Ilang araw din akong ndi lumabas ng bahay. Hanggang sa mapagdesisyunan ng parents ko na pumunta ng Manila. Dun daw ako mag-aaral. May nakuha kasing Scholarship si Daddy. At sakin binigay dahil ako lang ang anak nila. May bahay naman kami sa Manila kaya walang problema kung saan kami titira dun.
Yes. Only Child ako. Kaya naman spoiled na spoiled ako sa parents ko. Pero hindi naman ako humihingi ng kahit anong bagay. Kung ano ang ibigay nila saken ay ok na. Simple lang akong tao. Hindi maarte sa mga bagay bagay. Hindi din ako ung tipo ng babaeng Materialistic.
Kung ano ang meron ako masaya na ko dun.
*Paalis na kami papuntang Maynila*
Hindi pa ko nakakasakay ng kotse, biglang may tumawag sakin.
" SHANE !! SHANE !! "
Si Cholo O__O
" Oh, Cholo. Bakit ? "
" Hindi mo sinabing aalis ka na pala papuntang Maynila. "
" Wala naman akong karapatan magsabi sayo eh. Kaibigan mo lang naman ako. Kaya ndi ko na kelangan magpaalam sayo. "
" Ahh. Galit ka ba ? "
" Hindi ! "
" Sige. Ingat ka sa byahe nyo. Wag mo ko kakalimutan ha ? "
um-oo na lang ako at sumakay na ng kotse.
Halatang-halata sa muka ni Cholo na malungkot syang aalis na ko. Ako lang kasi ka-Close nya sa lugar namin sa cavite.
Pero ngayon na nakilala nya na si Chloe at ngayon sila na. Wala na syang poproblemahin.