Chapter 6

9 1 0
                                    

Nhel's P.O.V

"Nhel matatapos na ba yan?" Tanong ni Kuya Bok ako kasi ang nagluluto dito sa kanila ngayon eh, nagtataka kayo kung bakit? Eh basta pinapunta ako ni Kuya Bok yun na yon hahahaha.

"Okay na to kuya bok pwede na tayong makakain." sagot ko.

"Sakto ako na maaghahain pakitawag na lang si Thalia para sabay sabay na tayo." sabi sakin ni kuya bok, kaya sinusnod ko na lang tinanggal ko na yung apron at nagdaretso na sa kwarto ni Thalia.

Nang makarating na ako sa kwarto ni Thalia kumatok na ako agad baka kasi tulog sya hindi ba? Pero bukas ang pinto kaya sumilip na ako patay ang ilaw pero may natugtog na parang ballet music ata.

"Thalia kakain na daw." nilingon nya ako pero bakit paang umiyak sya.

"Sige mamaya na lang kamo ako medyo busog pa ako." sagot nya, halatang umiyak nga sya dahil sa boses nya.

Sinara ko na ang pinto pero hindi ako umalis, tinanggal nya sa pagkakasubsob ang mukha nya sa unan at naaninag ko na medyo mugto ang mata nya galing nga sya sa iyak, bukas kasi yung dalawang lampshade sa gilid ng kama nya kaya naaninag ko ang mukha nya.

Umupo ako sa dulo ng kama nya at tinanong sya.

"Okay ka lang ba?" Tanong ko, hindi na sya nakasagot.

"Tungkol ba sa mama mo?" Isa pang tanong ko.

Hindi ulit sya sumagot.

"Sorry kung matanong ako, sige labas na lang ako dadalhan na lang kita ng pagkain dito." sabi ko.

"Oo... wag ka muna umalis." sabi nya, kaya bumalik na ako sa pagkakaupo sa kama.

"Dito ka." sabi ni Thalia at tinuro yung sa tabi nya, sumunod na lang ako baka kailangan talaga nya ng makakausap.

Pero tahimik lang sya, wala syang sinasabi o ano.

"Ano ba itsura ng mama mo? curious lang" pambabasag ko sa katahimikan naming dalawa.

"Kunin mo dyan sa drawer sa side mo may picture frame dyan." sabi ni Thalia kaya sinunod ko ang sinabi nya at nakita ko ang picture nilang pamilya na buo at parang masaya, andito pa ang papa at mama nya pati kapatid nya kasama nya.

"Kamukha mo mama mo 😁" sabi ko, lumingon lang sya sakin while giving a weak smile tapos dumaretso ng tingin sa kisame.

Totoo naman kasi para silang pinagbiyak na bunga hahahahaha.

"Madaming nagsasabi, pero hindi ko mapansin yon..." sabi nya habang daretso pa din na nakatingin sa kisame while smiling weakly.

"Hmm siguro kung tinanggal mo yung salamin mo masa magiging kamukha mo sya." sabi ko, pero hindi sya sumagot.

"Alam mo kain na tayo ☺️ please?" Pagyayaya ko sa kanya.

"Medyo inaantok ako Nhel, gusto ko muna matulog." sabi nya sakin, habang nakasandal kami sa headboard ng kama nya, at ngayon ko lang napagtanto na bukas pala ang aircon dito sa kwarto nya kaya ang lamig 😨.

"Ah ganun ba? Sige labas na muna ako para---" hindi ko na naituloy yung sasabihin ko ng bigla syang sumandal sa balikat ko, nilingon ko sya at nakita kong tulog na, pinunasan ko yung luha sa kanyang left eye, miss nya na siguro mama nya or pwedeng nagtatampo din.

Pangalawang beses na tong nakatulog sya sa balikat ko, aayusin ko sana yung pagkakahiga nya para maging konportable sya pagtulog nya.

"Nhel!---" sigaw ni kuya Bok pagkabukas ng pinto, kaya sumenyas ako agad na wag syang maingay, panira naman to eh 😑 pano ko ngayon maiaayos ng pwesto si Thalia? Eh nakita na kami ng tito nya na ganito ang pwesto? 😖.

"Umayos kayo ng higa Nhel sabayan mo sya kumain mamaya pag gising nya, pinaalam na kita sa mama mo na dito ka muna magpapalipas wala namang pasok bukas." Sabi ni kuya Bok.

"Kung tatanungin mo kung saan ka matutulog dun ka sa guest room naayos na yun kanina hindi kayo pwede magtabi ni Cyrene ngayon lang kasi tulog na sya sa bakikat mo at nakayakap sya hahaha." ano ba naman tong tito ni Thalia 😑 may mind reader ba to? Bahala na nga sya hahaha inayos ko na sa pagkakahiga si Thalia at nung umayos na kami sa pagkakahiga mas lalo nyang hinigpitan ang yakap sakin.

Wow ha? Mukha ba akong unan? Hahahaha, hmm Thalia Cyrene pala ang name nya. Oh may "CyNhel" couple na hahaha joke lang lagot ako sa pamilya nito pag nagkataon.

Hay makatulog na nga lang din hahahaha.

I'm Courting The Basketball SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon