1 Day..

150 4 0
                                    

"So ano? Ganun nalang yun??!!"

"Yup. Nakipaghiwalay siya sakin dahil kay Lexa.."

"Shar naman.. ano wala kang gagawin?"

"They seem to be happy bakit ko sisirain yun?"

"Hay.. ewan ko sainyo.. sige bes ibababa ko na to ah? Nandito na si Andre eh..later na tayo mag usap"

"Sige.. bye bes.." masakit din palang isipin na mag isa ka na naman.. sa ngayon nagmumuni-muni muna ako dito sa soccer field.. ewan parang dinala lang kasi ako dito ng paa ko..

*Jairus*

"Uy bro! Mamaya ah? Gimik tayo.."

"Sige sige hahaha"

"Uy bro, diba si Sharlene yun?"

"Ha? Saan?"

"Ayun oh sa bleachers.."

"Oo nga noh.."

"Yeah tara na.."

"Sige mauna ka na Francis may nakalimutan pa ako sa locker ko eh.."

"Ganun ba? Sige sige may date pa rin kasi kami ni Ella.."

"Sige ingat bro.."

"Ikaw rin.. geh" hinintay ko munang makaalis si Francis bago ko puntahan si Sharlene. Wala naman talaga akong naiwan sa locker eh palabas ko lang yun.. palapit na sana ako kay Sharlene nang marinig ko siyang nagsalita

"Mag isa na naman ako.. bakit ba lagi nalang akong iniiwan? Hindi ba ako worth it? Or maybe wala lang talagang nagmamahal sakin ng buong-buo? Hay! Ang gulo naman.. i wish kahit 1 day lang.. makalimutan ko si Nash.." kung alam mo lang Sharlene.. mahal na mahal kita... kahit na hindi tayo magkakilala. Lumapit ako sakanya sabay abot ng panyo alam ko naman umiyak siya eh..

*Sharlene*

Pagkatapos kong magdrama may nakita akong kamay na may hawak na panyo..

"Huh? Sino ka?"

"Tanggapin mo na.. ayokong may nakikitang babaeng umiiyak eh.."

"Ha? Ah eh thank you.." sabay tanggap ng panyo

"Tara.." sabay hawak sa kamay ko..

"Ha? What do you mean?"

"Basta sumama ka na lang sakin.."

"Bakit naman ako sasama sayo? Eh hindi nga kita kilala eh.."

"Wag kang mag alala wala naman akong gagawing masama sayo eh.. dahil ayokong masaktan ang taong mahal ko.."

"Ha?"

"Wala.. so ano sasama ka ba sakin?"

"Ah uhm.. sige" pagkatapos nun naglakad lakad kami.. medyo pagod na ako at sobrang sakit na ng paa ko..

"Pagod ka na noh? Tara dito.."

"Ha?"

"Angkas ka sa likod ko.."

"Ha? Ah hindi okay lang ako.."

"Alam kong hindi kaya tara na.. wag kang mag alala.. kapag mahulog ka sasaluhin kita.."

"Ah sige." Then umangkas na ako sa likod niya feeling ko sobrang safe ako sakanya.

"Ahm.. Hey.." sabi ko

"Yes?"

"Ah wala wala.." maya maya eh nakarating na kami somewhere here sa school na may maliit na tulay tapos may maliit na lake ba yun? Ewan

"Nandito na tayo.. halika dito.." sabay hawak ng kamay ko.. Oh My bakit nung hinawakan niya ang kamay ko nagiba ang heartbeat ko? What is it whit him?

"Now.. isigaw mo.."

"Ha? Anong-"

"Isigaw lahat ng nandyan sa puso mo.."

"Paano? Ang hirap kaya.."

"Sige ganito nalang mauuna ako then ikaw naman? Okay ba yun?"

"Hahaha sige"

"Okay game... SANA! MAHALIN DIN AKO NG TAONG MAHAL KO! KAHIT NA ISANG ARAW LANG!" bakit hindi ba siya mahal ng taong mahal niya? Eh parang mabait naman siya ah..

"Woooohh! Hahaha sige ikaw naman." Sabi niya sabay ngiti

"Okay.. NASH AGUAS! TANDAAN MO ANG ARAW NA TO! DAHIL SIMULA NGAYON?! KAKALIMUTAN NA KITA KAHIT MAHIRAP! GAGAWIN KO!" Woh! Grabe ang sarap nun ah.. hahaha

"Ayos ba?"

"Ayos na ayos.. uy palubog na pala ang araw.."

"Wow.. ang ganda.."

"Sharlene.."

"Ha? Kilala mo ako?"

"Oo naman.. may gusto sana akong aminin sayo.."

"Ah. Ano yun?"

"Mahal kita.. sana mahalin mo ako.. kahit ngayong araw lang.." then hinawakan niya ang kamay ko.. i feel so secured when he does that..

(A/N : So?????? HAHAHAH ano? Okay ba siya? Sorry kung may mga errors ah? Phone ko lang gamit ko eh. Hahaha basta keep supporting lang loveyou all!!! )

Jailene One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon