26: Harriet Denise Santibañez

1K 25 5
                                        

" disobey "

Cardiac arrest. That was Sevi's father cause of death.

Hindi nito matanggap ang malalang pagkasunog ng kanilang warehouse. Kaninang madaling araw daw nagsimula yung sunog.

Sinasabing nag-umpisa ito sa hindi na unplug na appliances. May mga kargador kasing natutulog dun sa warehouse nila.

Wala namang nasawi. Pero dahil sobrang laki na ng apoy nang dumating ang mga bombero kaya halos maabo na ito ngayon.

Yun talaga ang main source ng kabuhayan ng pamilya nila Sevi. Kaya naman nang mawala yung warehouse, sobrang nalugmok talaga si kapitan Cardo. Nitong tanghali lang inataki at dead on arrival na agad nang isugod ng hospital.

Nasa punerarya kami ngayon ni Sevi. Deciding of what casket his father should used in his wake.

Maghahating gabi na at kahit kararating lang namin at sobrang pagod pa sa byahe pero nang makita ko ang kalagayan ng pamilya ni Sevi, parang nakalimutan ko nalang ang pagod.

Sobrang nakakaawa si inay pati na'rin yung nag-iisang kapatid na babae ni Sevi..si Rina.

" Sir..yan na po yung kabaong na pasok sa inavail na life insurance ng tatay niyo." Napatingin kami ni Sevi sa ataol.

Nakita ko kung paano nawala yung buhay sa mga mata ni Sevi nang mapatingin sa tinutukoy ng manager ng punerarya.

Alam kong hindi madali sa kanya ito. But as the only person in the family who should take good care of this, I know this is not so easy for him to do.

Napahawak ako sa kamay niya. Giving him courage to still carry on despite how difficult this situation for him.

Hinawakan din niya ng mahigpit yung kamay ko. He is still not talking.

Hindi rin ako nagsalita. I know no matter how comforting words I would say now, but still it has no effect. I know how hard it is for him to accept what happen.

Saktong madaling araw mga ala-singko 'y medya siguro, dumating yung funeral services sa bahay nila Sevi.

Gusto kong malugmok habang nakita kung paano naglupasay sa iyak ang buong mag-anak nang tunghayan sa kanyang kabaong si kapitan.

Ang sakit makita na nasasaktan sila ng ganito katindi.

Kahit sa maliit na panahong namalagi ako sa kanila pero ni minsan hindi sila naging masama sa pakikitungo sa'kin.

Kahit ayaw pa ni Sevi sa'kin nung umpisa pero ni hindi nila pinaramdam sa'kin na hindi ako welcome sa kanilang pamilya. Lalo na si kapitan Cardo. Sobrang bait niya at ang dami niyang natulungang mga tao.

No wonder bakit siya ang piniling kapitan sa kanilang brgy. kasi bukal sa kanyang puso ang tumulong sa kapwa.

Pinahid ko ang mga luha at yumakap na'rin sa kanila.

Rina is just 16 years old. I know how hard it is for her to accept everything.

Sevi is holding his mother tight. Fearing she will collapse as she wail louder among the family.

Ilang sandali pa nang huminahon na ang lahat saka na'rin nagsimulang dumating ang ilang nakikiramay.

I was busy the whole day trying to face those who came in the wake. Tulala lang kasi si inay at Rina habang hindi umaalis sa pagtingin sa ataol ni kapitan.

Si Sevi naman ay tinutulungan ako pero makikita mo talaga sa kanya na parang wala siya sa sarili. Tahimik lang siya pero minsan kapag nakatalikod na sa lahat, dun ko palang nakikita siyang umiiyak.

NEVER BROKE ME AGAIN (Broken Vow Trilogy:2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon