Chapter 3

5.4K 99 0
                                        

napuyat ako kakagawa ng sketch sa dress ko.

kasi naman kailangan mapakita yung sketches sa mga kagrupo ko ngayon.

nauna akong makarating sa room namin, at hinihintay si prey at marvin,

nakita ko na si prey, wala pa si marvin ano bang bago dun.

tinignan ko yung sketch ni prey. napanga nga ako at naamaze nanaman ako sa talent ng bestfriend ko.

balloon gown. tube yung pang taas na parang corset tapos may swirls na dark pink. baby pink kase main color. tapos yung pinakabaloon ng gown kailangan pag ginawa mukhang cotton candy so dapat malambot talaga. tapos yung hairdress kailangan nakapusod yung model at yung nakatali sa buhok niya cotton candy din.

sa lalake white tuxedo. at pink pangloob, magdadala ng cotton candy ang lalake na parang nagdadate sila.

"ang gandaaaa. gusto ko tuloy bigla ng cotton candy." sabi ko,

"talaga? o patingin na ng sayo." -prey

pinakita ko na yung gawa ko.

dress na hanggang hita. white yun, tapos may swirls na red. hindi swirls na pabilog talaga, kumakalat yun sa dress sa ibat ibang direksyon. medyo palobo yung design. tube din ito. tapos bukod sa red swirls may swirls din na crystals.

may ribbon na pink dapat ang model sa leeg at boots na pink na hanggang hita at may ribbon ito sa taas. nakatali dapat sa gilid yung buhok ng model at nakaribbon din na pink. simple, pero alam kagad ng audience kung anong candy tinutukoy ko. sa lalake naman white na pants tapos red longsleeve may pink ito na bow tie at may bulsa kung saan nakalagay ang lollipop.

"cuuute! sana ako nalang yung model lei" -prey

"oy dito na ko! tignan nyo design ko!" sigaw ni marvin. ingay talaga.

tinignan ko gawa ni marvin. bubble gum ang ginawa ng loko.  

neon pink na mini skirt na paballoon tapos parang nakapajumper. tapos tube na labas ang tyan tapos may hat yung girl na white na may design na neon pink. sa lalake naman jumper pants na blue green tapos long sleeve na white tapos bow tie na blue green may hat din na white at blue green yung line na design. mukhang nerd pero cute. parang pang bata, kailangan talaga namin ng maayos na model kung ito ipapasuot namin. simple pero sure akong bebenta.

nga pala, after the pageant, may bidding ang mga damit. pataasan ng bid, at kung sino ang may pinakamataas na bid, sakanila mapupunta yung mga damit, and we can keep the money.

"ayos! ready na pala tayo eh, tara kuha materials!" -ako

nagpunta na kami ng BDS (blanche designers store) nandito lahat ng tela. ewan ko nga bat store ang tawag eh libre naman dito. kasama daw kasi sa tuiton.

kumuha kami ng fury pink para kay prey. dark pink na silk na din. kumuha na ng neon pink si marvin, at kinuha ko na din lahat ng kailangan ko.

kumpleto kami sa materials, pero di namin masisimulan to, hanggat wala kaming nakukuhang model.

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon