"Nakita ko yun, kalma." Bungad sa akin ni Daryl pagkalapit ko sa kaniya. "Eme mo! Hindi ako galit. Na weirdiuhan lang ako!" Sabi ko sa kaniya na ikinatawa niya naman.
"Nasaan na pala sila Kevin?" Tanong ko sa kaniya. Dire-diretso lang kasi kami pababa sa canteen akala mo walang ibang kaibigan e.
"Nandoon na sa bench tayo nalang hinihintay." Sabi niya sabay salo nung muntikan ko ng mahulog na wallet. "Shit! Sila Daisy at Reyn, wait!" Bigla kong sigaw na ikinagulat naman niya.
Paakyat na ulit sana ako ng bigla niya akong pinigilan umakyat. Inis ko siyang nilingon. "Nasa cr pa yung mga yun! Hindi nag breakfast si Reyn. Kailangan niyang uminom ng meds niya!" Inis kong sabi sa kaniya.
"Aki, You don't need to shout. Nasa baba na sila. Hindi ko pala nasabi agad sayo,I'm sorry." Kalmadong sabi niya. Kahit kailan talaga napaka kalmado. "Oh, I'm sorry din nasigawan kita." Sabi ko sabay hawak na sa braso niya.
Binitawan ko rin naman agad kasi baka mareport kami sa guidance ng PDA.
"Finally, the lovebirds are here!" Sigaw ni Kevin. Agad naman lumingon sa amin yung kalapit na bench dahil sa sigaw ni Kevin. Napansin ko rin yung babaeng isa e nakatitig sa amin ni Daryl ng matagal. Ate hindi kami magjowa iyo na itong si Daryl ><
"Lovebirds amp! Hoy, Daisy at Reyn! Hindi niyo man lang ako hinintay?! Akala ko nasa cr pa rin kayo." Inis kong bulyaw kila Daisy na nagtatago sa likod ni Kristen at Jerome.
"Nagalala iyan sayo Reyn. Nasigawan pa ako sa hagdan." Sabi ni Daryl habang inaayos yung baon niyang sandwiches & juice.
"Ano ba yan! Bakit ang kalmado mo pa rin bro? Kung ako iyan siguro LQ na kami ni Aki!" Pang-aasar ni Kevin.
"EH?! Ano ba! Daryl & I are just—" "Here! Eat it, my mom prepared it for us." Bigla niya akong sinubuan nung sandwich habang nakikipagtalo kay Kevin. Tiningnan ko naman siya ng masama.
"KAYA ANG DAMING NAGAGALIT SA AKING FANGIRLS MO E! nasasabihan ako na maharot kasi pinopormahan ko na yung crush ko tapos ikaw naman itong nag-act as my jowa!" Inis kong sabi kay Daryl na ikinatawa nilang lahat.
"Ayaw mo nun! HAHAHAHA napupunan ni Daryl yung dapat na pinaparamdam ng crush mo sa'yo?" Pang-aasar din ni Kristen. "Tsyaka honestly speaking, mas gwapo si Daryl sa crush mo ngayon." Pangdadagdag ni Jerome.
"Daryl is just one of my closest friend. Nothing more, nothing less! You know me naman, I love moreno guys so much!" Seryoso kong sabi sabay subo nung sandwich ni Daryl.
Pansin ko rin na kanina pa tahimik si Daryl. Nakikinig lang siya sa mga sinasabi namin akala mo'y hindi siya involve sa situation na ito.
"Oh siya! Mag book na ako flight to Palawan. Magpapa-tanned skin ka, Daryl ha! Remember, Aki loves moreno guys!" Sabi ni Kevin. Sinapo niya naman buong mukha ni Daryl at inayos yung buhok. Inirapan ko naman sila at inubos na ang sandwich na ibinigay ni Daryl.
Para silang tanga sa totoo lang. Yung Dumb & Dumber na movie ganun.
"Kanina ko pa napapansin si ate girl sa kabilang bench. Kung nakakamatay lang ang titig, kanina pa nategi si Aki." Pabulong na sabi ni Reyn.
To be honest, kanina ko pa siya napapansin. I think she's one of the admirers of Daryl. But, I want to tell her na I'm not Daryl's girlfriend. Kaso, bakit ako mag eexplain sa kaniya? E she's not even Daryl's girlfriend.
Kahit naman na may girlfriend si Daryl hindi ako clingy sa kaniya.
"Aki! Bakit mo tinititigan!" Sabi ni Daisy. Natataranta na siya. "Ay! HAHAHAHAHA tara na let's go na! Baka mamaya sugurin ako sabihing LUMAYO KA KAY DARYL! HINDI KAYO BAGAY!" Pagbibiro ko. Natawa naman sila sa sinabi ko maski ako.
Nauunang maglakad sila Kevin at nasa huli naman kami ni Daryl. Kanina pa walang imik itong si Daryl. Nakain niya ata pati dila niya kanina nakalimutan niya agd magsalita.
"Pst! Hoy, okay ka lang ba?" Tanong ko sa kaniya. Gulat siyang napatingin sa akin. "Lalim ng iniisip mo ah! Share mo naman! You know sharing is caring~" Sabi ko sabay inakbayan siya.
Hindi niya na naman ako inimikan o kinibo. Tinawanan niya lang ako at inalis ang akbay ko sa kaniya. Kinuha niya naman yung bitbit kong tumblr at wallet at dire-diretso siyang umakyat sa hagdan.
"Weird. He's kinda weird today." Bulong ko sa sarili ko bago sumunod na sa kaniya sa hagdan.
Tahimik lang kaming paakyat ng hagdan and it seems like Kevin and sila Daisy ay nasa kani-kanilang room na.
Literal na ang bagal namin umakyat! Sumasakit na tuhod ko kasi tangena 4th floor pa room namin! And literally na nasa 3rd floor naman na kami pero bibigaybna tuhod ko.
Hinampas ko naman ng malakas sa brasovsi Daryl na ikinagulat niya. "Bilisan na natin please ang sakit na ng tuhod ko ena mo ka!" Inis na sabi ko sa kaniya. Tumawa naman siya ng mahina. Nagawa niya pang tumawa?!?!
"Oh, gamit mo. Message mo ko kapag baba ka na for lunch." Sabi niya aalis na dapat siya pero pinigilan ko kaagad. "Usap tayo mamaya. It seems like something bothering you." Sabi ko sabay ngiti. Tumango naman siya and he pats my head before going to his room.
"Excuse me." Sabi nung lalake sa likuran ko. "Oh sorry!" Sabi ko sabay tabi sa may pintuan. He's the guy who smirked at me earlier.
"First day of classes..." Rinig kong bulong niya habang papasok sa loob ng classroom.
"Weirdo." Sabi ko sabay iling.
YOU ARE READING
Unsaid Feelings!
Teen Fiction"Just for once, I wanted be someone's first choice." - Aki.