02: Bend her Chest

14 4 0
                                    

Just what the hell he's doing here?

"Tin, are you alright?" tanong sa'kin ni Doc Han kasi kanina pa ako tahimik. Nakasakay nadin kami ngayon sa helicopter at mas lalo akong naninigas sa kaba. Mukha pa akong mauubusan ng hininga.

"Kristin,"

"Ha?" nilingon ko na si Doc Han.

Napapalunok ako sa tensyong nararamdaman ko. Bakit naman kasi sa air ambulance kami ni Ethan sumakay? Napapagitnaan pa ako ng dalawa! Jusko naman, mapapasubok pa puso ko neto.

"The child will be fine..." puno ng pagaalala ang boses ni Doc Han, nagulat pa ako ng inabot niya ang pawisan at nilalamig kong kamay.

Haay, he knew my signs of anxiety. Hinahawakan niya lagi kamay ko kapag ganito ako which is very helpful because he's keeping my hands warm. Kaso mukang hindi uubra 'yon sa ngayon.

Nakikita ko kasi kung papaano mag langitngit ang mga mata ni Ethan sa kamay namin. Ramdam ko pa ang bigat ng titig niya at mas lalong niyon pinapa lala ang emosyong naghahalo-halo na sa sistema ko.

God, I wish we will land sooner.

Doctor Salviejo took in-charge na kasi sa bata kaya hindi kami pwede ni Doc Han na makisiksik sa air ambulance niya. Hayun, share kaming tatlo dito sa helicopter at ang isa naman ay naiwan sa Britanya.

"Have you taken your medications?" nangibabaw naman ang boses ni Doc Han.

Takte, hindi nga ako naka-inom kasi hindi rin ako naka kain kaninang tanghalian. Kasi nga, agad akong pumunta kay Doc Latil. My mind was also occupied with everything that I forgot my priority, my health.

Huhu, lagot ako neto.

"You're hyperventilating, Kristin Louise."

Ack, he's mad. Binanggit ba naman buong pangalan ko. Han is really strict when it comes to my health, siya na kasi naging personal doctor ko nung mamatay si tita. He took care of me and I became his responsibility kahit hindi naman talaga kailangan.

"You're not allowed to take care of that kid when you're like this, you know that rescue operation could also took your life. Listen to me, Kristin."

Hindi ako nakasagot.

"What's wrong?" usisa ni Ethan kasi sinusuri ni Han ang tibok ng puso ko gamit ang stethoscope niya.

"Do you have sphygmomanometer?"
tanong ni Doc Han sa tanong, making Ethan's face crumpled.

"Why do you need it, what's happening?" tanong niya rin pabalik habang may kinukuha sa malaking bag na may lamang mga medical equipments. "Here,"

"She's showing signs of emotional shock, I think you know why." simpleng tugon nito kay Ethan.

Okay, I've been oblivious on my feelings since the fact I couldn't cry my tears out and I didn't know I was really that obvious until now. Akala ko kinakabahan lang ako dahil sa pag-puri ni Doc Salviejo at sa hindi inaasahang pagkikita namin ni Ethan.

Or maybe, he also add more of my fear and stressors. Triggered everything what I have mean to suppress.

"Lay on my thighs..." Ethan said boldly na sabay naming kinagulat ni Doc Han.

Kingina, plano ata akong patayin ng lalaking 'to. Lumundag lang naman ang puso ko sa sinabi niya. Hindi ko alam kung dahil ba sa kaba o saya, ang alam ko lang ay masakit iyon.

"Kristin, can you speak?" Doc Han hovered as he lay my head on his thighs nice and gently, defying Ethans suggestion.

Wala namang nagawa ang isa at umalis nalang sa upuan niya para lumipat sa single seater na nakaharap lang din sa inuupuan namin.

Bend your Chest OpenWhere stories live. Discover now