Chapter 5

18 2 0
                                    

Lia's P.O.V

Hay cut na nga ang klase hindi naman ako makakauwi agad =_= kailangan ko pang ma-email ang mga pictures ng basketball team kay Sir.Cabuhat at kay kuya Vince.

After ang 30 minutes na pag aantay ko na masend ang aking task kasi pawala wala abg internet nasend ko na din sa wakas kaya pinatay ko na ang system at ang ilaw sabay lock ng pinto sa CSG Room at umalis na napakalakas nga ng ulan pano na to? Wala akong payong hay bahala na nga magcommute ako ngayon kasi may check up si Tita sa OB nya kaya hindi ako masusundo ni Mang Ben.

Nag antay na lang ako sa labas ng gate ng pwede masakyan pauwi pero palakas na ng palakas ang ulan ang tanging hawak ko lang sa may ulo ko ang ubod ng kapal na libro namin sa Pluma =_= useless din db? Mababasa pa din ako -_-".

Hindi naman nagtagal may tumigil na sasakyan sa harap ko at bumungad sakin ang mukha ni Kevin Torres isang basketball player din sa team namin na ubod ng yabang hahahaha choss kahit ganyan yan mabait sya wag kayo sweet pa hahaha.

"Thalia sakay ka na hatid na kita sa inyo wala ng masasakyan ngayon na bus." Sabi ni Kevin kaya binuksan na nya ang pintuan ng kotse sa likod since ang driver nya ang nagdadrive kaya sumakay na ako.

"Thalia oh malinis yan magpunas ka muna... Tapos eto yung jacket ko ipatong mo muna sa damit mo para hindi ka lamigin 😄" sabi nya nang nakangiti, oh di ba? Sabi sa inyo sweet sya hahahaha.

*Bzzt.Bzzt*

Sino naman kaya ang magtetext sa akin ngayon.

*Thalia nasan ka na?*--- SMS From:Tito Bok.

*pauwi na po, sinundo ako ni Kevin.* --- reply ko.

*K.* --- SMS From:Tito Bok.

Ayus na kelan pa yun natuto magsalita ng "K." hahahahaha.

"Sino yun?" Tanong ni Kevin.

"Ah si Tito Bok lang. 😁" sagot ko.

"Ah alam mo tanggalin mo na yung salamin mo 😃" sabi nya tapos tinanggal niya kaagad ang salamin ko.

"Mas bagay sayo, mas maganda ka 😁" pahabol nya.

"Nahihilo ako pag walang salamin hahaha akin na yan Kevin." sabi ko sa kanya.

"Kiss muna babe hahaha" sabi nya tapos tinuturo nya ang pisngi nya.

"Ayoko nga hahaha hindi pa naman tayo ah." sagot ko.

"Haha joke lang eto na 😄 wag mong tatanggalin yan sa harap ng ibang tao ah? Gusto ko ako lang ang makakakita ng maganda mong mukha." sabi nya haha sweet di ba? Pero bola lang yan alam ko haha.

"Sus bolero hahaha" sabi ko at sinuot na yung salamin.

"Ayaw mo maniwala?" Tanong nya.

"Naniniwala na po hahaha" sagot ko.

*bzzt.bzzt*

*Lia walang lesson ngayon, malakas ang ulan eh nagtext na din si Tita Amille.* --- SMS from: Teacher Rica.

*okay po Ma'am thank you ingat po kayo ngayon.* --- reply ko yan haha.

*ikaw din Lia.* --- SMS from: Teacher Rica.

"Oh sino nanaman yan Thalia? Ayokong magselos ah 😏" sabi ni Kevin hahaha.

"Teacher lang po iyon Kevin 😊" sabi ko at ngumiti na lang sya.

After ilang minutes nakarating na din kami sa bahay gabi na kaya lagot ako nito for sure hahaha.

"Hatid na kita sa loob?" Tanong ni Kevin.

"Wag na 😊 baka mapagalitan tayo ni Lola 😑" sabi ko.

"Haha osha wag ka ng sumimangot, papanget ka sige ka hahaha." sabi nya kaya nagbye na lang ako at bumaba ng kotse.

Pagkapasok na pagkapasok ko naman sa gate tsaka naman umalis na ang kotse ni Kevin, dumaan ako sa backdoor kung nasaan ang kusina bukas kasi ang ilaw kaya doon na ako dumaan.

Pagkapasok ko doon nakikita kong nakaupo lang si Tito Bok sa dining area habang si Tita naman nanonood sa sala.

Pero mas nasurpresa ako ng makita kong si Nhel ang nagluluto ng dinner namin, hindi ko na lang sya pinansin at nagdaretso na ako sa kwarto para makapagbihis.

Don't get me wrong okay? Hindi naman ako galit kay Nhel, sa tuwinang nalalapit ako sa kanya parati na lang eeksena ang grupo nila Jerline hayyy.

*bzzzt.bzzzt.bzzzt*

hmm.... Natawag si Papa.

"Hello papa?" Sagot ko.

"Oh anak kamusta naman kayo dyan? Nakabalik na ulit ang mama mo galing Singapore." sabi nya.

"Tapos ano? Makikipagbesohan ako? Tapos sasabihin 'welcome back ma! Ako yung anak mo na iniwan mo dito sa pilipinas. Namiss kamo kita!' Ganon ba ang gusto mong sabihin ko?" Sagot ko.... Totoo naman kasi ano naman ngayon kung nandito na sya ulit?

"Wag kang ganyan magsalita sa mama mo, nanay mo pa din sya." sabi sakin ni papa.

Matagal bago ako nakasagot kay papa. Naging ina? Oo nga siguro nung baby pa ako at nung nandito pa si papa sa pilipinas.

"Thalia? Andyan ka pa ba? Sige na bukas na lang ako tatawag ha? Nandito na ako sa trabaho mag iingat ka palagi atsaka ireconsider mo na ang pagsunod sakin dito para naman masundo ka ng Ninang mo." sabi ni papa at inend na ang call.

Napaluha na lang ako at nagtakip ng unan sa mukha.

Maybe I should reconsider na lang ang pagpunta ng U.S... after graduation siguro... Bakit nga ba hindi pa ako umalis nung iniwan ako ni mama bakit nga ba dito pa ako nagstay.

*knock.knock*

Biglang bumukas ang pintuan kaya pinunasan ko ang mga mata ko kasi napahagulgol na ako ng iyak pinunasan ko yun habang nakatakip ang unan sa mukha ko.

"Thalia kakain na daw." nilingon ko si Nhel sa pintuan.

"Sige mamaya na lang kamo ako medyo busog pa ako." sagot ko.

Narinig kong sumara ang pinto pero, kaya inalis ko na yung mukha ko sa pagkakasubsob sa unan.

Pero andun sya.

Hindi sya umalis.

"Okay ka lang ba?"

I'm Courting The Basketball SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon