Last Dance

164 7 0
                                    

"Mahal kita Sharlene.. mahal kita kahit na sino ka pa.. at mamahalin kita palagi.."

"Sharlene!!! Gising na!! Malalate ka na naman sige ka!!" Sigaw ni Ate. Kahit kelan talaga panira yun!

"Oo pababa na!!!" Sigaw ko pabalik.. naligo na ako at nag ayos tapos bumaba na ako..

"Ano ba yan Shar. Ang bagal mo naman.. kain na dito.."

"Ate Miles naman eh! Nanaginip ako eh! Nandun na ako eh!!"

"Magtigil ka na at kumain.. malalate ka pa sa practice niyo eh!"

"Che! Palibhasa ikaw wala pang lovelife!"

"Bakit ikaw meron na?"

"Soon! Hahaha"

"Tama na nga yan at kumain na.." kumain nalang

"Ate! Alis na ako ah! Pasabi kanila mommy na yung gown ko ate ah.."

"Oo ako na bahala dun! Umalis ka na!" Then naglakad na ako papuntang school.. walking distance lang naman.. pagkadating sa school dumiretso na ako sa uadi. Para sa practice namin sa prom.

"Sharleng!! Halika na dito sis dali!!"

"Bakit ba??!!!" Sigaw ko kay Mika.. makahatak wagas!!

"Wala! Hahaha! Tara na daw start na tayong mag practice.." sayaw dito. Sayaw doon. Sway. Sway. Turn to left. Turn to the right. Sway. Sway. Sway. Yun lang paulit ulit.. nakakainis! Bakit kasi hindi si Jairus ang kapartner ko! Imbes na ako kapartner niya eh yung malanding Anika pa! Grrr!

"Okay lunch break! Balik kayo ng 1pm okay? Okay." Sabi ng instructor samin

"Sis nakakainis na yang Anika na yan ah! Napapansin kong iniinggit niya talaga ako kay Jai eh!"

"Hoy teh! Kahit naman na inggitin ka nun wala ka pa ring karapatan na magalit dyan! Hindi naman kayo eh!"

"Leche! Support mo naman ako! Peste to.."

"Hahaha! Tara na nga lang sa canteen.." pagkaupo namin sa usual table namin eh may nakapatong na Lunch box sa upuan ko..

"Wow ah! May nalalaman ka nang ganyan Sharleng ah.. uy teka may nakaipit na letter!! Basahin mo dali!!!" Sabay yug-yog sakin.. tell me sino ang may gantong kaibigan.. mas excited pa sakin eh!!!

Hi there gorgeous,

Please be my last dance tomorrow. Eat this, i made it just for you. I know it's your favorite. Keep smiling

-Mr. Smiley ☺

"Waaahh!! Ayan na naman yung admirer mo ah! Eeeehh!! Bukas malalaman mo na kung sino si Mr. Smiley!"

"Che ewan ko sayo. " sabay ngiti ko ng palihim. These past few weeks kasi lagi na akong nakakatanggap ng mga ganito.. ewan! Para siyang stalker. Pero dahil sa ginagawa niya parang nahuhulog na ako sakanya kahit na hindi pwede. Malamang kasi hindi ko siya kilala.. pero kasi. Lahat ng mga sulat na natatanggap ko from him? Nafefeel ko na sobrang sincere. Waaah! Ewan! Pagkatapos naming mag practice naguwian na silang lahat ako nandito pa sa tapat ng school naghihintay ng jeep. Ayokong magpasundo nakakaabala ako eh..

"Shar? Sharlene bakit hindi ka pa umuuwi?" Tanong ni Jai. Waaahh!! Kinausap niya ako! Heaven!! Hahahahah

"H-ha? Ah naghihintay ako ng jeep."

"Bakit hindi ka nalang magpasundo?"

"Ah wala. Ayoko lang.."

"Tara hatid na kita diba medyo malapit lang yung bahay niyo. Tsaka same way naman tayo eh.."

"Eh wala ka bang sundo?"

"Wala. Pinapaayos eh. "

"Ah.. eh okay lang sayo na sabay tayo?"

"Oo naman why not?"

"Ah eh. Sige tara na ." Wew awkward.. ang tahimik namin pareho..

"Uhm Jai / Shar " sabay na sabi namin

"Ah sige ikaw na ." Sabay ulit...

"Sige ako na. " sabi ni Jai

"Sige go.. ahm kasi Shar ang totoo niyan--" naputol ang sasabihin ni Jai dahil sa isang sigaw

"Shar!! Bro!!! Hahahaha! Oh. Ah eh awkward?" Sabi ni Nash -_- kahit kelan talaga epal tong monggi na to

"Ah eh sige Shar mauna na ako.. "

"Sige. Ingat.." sabi ko nalang ng makalayo na siya binatukan ko agad si Nash

"Peste ka! Moment na namin yun eh! Epal ka talaga kahit kelan! Anong klase kang pinsan?!!!"

"Oh easy... hahaha hindi ko naman sinasadya eh! Hahaha"

"Leche!! Isusumbong kita kay Tita Neth! Sasabihin ko palagi kang umeepal sa lovelife ko!"

"Sabihin mo! Hahahah"

"Talaga! Grrr!!"

Dumating ang araw ng prom eh sobrang GGSS ako sa sarili ko. Bwahahah!! Eh kasi naman ang elegant ng gown ko! Hahahaha pagbaba ko ng car eh sinalubong ako ni Mika na naka red black lacey long gown..

"Wow sis..." sabi nito sakin saka ako pinaikot.. hahaha gaga

"Ikaw nga ang wow dyan eh... hahha"

"Ikaw kaya.. ay! Tara! Magsstart na halos yung program.. wear your mask na.." pumasok na kami sa hotel kung may malaking chandelier sa gitna nito at red carpet..

"And now let's give a round of applause to the senior cotillonaires!" Sayaw sayaw sayaw.. tinutitigan ko lang si Jairus the whole time.. grabe ang pogi niya kahit naka mask siya.. tapos imatch mo pa yung white suit and tie niya.. hayy.. matapos magsayaw nagsimula ang pag tuturn over ng mga seniors sa juniors ng mga book of knowledge chuchuchuchu... hanggang sa last na daw na dance... nawendang naman ako kasi walang nagsasayaw so ano to?? Anong klaseng kaPabebehan to? Lol medyo bad hhahaha hanggang sa namatay yung ilaw.. lah? Pauso. Hahahah pagkabukas may lalaking nakatayo sa dulo ng aisle... sino yun? Habang papalapit ito ay unti-unti ko siyang namumukhaan hanggang umabot sa nasa harapan ko na siya. Si Jairus to ah. OMO

"May i have this dance?"

"Yes you may..." sabi ko sabay lahad ng kamay ko sa kamay niya. Sht siya ba si Mr. Smiley??

"Shar. ."

"Yes?"

"Siguro naman alam mo na?"

"Na ikaw si Mr. Smiley?"

"Yup.."

"Sorry ah. Kung tinago ko sayo.." paguusap namin habang nagsslow dance..

"Okay lang yun... ano ka ba . Hahaha"

"Talaga?"

"Oo nga.."

"Sharlene may aaminin pa ako sayo.."

"Hmm?"

"Mahal kita...Kahit matapos ang last dance na to"

(A/N: Lame ba?? Dapak tambak po kasi ako sa paper works namin sa school sorry na po! Babawi ako next time promise!!)

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Jailene One Shot StoriesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon