Chapter 75: Life Versus Death

669 55 15
                                    

Ester's POV

"We heard your calling diety," the spirit gurdians said and they all bowed to me.

"P--please help me win this battle," pag-uutal ko dahil hindi pa rin ako makapaniwala. Hindi ako makapaniwalang ang spirit guardians ang magiging laman ng apat kong pinto!

"It's our duty to help you and save our masters," tila nalunod ako sa lalim ng boses ng dragon ni Finnix. Tumingala ito at seryosong nakipagtitigan sa mga mata ko. "Use me. Use us. We will lend you our signus as long as you save them."

"I'll do my best, Ignus. Mask-up!" Sa binigkas kong iyon ay Isa-isa silang nagsilabasan mula sa pinto at pinalibutan ako. Just like my other links, they turned into strings at pumulupot sa mga ugat ko. Pumikit ako upang damhin ang panibagong sensasyong dulot ng apat na spirit guardians. I felt a warm, calm, dry, and cool energy entered my body. Pagmulat ko ng aking mata ay bumalik ako sa totoong mundo.

Nakalutang ako sa ere at binabalot ng gintuang liwanag na hinahaluan ng lila. Napapansin kong tila binibihisan ako ng liwanag na iyon dahil sa unti-unting pagbabago ang suot ko. "Roooar! Squeeak! Sssss! Awooo!" ang tunog na biglanh pinakawalan ng apat na guardians. Dumagundong ito sa paligid kasabay ng mistulang pagsabog ng liwanag sa katawan ko.

Wala na ang kanina kong itim na armor. Napalitan na ito ng isang baluting maihahalintulad sa maikling bestida na may nakalaylay na hood sa likod, ang armor ng nga summoners. Naglalaro sa napakapusyaw na lila ang kulay nito na halos malapit na sa pagiging puti. Mas nagpaganda pa dito ang mga makakapal na gintuang linya na kung sisiyasatin ay maihahalintulad sa pigura ng mga spirit guardians.

Pinakiramdaman ko ang aking katawan at tila wala akong suot na damit sa gaan ng aking pakiramdam. Nararamdaman ko rin ang saganang enerhiya na dumadaloy sa aking dugo.

"Uno, Tres, Quatro, Singko, Otso, Trese. Mask-up!" Pagsubok kong pakikipag-isa sa mga natitira kong links. I am now diefied. I can now use the full capacity of my signus because of the vial. Hindi ko na pinalagpas pa ang pagkakataong gamutin ang mga kasamahan ko lalo pa't hindi ko alam kung hanggang kailan tatalab ang epekto nito.

Kaagad kong kinumpas ang aking kamay at pinagana ang signus ni Tres at Quatro. I created a yellow light in my left hand and a peach light in my right hand. Pinaghalo ko ito at binato sa taas ng mga nakahandusay kong kasamahan. Sumabog ang pinaghalo kong signus at bumabang tila ulan papunta sa mga kaibigan ko. "That will be enough to cure them."

I witnessed how the rain of lights healed everyone of them. My lips curved after seeing them standing one by one. Tila nabunutan ako sa tinik sa lalamunan dahil hindi na ako mag-aalala sa kalagayan ng mga kaibigan ko.

Ngayon, isa na lang ang problema ko. Ang tila walang kamatayang si Rathro.

Pagbaling ko sa kaniya ay wala na siyang sugat na tamo. Parehas na kami ng sitwasyon, we've been recharged, healed and ready to fight 'till death again.

"Nawala lang ako saglit, naging diefied ka na. You are really full of tricks surprises. That's better though. You now deserve to be called my enemy," he said grinning but I could see his fear behind those grin. "Let's see! DEAD ARMY!" Tumakbo si Rathro palapit sa akin. Habang tumatakbo si Rathro ay siya namang pagkabuhay ng mga patay sa bawat paghakbang na gawin niya. Parami nang parami ang mga summons niyang tumatakbo rin kaagad at sumusunod sa kaniya.

Bahagya akong bumaling sa aking likuran at nakitang nakahanda na muling lumaban sila Finnix, Heaven, Hydra, Winwin, Crystal, Ten, ang mga hari at reyna at ang natitirang mga kasamahan namin.

"Sorry but I won't let you fight again." I said directly in their minds. Tinaas ko ang aking kamay at sa momento ng pagbaba nito ay siya namang pagkaliha ng golden semi-transparent shield na nagkulong sa kanila.

75-76-TFCWhere stories live. Discover now