Dito sa Cavite, madami akong nakilala. Madami din ako naging kaibigan.
At isa na dun si Cholo ...
Magkaibigan lang kami ni Cholo. Pero para sakin, higit pa sa magkaibigan ang nararamdaman ko.
Mabait kasi si Cholo at may kagwaphan.
Sikat sya sa lugar namin dahil sa gwapo sya. Tinatawag din syang playboy at paasa.
Kasi lahat ng babaeng nagmahal sa kanya ehh pinaasa nya.
Ung mga naging girlfriend nya naman ehh pinaglaruan lang nya.
Pero sa isip ko, hindi ganun si Cholo.
Hindi nya alam na mahal ko sya. Hindi ko kasi masabi dahil baka ma-reject lng ako.
Dumating ung time na may nakilala si Cholo na babae. Taga-samin lang din. Kaya mabilis nyang nakikita at napupuntahan.
Sya si Chloe. Maganda, sexy, matalino, mabait, mayaman.
Simula nung nakilala sya ni Cholo, naging matino na sya.
Hindi na sya tumitingin sa ibang babae.
And this time, seryoso na sya kay Chloe.
Syempre masakit para sakin na magmahal si Cholo ng iba. Kasi pinapangarap ko na sana maging kami ni Cholo. Pero hindi na yata mangyayari yun.