***
Ester's POV
Dear Ester,
Kung binabasa mo ang sulat na ito, sigurado akong wala na ako. Alam kong mababasa mo ito dahil alam kong magtatagumpay ka. Noong sinabi sa inyo ni Ms. Gould ang kaniyang pangitain na dalawa sa inyo ang mamatay, I suddenly thought that the other one would be me. Yes, I was there, too. I was there hiding in the cabinet. Akala ko nga mabubuking mo ako dahil sa talas ng pakiramdam mo. Buti na lang hindi.
Ester, huwag mo na akong alalahanin. Kalimutan mo na ang pinangako ko sa'yo na babawi ako sa mga taong hindi kita nakasama. Sana maintindihan mo na bago mo ako naging uncle ay isa muna akong ama at asawa. I chose to be with them now. Masaya na kaming tatlo rito.
P/S: When all of you left that day, Ms. Gould warned me about this future so I was able to prepare this letter. I just want to say that always choose to be happy, Ester. Don't worry, I'll tell your family how much you've grown into a better woman.
Your Uncle,
Magnus.
Nalungkot ako nang magising na wala na si uncle Magnus, ang nag-iisang natitira kong kapamilya. Pero dahil sa sulat na ito, naibsan kahit papaano ang kulungkutang iyon. Lucas, uncle Magnus and queen Hera are all together now. Sana masaya sila kung nasaan man sila ngayon.
Kumuha ako ng tatlong puting bulaklak mula sa bouquet na dala ko at pinatong sa magkakatabi nilang puntod.
Magnus Eathren * Lucas Eathren *Hera Eathren
You will always have a place in my heart.
Inikot ko pa ang aking paningin sa paligid at napakaraming puntod ang naririto. May iilang pamilyar na pangalang nakaukit sa mga lapida ang aking nabasa. Narito ang pangalan nila Reen, Ms. Gould at Maestra Fauna. Dito rin nilipat ng libingan sina Rizka at ang mga nasawing estudyante at professor ng Signus Academy. Sabi sa akin ni Finnix na kahit ang mga namayapang 'di natagpuan ang bangkay ginawan na rin ng puntod bilang pag-alala sa kanila tulad na lang ni Reen at ng pamilya ko.
Ang lugar na ito ay ang dating palasyo ng Archania ngunit hindi na ito bahay para sa hari o reyna. Bahay na ito ng mga taong taong nadamay, at nagbuwis buhay upang mapigilan ang masalimuot na hinaharap na kahaharapin sana ng mundo. This is our only way to honor them.
Naglakad ako papunta sa puntod ng pamilya ko. Kumuha rin ako ng tatlong bulaklak at nilagay sa taas ng puntod nila. Tumingin ako sa asul na kalangitan at pinikit ang aking mga mata. 'Ma, Pa, Kram, kung nasaan man kayo ngayon, sana'y masaya na kayo diyan. Huwag n'yo na akong isipin dito. Sigurado akong magiging maayos na ang lahat lalo pa't nandito ang mga kaibigan ko...'
"Ester, are you done? Kanina pa tayo hinihintay nila Heaven," sabi ni Finnix sa aking likuran.
Nilingon ko siya at sinabing, "Sige na, Finnix. Mauna ka na. Susunod na lang ako."
"No, just take your time. I'll wait. Sabay na tayo mamaya," aniya.
Napangiti na lang ako sa sinabi niya. Tumingin ako muli sa puntod nila mama. 'Ma, Pa, kambal, bago ko makalimutan, siya nga pala ang boyfriend ko. Finnix po ang pangalan niya.' "Why are you smiling like that?" kaagad na tanong ni Finnix na hindi ko namalayang lumapit na pala sa akin.
"I just introduced you to my family," sagot ko na at pansin ko ang paglaki ng mga mata niya.
"Really? Ba't 'di mo man lang ako sinabihan? I should have introduced myself to them," kumakamot sa ulo niyang sabi.
Tumingin din siya sa puntod nila mama. "Hello, tita, tito at sa kambal ni Ester, ako nga pala si Finnix, soon-to-be husband ni Ester."
Sinuntok ko siya ng mahina sa sikmura. "Anong soon-to-be husband?"