CHAPTER IV
"Hindi mo naman ako kailangan sunduin," Iyan agad ang pambungad ni Danielle sa lalaking nag-aabang sa kanya sa may parking lot ng school.
"It's okay, it's not like I have anything else to do." mahinahong tugon ni Zephyr nakangiti ito at suot pa rin ang damit na suot niya kaninang umaga ng sunduin si Danielle. Wala nga lang ang tie at nakabukas na ang unang dalawang butones na pansin na pansin naman ng dilag.
"What about me? Paano kung may gagawin pa pala ako? Pero mamadaliin ko na iyon kasi alam kong nag-aantay ka?" Sumakay na si Danielle sa itim Jaguar ni Zephyr matapos siya nitong pagbuksan.
"Then don't. Just ignore me. Okay? Kung hindi ka pa uuwi, fine! Basta ako aantayin lang kita." Sagot ng lalaki nang makasakay na.
Pinaandar nito ang kotse at lumabas na ng school.
"I can't just ignore someone who cares! That's---," Naputol ang sinasabi nito ng tumunog ang phone ni Zephyr na nakapatong lang sa may dashboard.
Aabutin na sana ito ni Zephyr nang maunahan siya ni Danielle na pinatay ang phone nito.
"Wha---" Aangal sana si Zephyr sa ginawa nito pero binigyan siya ng matalim na tingin ng katabi. Hindi man ito magsalita ay alam ng lalaki na hindi dahil sa naabala ito magsalita kaya pinatay ang phone niya.
"As I was saying, hindi naman pwedeng hindi kita pansinin!"
"Why not?" Tiningnan niya si Danielle sa rearview mirror, naka-pokerface lang siya at nakatingin sa labas. "Okay, how about we just exchange numbers so you could tell me when to pick you up?"
"How about you just leave me alone?"
"Since you don't look like you know me enough, let me spell it out for you. I don't JUST leave the person I love alone." Natahimik sa sasakyan sa sinabi ni Zephyr, hanggang sa biglang tumawa si Danielle ng pagkalakas lakas.
"Are you serious? You've known me for 2 days!" Sarkastikong tanong niya sa lalaki.
"I've known you for four months, and I've seen you thrice in that span of time."
"You believe in love at first sight??? That's so gay!" humarap na sakanya ang kausap, at kitang-kita sa mukha nito ang pagkamangha sa natuklasan tungkol kay Zephyr.
"You think it's gay for a guy to believe in love at first sight? That's just so cliché, Dan. I never thought of you to be that stereotypical." Napanguso si Zephyr habang umiiling-iling.
Pero seriously? Hindi makapaniwala si Danielle. Isang businessman na naniniwala sa love at first sight? Nakakatawang isipin, kakaiba talaga si Zephyr.
Nakarating na sila sa may condo ni Danielle, bababa na sana siya ng ilock naman ni Zeph ang pinto. Inilahad nito ang kanyang palad. Wala naman nagawa si Danielle kundi iabot ang phone niya. Kinuha muna ni Zephyr ang cellphone sa dashboard at binuksan. Gamit naman ang cellphone ni Danielle ay tinawagan niya ito. Nang mag-ring ang cellphone niya ay sinave niya na ang number ng dalaga. Siya na din ang nagsave ng number niya sa phone nito.
Zephyr Andrews
09153457352Andrews pala ang apelyido nito?
Hindi niya man lang alam.
Si Zephyr kaya? Alam niya din ba ang buong pangalan ko?
Tanong niya sa sarili.
Lumabas si Zephyr sa sasakyan at pinagbugksan siya ng pinto, napaka gentleman nito ngayon, di gaya kahapon, noong di pa nito sinasabing manliligaw ito.
Parang may mali? Parang hindi naman siya nagpapakatotoo kung ganun.
Hinatid na ni Zephyr si Danielle sa Condo niya, may dala-dala pang paper bag ang lalaki at di naman alam ni Dan kung anung laman nito. Pero hindi naman siya nagtatanong, kung ano nga ba iyon.
Pinigil ni Zephyr ang pagsara ni Dan ng pinto. "Ohw. Thank you Danielle for asking, of course I want to come in." Napalingon naman si Danielle at tinitigan itong mabuti, naalala niya nanaman ang sinabi nito kanina.
"Fine, Mr. I-believe-in-love-at-first-sight." Tiningnan niya ang kausap at inusisa mula ulo hanggang paa, bago tumawa ulit. Pumasok silang dalawa, agad namang dumiretso sa kusina si Zephyr. Nilapag nito sa kitchen counter ang paper bag. Isa-isa niyang nilabas ang mga laman nitong dalawang microwavable na plastic containers.
Ibinaba ni Danielle ang backpack sa couch at nagbihis muna sa kuwarto.
Dinalhan pala siya ng pagkain ni Zephyr, maliban dito ay tinulungan din siya nito sa mga assignments niya.
Marami itong alam dahil nga tungkol sa business ang ginagawa nila. Hindi naman si Zephyr ang sumasagot sa mga assignments ni Danielle, at naaappreciate niya iyon. Ginagabayan lang siya ng lalaki at binibigyan ng mga pointers sa mga tamang gagawin, siya pa rin ang sumasagot sa kaniyang paraan ng mga binagay na tanong ng Prof niya.
Marami siyang natutunan kay Zephyr, higit pa nga siguro sa mga natutunan niya sa school. Mas naipaliwanag nito ang mga topics, parang sariling tutor niya na nga ito.
Ang swerte nga niya kung ganoon, matalino, gwapo at sweet pa.
Hindi maaari!
Sigaw niya sa sarili. Hindi pwedeng magkagusto siya dito.
Pero bakit di mo pa siya binabasted?
Bulong naman ng isang maliit na tinig sa kaniyang isipan.
BINABASA MO ANG
Ten Seconds to Infinity
Teen Fiction"I-next mo na," Danielle. "You're so impatient, Dan. Patupusin mo nalang yung song." Zephyr. "Eihh! Dali na," Danielle. "Ten seconds nalang din. Ten seconds to Infinity." Zephyr. "Sige ka, hindi na kita sasagutin." Danielle. "10, 9, 8, 7---," Zephyr...