Harana

144 7 0
                                    

A/N : Ayan.. thank you po sa supporta

--------

"Mama? Bakit kumakanta yung lalaki sa harap ng maraming tao? Diba po nakakahiya yun?"

"Ah yung kanina sa park?"

"Opo.."

"Harana ang tawag dun anak.. alam mo ba dati din akong hinarana ng papa mo?"

"Talaga po?"

"Oo.. hahaha"

"Mama, gusto ko pag laki ko. Haranahin din ako ng katulad ni papa."

"Hahaha! Ikaw talaga.. 5 years old ka palang yan agad naiisip mo.. hahaha"

--------------

10 years later...

"Mama! Alis na po ako.."

"Ha? Ah osige mag ingat ka ah?"

"Opo ma.."

"Osige.." umalis na ako at nagtungo sa garahe para kunin ang kotse ko.. pagkarating ko sa School dumiretso na ako sa Garden nandun yung tropa eh.

"Oh nandito na pala si Shar eh.." sabi ni Sophia

"Bakit? Ano meron?"

"Eh kasi may narinig daw itong si Mika kahapon.."

"And???"

"May gusto daw si Aquino sayo.."

"Si Jairus? Hahaha!! Are you kidding me? Isang famous na estudyante magkakagusto sakin? Psh imposible yan.." imposible talaga! Ang hirap niyang abutin ah. Kahit na may gusto ako sakanya imposible pa rin..

"Oo nga. Narinig ko yun. Nag uusap kasi sila ng barkada niya kahapon.."

"Oh ansabe?"

"Basta yung part lang na tumapat sakin eh yung "Gusto ko si Sharlene. At papatunayan ko sakanya yun." Oh diba!"

"May girlfriend yun diba?" Tanong ko.. nakikita ko kasi sila palagi ni sino nga yun? Aliyah? Ewan!

"Meron ba? Pagkakaalam ko wala eh.."

"Wala nga.. NGSB kaya yun.. parang si Shar.."

"Hay ewan ko sainyo.. tara na nga malalate pa tayo eh.." nagtungo na kami sa klase namin. Iba iba kasi kami ng section nila Mika.. pagdating ko sa classroom lahat sila nakatingin sa White Board.. anong meron? Ah ewan.. ilalagay ko na sana yung bag ko sa upuan ko pero may White Rose na nakapatong sa armchair ko.. saan kaya galing to? Ang ganda

"Sharlene! Tignan mo oh!" Sabay turo ng kaklase ko napalapit naman ako sa White Board.. may nakasulat..

"Hi Sharlene, mamayang Lunch. Sa Basketball Court."

- Unknown -

Ha sino naman kaya yun? Tsaka pupunta ba ako? Ah bahala na! Lumipas ang ilang oras lunch na din sa wakas! Hahah

"Shar! Shar!" Sigaw nila Mika at Sophia

"Oh? Bakit ba kayo nasigaw?"

"Tara sa Basketball Court dali!"

"Ha? Uy teka lang naman nagmamadali?" Pagdating namin yun napagitna ako sa mga estudyante.. hala? Anong nangyayare? Hanggang sa nagsilabas na yung mga Basketball Varsity. Then nilabas ng bawat isa sa kanila yung Lobo.. C-A-N-I-C-O-U-R-T-Y-O-U "Can i Court you?" Sino naman to? Bigla nalang lumabas yung lalaking naka mask na may dalang Gitara then kumanta na siya..

----
Ordinary Song by Marc
Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you

I may not have much to show
No diamonds a glow
No limousines
To take you where you go

But if you ever find yourself
Tired of all the games you play
When the world seems so unfair
You can count on me to stay
Just take sometime to lend an ear
To this ordinary song

Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you

I don't even have the looks
To make you glance my way
The clothes I wear
May just seem so absurd

But deep inside of me is you
You give life to what I do
All those years may see you thru
Still I'll be waiting here for you
If you have time
Pls lend an ear to this ordinary song

Just an ordinary song
To a special girl like you
From a simple guy
Who's so in love with you...

----

Pagkatapos niyang kumanta lumapit siya sakin.. Hinarana niya ako.. HINARANA NIYA AKO!!!! tapos tinanggal niya yung mask... nagsigawan naman ang mga estudyante.. ako naman napatakip sa mukha.. syet! Bakit??!!! Bakit siya??!!! Feel ko namumula na ako sobra!

"Uy.. "

"Oh??"

"Bakit ka nakatakip sa mukha mo?"

"Ehh! Nakakahiya eh!"

"Hala?! Mas nakakahiya kaya tong ginagawa ko.. pero para sayo hindi ako mahihiya.. ipagmamalaki pa kita.." tapos ngumiti siya... WAAAHHH!! LECHE! DUN AKO KINIKILIG EH! SA MGA NGITI NIYA.

"Yiiieeee!! Hahaha" sigaw ng mga estudyante..

"So.. Ms. San Pedro? Ano ang sagot mo dun sa tanong ko?"

"Tanong?" Anong tanong? Lol. Bigla siyang lumuhod.

"Hala.. hoy! Tumayo ka nga dyan! Hala siya tayo ka! Ano ba yang ginagawa mo??!!"

"Sharlene first year palang tayo sobrang attracted na ako sayo. Lalo na nung naglaro kayo ng Volleyball. At nung Mini Concert last year kumanta ka? Grabe kinikilig ako nun. Ayaw ko na nang patagalin pa ang lahat dahil baka may unagaw pa sayo..Now, Ms. Sharlene San Pedro.. Can i Court you??" Napa tahimik ang lahat ng tao pati ako.. papayag ba ako? O hindi? Oo? Waah!! Peer pressure!!! Okay sige sure na ako sa sagot ko..

"Nung Intrams nagbabasketball ka. Last 5 seconds yun sa last quarter. Nag shoot ka ng 3 points na ikinapanalo ng school natin. Tumingin ka nun sa direction ko pero di ko nalang pinansin dahil baka mag assume lang ako. Jairus may gusto ako sayo 1st day of school palang.. kaya Yes. Yes I'm allowing you to court me" Kasabay ng pagyes ko ang pagsigawan ng lahat ng tao

"Talaga??!! Yes!!! Yes!! I swear Sharlene hindi ka madidisappoint sa desisyon mo!"

"Oo na.. hahaha may nalalaman ka pang Harana ah.."

"Nabalitaan ko kasi na gusto mong haranahin ka and so i did it."

"Thank you.." sabay hug sakanya..

"Your welcome..Gusto mo haranahin pa kita araw-araw eh. "

"Sige ba! Hahah"

Harana -

A/N : Lame ba? Sorry na! Bawi ako next time ✌

Jailene One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon