Chapter 7

4.9K 103 2
                                    

makalipas ang isang linggo, di na kami nagkikita ni kyle, bukod kasi sa busy kami sa pag gawa ng mga damit, eh walang dahilan para magkita pa kami dahil alam na namin sukat niya. hindi ko rin naman siya tinetext, di naman ganun kakapal mukha ko.  tska anong sasabihin ko?

tapos na ni marvin yung sakanya. pano naman, ang dali dali ng sakanya.

ako, patapos palang. mag isa ako dito sa kwarto ni prey. kumuha pa sila ng iba pang tela.

grabe. napapagod na ko.

"hey."

nagulat ako. takteng yan ang tahitahimik tas biglang may magsasalita.

"kyle?" sabi ko nung makita siya sa pintuan

grabe.. ang gwapo talaga ng model namin, bakit ba ganto?bumibilis nanaman tibok ng puso ko.

"hi! pinapunta ako ni prey eh, ummm. isusukat na daw yung damit?" sabi ni kyle

putek. oo nga pala.

"sige kyle pakisuot nalang yung tux na gawa ni prey. dun oh. " sabay turo kung nasaan yung tuxedo na natapos na ni prey.

lumapit naman siya dun at kinuha ang tux.

kunware busy ako. psh. busy akooo.  

namula ako nung narealize kong nagpapalit na si kyle sa cr. at medyo nakabukas yung pinto.

o tuksooo layuan mo akooo.

pero medyo sumisilip naman ako.

nakatakip naman isa kong mata eh!  

silip lang talaga.

BAKIT BA KO GANTO BAKIT KO SIYA SINISILIPAN HINDI AKO NORMAL !

KABABAE KONG TAO !

NAKAKAINIS ! 

i mentally slapped my face.

bumalik nalang ako sa ginagawa ko ng nakasimangot at nagimagine ng kung ano ano, feeling ko mapula pa sa pakwan ang mukha ko. ang abnormal ko lang.

"denise." narinig kong sabi ni kyle

pag harap ko,

ngumanga ako pero sinara din agad bibig ko.

ang pogi niya.

dear god kala ko ba nobody's perfect?? bakit mo siya nilikhaaaa.

kahit pink yung suot niya.  hot padin. bakit ang pogi ng mga lalaking nakaformal?

huminga akong malalim and wear my poker face. oo, sinusuot yun. walang pakielamanan story ko to.

"ayos na ba yung sukat?" patay malisya kong tanong.

"umm. denise, ang sikip kasi nung tie." parang nahihirapan na sagot ni kyle

natawa ako. mali kasi pagka tie niya.

lumapit ako at inayos yung tie niya.

nagulat ako ng hinawi niya papunta sa likod ng tenga ko buhok ko.

nanglaki mata ko and knowing myself, alam kong nagblublush na talaga ako,kasabay pa ng puso kong nagwawala

"haha you're cute when you're blushing." nakangiti niyang sabi

ang bilis ng tibok ng puso ko. grabe.. mamamatay na ata ako.

binitawan ko yung tie at tumalikod.

inhaaaalleeeee, exhaaaalleeeee. repeat 20x

humarap na ulit ako sakanya at patay malisya nanaman ang mukha ko, 

medyo muntik na kong maginhale exhale ulit ng makita kong nakapursed ang lips niya at nagpipigil ng tawa.

"ummm. okay na, tska na yung tie. bihis ka na." sabi ko 

bumalik na ko sa ginagawa ko. ng bigla ko siyang narinig.

"hi sweety. "

kikiligin na sana ako kaya lang pag tingin ko sakanya may kausap pala siya sa phone. sweety? may gf siya?

"candies again? hmm okay. bye. loveyou too." - kyle

para akong binuhusan ng malamig na tubig. at nagising sa malamig na katotohanan. may girlfriend siya.

aray ha.

kakakilala lang namin ang sakit na..

sign to na.....

CRUSH KO SIYA!  

tama! crush ko lang siya!! *insert evil laugh here*

"hey, i have to go.. pero pwede mo ba ko samahan sa candy shop?" -kyle

ayoko! LQ tayo! chos!

since malapit lang yung candy shop sinamahan ko na siya.

"yung pagbibigyan ko netong mga candies, gusto nya magandang candy eh ewan ko ba. could you help me choose?" -kyle

ay. nakakaselos naman. pero dahil maganda ako este mabait ako, pumayag ako.

kumuha ako ng chocolates na flower and hearts, lollipops na star and hearts at madami pa.

binili lahat yun ni kyle.

"eto oh" inabutan nya ko ng paper bag na maliit. half ng mga binili namin kanina, binigay niya sakin. sisirain ko ngipin ko mamaya kakakain nito dahil pag stressed ka daw, kumain ka ng matamis.

"ah..eh.. salamat." sabi ko nalang

"no, thankyou kase sinamahan mo ko."

"you're welcome. sweet mo naman sa gf mo." para kang tanga lei! bat mo sinabi yun sa tonong nagseselos!  i mentally slapped my face again. 

teka nga, bakit ko ba palaging kinakausap sarili ko?

"ha? akala mo sa girlfriend?" natatawa niyang tanong. at sa itsura niya alam kong alam niyang yung tono ko, pang selosang girlfriend.

at ang weird ko dahil di naman niya ko girlfriend.

at crush ko lang naman siya diba?!

tinignan ko lang siya na parang wala akong pakielam kunware

"hahaha sa sister ko ito." -kyle

"wee eh yung kausap mo sa phone?"

okay. ang FC ko.

"that was my sister. hahaha" tawa siya ng tawa, babatukan ko to.

napayuko nalang ako sa hiya,

paselos selos pa kong nalalaman .

"hey." nagulat ako ng hinawakan ako ni kyle sa baba ko at tinaas ang ulo ko para makita siya.

*lub dub lub dub* (tunog yan ng puso ko walang epal)

sobrang lapit kasi niya , kayo kaya sa pwesto ko?

"nagseselos si denise?" nakangiting tanong niya.

"h-ha? b-bakit naman?" sinok mode nanaman

kapal neto.. selos daw ako. DI NAMAN DIBAA? DIBA?

"joke lang. ^___^ o ayan na bahay nila prey pasok ka na uwi na ko. salamat denise ha. ^___^" pinat niya ulo ko. at umalis na.

grabe..

ASO BA KO?! NAKAKAINIS HA!! makapat ng ulo eh! sumimangot nanaman ako at pumasok nalang kela prey, kailangan ko kasing dumaan muna dito bago umuwi dahil andito mga gamit ko.

Blanche Academy (completed) [ EDITED ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon