Worried

1 0 0
                                    


After a week, nabago na nga ang seating arrangement. Malayo na ako kila Daisy and Reyn.

My new seatmates are so kind and they're fun to be with. Nasa 2nd to the last row kami. Bale sa isang row may 4 students na nakaupo.

Si Andrei yung nasa dulong kaliwa, sunod ako, sunod si Daphney at ang huli ay si Khairron.
ang nasa likuran naman namin ay si Jane, Angelou at Ivory.

Daphney and I were friends already. To the point na we're helping each other out! Same goes to Andrei, he told me everything about himself din like literally whole story about him.

Khairron naman is a funny guy he's the one who always makes fun of Ms. Malou. Pinagtritripan niya talaga lagi. Most specially, Daphne!

And right now, walang subject teacher na pumasok before break time. Here we are waiting na mag break time para bumaba sa canteen.

"Aki, I'm tired. I'm hungry. I want coffee." Sabi ni Daphne habang nakasandal sa akin. "Coffee? Pickup?" Tanong ko sa kaniya.

Umalis siya sa pagkakasandal sa akin at sabay tumango at ngumiti na parang bata.

"Sige, 1 Iced Caramel up size sweetened!" Sabi ko sa kaniya. Nag-order naman agad siya na ikinatawa ko. Coffee now, palpitate later!

"Huwag ka nalang maingay kay Daryl. Baka magalit yun!" Sabi ko sa kaniya. "You ha! Daryl is your boyfriend ha! Yiee!" Sabi ni Daphne na ikinagulat ko.

Kasi literal na nilakasan niya boses niya! Yung mga kaklase namin na nasa harapan namin e nagsi-tinginan sa amin.

Agad naman akong umiling at pinanlakihan ko siya ng mata.

"HOY! Issue ka! Hindi kami magjowa uy!" Pagtatanggi ko. Ito namang si Daphne tawang tawa kasi yung iba naming kaklase na feeling ko may gusto kay Daryl e ang sama ng tingin sa akin.

"Ena mo ka, Daphne! Bawiin mo yun!" Sigaw ko na pabulong sa kaniya. "Bakit? Wala namang mali sa sinabi ko a! Single ka, Single si Daryl. Wala naman siyang jowa! Tsyaka as if namang may rights yung mga nagkakagusto sa kaniya dzuh!" Pagtataray ni Daphne.

Napasapo nalang ako sa mukha. Pare-parehas sila nila Reyn umay!

"Diba, Reyn?! Si Aki and Daryl? HIHIH!" Tawag ni Daphne kay Reyn na papunta na pala sa amin.

"Ay oo be! Hay nako, halos hindi na mapaghiwalay iyang dalawang iyan!" Pag sangayon ni Reyn. "At nagtawag pa nga ng kakampi! Daryl already likes someone na so stop shipping me with him." Sabi ko sa kanila.

Nagkatinginan naman si Reyn at Daphne bago lumingon sa akin. Tinaasan ko naman sila ng kilay.

"Oh bakit? Gulat kayo 'no? HAHAHAHAHA dzuh!? Ako lang ba pwede magka-crush sa aming dalawa? May nararamdaman din naman yun kahit na mukhang manhid." Sabi ko sabay subo ng binaon kong vegetable salad.

"Alam mo na kung sino crush niya?" Tanong ni Reyn. Umupo pa siya sa upuan ni Miggy which is sa tapat ko. "Ano naman naging reaction mo?" Tanong naman mo Daphne.

"Wait lang 'te! Isa-Isa lang jusko! Kaklase niya yung crush niya. Siyempre, I'm happy for him! Hindi lang ako ang magkwekwento about my crush kasi magkwekwento na rin siya sa akin!" Sabi ko sabay subo ulit ng vegetable salad.

"Ay, akala ko..." Sabi ni Reyn tapos umalis siya sa harap ko at tumabi kay Daphne. "Eh?! All this time, akala niyo ako gusto ni Daryl?!" Gulat kong tanong sa kanila.

Tinawanan ko naman sila dahil hindi sila umimik at inismiran lang ako.

"Pero you told me na last school year online class, you liked him." Sabi ni Daphne. Bigla naman lumingon si Reyn at Daisy sa gawi ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Mar 16 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Unsaid Feelings!Where stories live. Discover now