Chapter 25

15 2 0
                                    

Blaire POV

     "Lunaaaa!!! Lunaaaaa!!! Lunaaaaa!!!" Walang tigil na pagsigaw namin ng pangalan ni Luna.

     Kanina pa kami nag-iikot ikot dito sa gubat na parte ng bakasyunan nila Luna. Hinahanap namin siya kasi simula ng ilibing namin yung... Yung mga ano ng mga kaibigan namin ay hindi na s'ya bumalik sa loob ng bahay.

     Tinanong namin si Mark pero hanggang ngayon ay tahimik lang s'ya ni ayaw nga niyang sumama sa paghahanap kay Luna e. Kung hindi lang namin siya pinilit at sinabi na mas magiging ligtas kami kung wala ni isa sa amin ang hihiwalay sa grupo.

     "Ang mabuti pa siguro ay iuwi n'yo na muna sila Iza at Blaire habang ipinagpapatuloy ko ang paghahanap kay Luna sa medyo mas liblib pa na lugar dito sa gubat." Mungkahi ni Mike nang mapansin na pagod na siguro kami ni Iza.

     Madaling araw na rin siguro at halos nasa limang oras na kaming naghahanap kay Luna pero ni anino niya ay hindi namin makita. Malamig na rin ang hangin sa paligid, buti na nga lang at hindi nakalimutan magdala ni Jessie ng jacket kaya may naisuot ako pero si Iza ay wala, kaya naman halos nanginginig na ito sa lamig.

     "Sasama ako kay Mike, maghihiwalay na kami para mas mapabilis ang paghahanap kay Luna." Halata sa boses ni Mike ang pagod.

     "Mark, ikaw na ang sumama kila Blaire pauwi sa bahay tutal alam kong pagod ka na. Sasama muna ako saglit kila Mike sa paghahanap kay Luna." Segunda pa ni Jessie sa dalawa.

     "Jessie!" Pagtawag ko sa kaniya. "Di'ba ang usapan natin ay walang maghihiwalay. Hindi pwede. Mapanganib sa paligid. Walang bubukod sama-sama tayong maghahanap kay Luna." Pagtutol ko sa plano nila at akma na sanang magpapatuloy sa paghahanap kay Luna nang bigla akong hinawakan ni Jessie at ipinaharap sa kaniya para kausapin.

     "Alam ko na natatakot ka at ako rin. Pero mas delikado kung andito kayo sa labas. Malamig na rin at nanginginig na si Iza. Alam kong pagod ka na rin kaya magpahinga na muna kayo sa bahay. Susunod kami promise. Babalik kami." Paninigurado na sabi sa akin ni Jessie.

     "Pero... " Tututol pa sana ako pero pinutol na agad ni Jessie ang sasabihin ko.

     "Pangako magiging ligtas ako. Babalik ako sa iyo. Masaya ako sa nagiging takbo ng pagiging magkaibigan nating dalawa at pangako kapag nakaalis tayo sa lugar na ito ay may sasabihin ako sa iyo. Ayoko lang gawin iyon ngayon dahil hindi ito ang tamang oras at panahon para doon. Sa ngayon, sisiguraduhin kong magiging ligtas ako palagi at ipangako mo rin na magiging ligtas ka para makalabas tayo sa lugar na ito." Mahabang litanya niya at pagkatapos ay hinalikan niya ako sa noo.

     Para naman akong nanigas sa kinatatayuan ko pagkatapos noon. Hindi na ako nakapagsalita nang makita ko na naghiwa-hiwalay na sila Jessie, Max at Mike para hanapin si Luna.

     Maya-maya rin naman ay inakay na ako ni Iza pabalik sa bahay nila Luna.

     Lumipas ang mahabang oras ay hindi pa rin bumabalik yung tatlo at nagsisimula na nga akong mag-alala.

     Paano kung isa na sa kanila ang bagong biktima? O baka naman silang tatlo na.

     "Sundan na kaya natin sila." Aya ko kila Iza na kagaya ko ay nakaupo sa sofa at bakas na rin sa kanilang mukha ang pag-aalala sa mga kaibigan namin. "Tutal maliwanag na rin naman. Siguro naman ay ligtas na tayo kung lalabas man tayo." Dugtong ko pa.

     "Saan naman natin sila hahanapin Blaire? Baka mamaya maligaw pa tayo, dagdag alalalahanin lang tayo ng mga iyon." Masungit na sagot ni Iza.

     Hindi na ako nakasagot sa kaniya kasi may point naman siya. Wala kaming ibang magagawa ngayon kundi umasa at mag-intay na babalik ang mga kasamahan namin kasama ni Luna.

     Maya-maya lang ay sabay kaming napatayo ni Iza ng marinig namin na may nagbubukas ng pinto mula sa labas.

     Agad naman namin silang pinagbuksan at tumambad sa amin ang mga mukha ng pagod na sila Mike at Jessie. Walang Luna at.. Teka si Max, nasaan si Max?

     "Nakita n'yo ba si Luna? Nasan na si Max? Di ba kasama n'yo s'yang naghahanap?" Sunod sunod na tanong ni Iza na naunahan akong isatinig lahat ng mga katanungan sa aking isip.

     Kibit balikat kaming sinagot ng dalawa at tanging malalim na buntong hininga lamang ang narinig namin.

     Imposible...

     "Guys!" Rinig naming sigaw ni Max sa di kalayuan.

     "Max!" Sabay naming sigaw ni Iza at pagkatapos ay patakbong lumapit kay Max.

     Pagkalapit na pagkalapit namin ay agad siyang hinampas ni Iza at tinanong kung saan ba ito nanggaling. Bakas sa mga mukha nito ang pag-aalala sa pag-aakalang isa na rin si Max sa mga naging biktima ng kung sino man ang kalaban namin ngayon.

     "M-mamaya na ako magke-kwento." Hingal na hingal nitong sabi sa amin. "Sumunod kayo sa akin. Si L-Luna." Dugtong pa niya habang sinusubukan kaming hilahin sa dereksyon na pinanggalingan niya.

     "Anong nangyari kay Luna?" Takang tanong ko pero sumunod na rin naman agad ako sa kaniya. Kita ko rin na sumunod agad sa amin sila Jessie.

     Maya-maya rin naman ay nakarating kami sa ilog di kalayuan sa tulay na nasira ng bagyo. Hindi ko alam kung bakit dito kami dinala ni Max pero nang unti-unti kaming makalapit sa ilog ay nakita ko ang isang pamilyar na katawan na nakahiga sa dalampasigan.

     Hindi... Hindi maaari...

     Nagtatakbo si Mark na lumapit sa katawan ni Luna at pagkatapos ay niyakap niya ito habang patuloy na humihingi ng tawad.

     Siguradong napaka sakit ng nararamdaman n'ya ngayon dahil sa dalawang magkasunod na araw ay nawala ang dalawang babae na pinakamamahal niya.

     Ang nakapagtataka lang ay may bahid ng dugo sa ibabang bahagi ng katawan niya. Saan ito nanggaling gayong parang ang dahilan ng pagkakamatay ni Luna ay lunod dahil sa itim na katawan nito lalo na ang mga bibig nitong bahagya pang nakanganga at mulat na pulang pula na mga mata.

     "Patawad Luna, patawad sa mga nasabi ko kahapon. Patawarin n'yo ako!" Tuloy tuloy na paghihingi ng tawad ni Mark habang yakap yakap ang malamig na katawan ni Luna.

12 days before ChristmasWhere stories live. Discover now