New Student!

7 2 0
                                    


"Aki! Bumangon ka na diyan! 5:30 na ang mga kapatid mo nakaligo't nakakain na! Ikaw nakahiga ka pa rin diyan!" Sermon ni Mama sa akin.

After 2 years of pandemic pwede na ulit ngayon lumabas at pumasok sa school. To be honest, I'm nervous. New environment and new people. In short, mag-adjust na naman ako.

"Tutulala ka pa riyan! Bilisan mo na parating na ang papa mo. Alam mo naman iyon ayaw ng naghihintay!" Sermon ulit ni mama.

"Ma, ang sarap ng almusal ko. PRINITONG SERMON." Pabiro kong sabi habang kinukuha yung towel sa likod ng pintuan ko.

"Ay aba't kung hindi ka pa kumilos diyan matitikman mo talaga itong MAINIT NA SANDOK KO!" Sigaw ni Mama galing sa kusina. 

Tawa-tawa akong pumasok sa banyo. Napabuntong-hininga ako bago bumuhos ng tubig sa aking katawan. Hindi ko talaga maiwasang isipin na, "Paano kung bullies din mga new classmates ko?" "Paano kung they expecting na I'm also smart like them?"

Galing kasi akong Santa Cecilia National High School. And then, I passed the interview here at Saint Raphael Science High School. When I say Science High School, you know what I mean. The literally home of smart person!

E paano naman akong smart simcard lang ang meron?!

"Ate, please hurry up andito na si daddy!" Katok ng kapatid kong si Ali.

"Oo, wait! Ito na!" Sigaw ko habang nag-sisipilyo.

Buti nalang talaga nag half bath na ako kagabi kaya no need to body scrub & such. Tamang shampoo & conditioner and body wash nalang. 

Pag kalabas ko galing banyo nakita ko si Daddy paakyat ng hagdan at naka kunot noo.

"Late na kayo bilisan mo na. Kanina pa." Masungit na sabi ni Daddy.

Agad akong tumakbo sa kwarto ko at nag-bihis. Sa school nalang ako kakain. Oo tama sa school na. Based on my class schedule I have break time on morning before lunch break.

"Oh, ate baka abutin ka na naman ng siyam-siyan diyan. Buti nalang kagabi inayos mo na school bag mo." Sabi ng bunso kong kapatid na si Aiden.

"Huwag kang maingay! Kapag ako nabadtrip sayo, baka madamay makeup ko." Seryoso kong sabi habang nag-curl ng eyelashes ko.

"And I'm done!" Sigaw ko. Simple look lang tayo today. Agad ko namang kinuha mga gamit ko at bumaba na sa sala.

Naabutan ko si Mama na nanonood ng balita na agad napalingon sa akin. "Bilisan mo na ikaw nalang hinihintay." Sabi ni mama sabay abot sa akin ng pera.  "Ma, ang oa! Nasa taas pa si Ayi inaayos bag niya." Sabi ko kumunot naman noo ni Mama.

"Ayi! Aalis na kayo, Ikaw talaga sabi ko kagabi ayusin niyo na bag niyo diba!" Sigaw ni Mama.
"Eto na, Ma! May hinanap lang po ako!" Sagot ni Ayi.

"Huwag ka nalang maingay sa Papa mo. Mag-ingat ka!" Sabi ni mama sabay yakap sa akin. "Thank you, Ma! Bye!" Paalam ko sabay takbo na papuntang sasakyan.

Napatingin naman ako sa taas na pasikat palang ang araw. Napapikit naman ako at humiling "Please, Monday be good to me!"  Sabay mulat. 

Sumakay na ako sa sasakyan at nakita ko kung paano umismid si Daddy sa akin. Natawa naman ako. "Pa, hindi pa kami late kumalma ka diyan. Mag 6'o clock palang." Sabi ko kay Daddy. 

"Ipapaalala ko lang 6:30 flag ceremony niyo." Masungit na sagot ni Daddy. "Dad, Tuesday na ngayon. Remember?" Sagot ni Ali.
"Tuesday na pala? Bakit tuesday pasok niyo? Wala ba kayong pasok ng monday?" Takang tanong ni Daddy.

"Malalaman natin mamaya, Dad! Chi-chikahin ko yung guard." Sagot naman ni Ali. "Mimosa ka talaga!" Pang-aasar ko. Tinarayan niya naman ako.

Pagkasakay ni Ayi umalis na rin kami agad. 30 mins ang layo ng school namin sa bahay. Kaya kailangan talaga namin bumangon ng maaga pero weren't morning persons.

Unsaid Feelings!Where stories live. Discover now