Chapter 2

5.7K 107 0
                                        

hindi na muna namin inisip yung model, inisip muna namin ano ipapasuot namin sa models. since tatlong damit kailangan gawin, ibig sabihin anim,

kase may kapartner,

napagusapan namin nila prey na tig dadalawa kami.

isang casual, isang dress and isang gown.

si marvin sa casual, ako sa dress and prey on the gown.

so eto, nasa candy shop ako, kumukuha ng ideas. plano ni prey cotton candy. si marvin di pa din alam, pero di sumama saken. tss -.-

nilabas ko na sketch pad ko at umikot sa shop. close ko talaga may ari ng shop na to, bestfriend kasi sila ni nanay, kaya sabi niya i can take whatever i want.

self service dito at free taste.

dumaan muna ako sa gums. hmmm, bagay yun sa casual ah?

daan sa candies. colorful? maganda kaya kung makulay yung dress?

pag punta ko sa lollipops may isang lalake dun na naglalagay ng madami sa basket. grabe naman to -.- di kaya masira ngipin neto?

"um hi miss? pwede magtanong?" sabi niya. 

"ano yun?" -ako

"sa tingin mo anong mas maganda dito sa dalawa?" -siya

tapos nagpakita siya ng 2 lollipops. yung isa, swirls na rainbow tas rainbow ribbon sa stick yung isa naman red and white swirls na may pink ribbon.

"etong rainbow kasi parang O.A masakit sa mata etong isa simple pero mukhang masarap." - ako

pa neon kasi yung pagkarainbow nung isa.

"hmm you're right. thanks miss." -siya

nagtataka ako kung bakit kailangan niya pang itanong kung anong mas maganda eh parehas naman ng lasa yun.

umalis na siya. grabe, mga sampu ata kinuha niya.

tinignan ko ulit yung red and white swirls.

napangiti ako at kumuha ng marami nun, may naisip na kong idea para sa dress na gagawin namin.

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon