Chapter 76: The Legend

540 35 6
                                    

Finnix's POV

"I love you," Ester mouthed before her whole body turned into purple particles.

"Noooooooo!" sigaw ko hanggang sa marating siya.

Pero huli na. Huli na nang ako'y makalapit sa kaniya. Tanging ang mga tuldok na lilang liwanag na lang ang nadatnan ko.

Tila tinusok ng daan-daang kutsilyo ang puso ko. Tila nawalan ako ng lakas dahilan upang mawala ang pakpak ko at mahulog ako sa lupa. Napakababa lang ng nilipad ko kanina kaya hindi ko inisip na babagsak ako. Balak kong sanang saluhin si Ester bago pa siya bumagsak sa lupa pero hindi ko inakalang bigla na lang siya mawawala.

"Ester," mahinang sambit ko. "Ester," muli kong pagtawag pero walang tumugon. Unti-unting humapdi ang mga mata ko. Nabubuo rito ang mga luhang tapat sa nararamdaman ko. Ang mga luhang sanhi ng napakasakit na sensasyong ito.

"Ester!" at tuluyan ko ng pinakawalan ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Napahagulgol ako. My chest became heavy. Napaluhod na lang ako at napayuko. Hinayaan kong tumulo ang sagana kong luha sa lupa habang binabanggit ang pangalan niya. "Ester."

I noticed the purple particles started to fall. Pinansalo ko ang aking mga palad at isa sa mga ito ang dumapo. It made me reminisce the moments I shared with her.

Ang aming unang pagkikita na nauwi sa labanan.

Ang unang pagkakataong sabay kaming natulog at gumising akong yakap siya.

Ang una naming sayaw.

Ang una naming halik.

Remembering them made me cry even harder.

"Finnix?" dinig kong sambit ng kakarating na si Heaven at sa likod niya ang mga kaibigan namin.

"Heaven, wala na siya," sumbong ko na parang batang humihingi ng tulong.

Kinagat niya ang kaniyang labi at tumango pero nahagip ng mga mata ko ang pagtulo ng kaniyang luha.

Tumingin pa ako sa iba as sinabi ang masamang balita. "Guys, wala na si Ester. Wala na siya." Pinunasan ko ang aking luha.

 "Wala na siya," muli kong bigkas at muling napayuko.

Naramdaman ko na lang ang biglang pagyakap sa akin ni Heaven at sinundan pa ng iba.

"Wala na siya," patuloy kong pagsambit. "Wala na si Ester."

"Shhhhh. Everything will be alright, Finnix. Everything will be alright."

***

1 Year and 3 Months Later

"Finnix! Ano na naman ang tinutunganga mo diyan? Iniisip mo na naman siya, no?" Heaven shouted.

"Huwag mong itulad si Finnix sa'yo, Heaven! Sinabi sa akin ni Hydra na minsan nakikita ka daw niya hatinggabi, umiiyak nang mag-isa habang sinasambit ang pangalan ni Ester," pabirong sabi ni Ten.

"Sinong nagsabi n'yan? Ang tahimik pero bungangera kong pinsan? Nasa'n na kaya 'yon at masabunutan ko."

"Sus! Nilalayo mo ang usapan, eh," nangungulit ding sambit ni Crystal. "Oh, ayan na si Hydra. Sabunutan mo na!" dagdag pa nito.

Sabay kaming lahat na napalingon sa paparating na sina Hydra at Winwin.

"Bakit?" kaagad na saad ni Hydra.

"Sabi ni Heaven sasabunutan ka daw niya. Tahimik pero bungangera ka daw kasi" sumbong ni Ten.

"Really, Heaven?"

"Wala ah! Sabi ko naiinggit ako sa ganda mo kaya sarap mong sabunutan. Tara na nga!" Heaven said at nagsimulang maglakad sa masukal na gubat. Sumunod kami sa kaniya at nagpatuloy sa paglalakbay.

75-76-TFCWhere stories live. Discover now