong ni Lina.
"Oo, Lina." sagot ni Riel.
"Ah okay, saan tayo magkikita?" tanong ulit ni Lina.
Wala akong maisip na lugar kung saan kami magkikita-kita, dito na lang kaya? Pwede rin.
BINABASA MO ANG
The Five Of Us [ON-GOING]
Teen FictionThis story is about FIVE friends╶ who became friends in grade school days, they were inseparable and continued to do everything together. Through thick and thin, they supported each other, laughed together, and created countless memories. Their fri...