06: A Dead Man

8 2 0
                                    

Ethan's POV

Wala akong tulog o mas naaayong sabihin na hindi talaga ako nakatulog dahil sa kakaisip ko kay Kristin. Hindi nga rin kasi ako umuwi sa condo ko dahil abala ako sa pag aasikaso sa bata na niligtas niya.

Three days ago, I had just arrived from the airport. It was two days after the earthquake that devastated the southern region of the country, particularly Nueva Vergara City and some of its neighboring towns and islands at ang isla ng Britanya ang may pinaka malaking pinsala.

My grandfather immediately pulled me out right after I landed kasi gusto niya akong isama sa Britanya. Ang dami niya agad na ikinuwento patungkol sa lindol nang papunta palang kami sa Helipad ng ospital. Akala ko nga ay plano niya lang na bumisita at mag handog ng mga relief pack pero hindi.

Pupunta kami roon kasi humihingi
ng immediate response ang Red Cross patungkol sa isang pasyente. At hindi ko nga inaasahan na masali sa kuwento niya ang tungkol daw sa isang babaeng volunteer rescuer na nag buwis buhay para lang maligtas ang mag-amang sina Kanor Ruiz at Kael Ruiz.

And it comes with a drawn footage
na aksidenteng nakuhanan ang pagsasagip nila sa mag-ama. The drone's initial purpose was to get aerial coverage of the damage at ground zero, but it unexpectedly recorded the rescue when an aftershock occurred.

Para nga akong nanood ng survival-action movie nang makita ang rescuer na tinalon ang gumuguhong lupa at nakalambitin ng patiwarik para lang masagip ang mag-ama pero sa kasamaang palad ay ang bata lang ang naligtas.

At siya ang magiging una kong pasyente bilang isang ganap na doctor sa ospital na tinayo ng mga magulang ng mga magulang ko. Hindi ko nanga sana tatapusin ang footage dahil parang kinukusot ang dibdib ko at hindi ko ata kayang tapusin pero nang mag zoom in ang imahe ng rescuer ay talagang nagulat ako.

I never anticipated seeing her in such a daunting environment, na halos matakpan na ng putik ang katawan niya habang yakap-yakap ang bata sa dulo ng gumuhong bangin.

It crushed my heart, and in that moment, all the bottled-up feelings I had kept since high school flooded back, overwhelming me to the point where it felt intoxicating.

Parang nakalimutan ko ngang pupunta kami roon bilang isang doktor, tumatak nalang kasi sa isip ko ay ang matinding pag-aalala at pananabik sa babaeng pinaka-una kong minahal.

I stepped out of the ambulance with a smile stretching from ear to ear, but my world turned upside down when I saw her. Her blank stare and the slow fading of her smile upon seeing me were shattering.

I tried to keep it together until my unease deepened. Seeing her with a man who seemed to care for her like a husband would made it even worse.

Talagang matindi ang bigat ng namumuong tensyon sa aking dibdib at nagpatuloy lang iyon sa buong araw na bumabagabag sa'king isipan buong gabi. I really tried to reach out but she keeps on avoiding me at ngayong umaga, talagang nagbabasakali ako na maka usap siya.

Pero lagi naman niyang kasama ang koryanong Doctor. He was so overprotective on her, sa paraan palang nang pananalita niya simula kahapon ng magsama kami. At ang pag-asa ko ngang pinanghahawakan sa huli ay napurnada dahil lang sa kanya.

Sino ba talaga ang lalaking 'to sa buhay ni Kristin? Pareha naman silang walang suot na singsing kaya malabong kasal silang dalawa. Pero iba talaga eh... Malayo sa turingan nilang dalawa ang magkakaibigan.

Syempre gumugulo rin sa katinuan ko na baka magnobyo sila, pilit ko pang kinukumbinsi ang sarili na malabo ang bagay na iyon. Pero sa sinabi niya kasi bago umalis kahapon, wala siyang binanggit na girlfriend niya si Kristin kasi kung sila nga pwede naman niyang sabihin agad.

Bend your Chest OpenWhere stories live. Discover now