Chapter 11

0 0 0
                                    

Nhel's P.O.V

"Nasan na kayo?" Si Kuya Bok yan, tumawag sya buti na lang naka head set ako.

"Pauwi na po kami, tulog na si Cyrene." Sabi ko.

"About sa scholarship mo pinaalam ko na sa mama mo yon kaya pinagpaalam ko din na samin ka ulit mag stay ngayong gabi. Training tayo bukas hanggang sunday, since wala kang training kanina." Sabi ni Kuya Bok, jusko traffic pa dito sa Magallanes hindi na talaga nagbago to.

"Kuya Bok about sa scholarship ko, alam kong pamilya ni Kevin ang may hawak non, possible bang maudlot yon pag nakialam si Kevin?" Pagtatanong ko. I can't afford to loose that scholarship.

"Yun ay kung makikialam sya, wag ka mag alala Nhel, marami kang naka line up na scholarship, if ever man mawala ang scholarship mo sa U.S. Si Chevelle Alcantara na ang nagbigay ng scholarship mo papuntang Singapore naman." Scholarship? Sa Singapore? Yung olympic medalist ng Singapore sa Gymnastics? Pano nya ako nakilala?

"Kuya Bok pano nangyari yon? Pano naman ako nakilala ni Chevelle?" Pagtatanong ko.

"Hindi ko alam kung pano pero wag ka na lang maingay kay Kevin tungkol dito atleast yon hindi nya na mahaharang ang scholarship mo" sagot nya sakin.

Kung sino man ang Chevelle na yon maraming salamat sa kanya. Pero curious ako pano nya ako makikilala? Kingina tong traffic na to! Magallanes RIP.

"Hmm." Niligon ko si Cyrene sa passanger seat. Plinay ko ang passanger seat ni Stephen Speaks bagay lang sa nararamdaman ko ngayon.

"Asan na tayo Nhel?" Tanong nya habang nagkukusot ng mata.

"Magallanes." Sagot ko habang nakangiti.

"Traffic?" Tanong nya.

"Oo eh tulog ka na ulit ☺️" sabi ko. Umiling lang sya at tinignan ang oras.

"Palit tayo." Sabi nya.

"Ha?" Tanong ko.

"Palit kako tayo, ako naman ang mag drive matulog ka na muna." Sabi nya, yun pala, haha kulit lang namin eh.

"Hindi na ☺️ kaya ko pa naman pahinga ka na lang kasi bukas may training ka pa ulit." Sabi ko sa kanya.

Hindi sya sumagot at tumingin na lang sa harap. Medyo umuusad naman ang traffic dito sa Magallanes pero sobrang konti lang, talagang tatamarin ang tao umalis.

"Cyrene, may itatanong ako." Pagbabasag ko sa katahimikan namin.

"Ano yon?" Lumingon sya sakin ng nakangiti, ang ganda nya 😍.

"Uhmm, tungkol kay Kevin." Sabi ko, nakangiti pa din naman sya habang nakatingin lang sakin.

"Nakita kong sumakay ka sa kotse nya kahapon nung malakas ang ulan, atsaka tumawag sya kanina sorry kung hindi ko sinabi at dinelete ko sya sa call logs. Sabi nya girlfriend ka daw nya." Pagtutuloy ko sa tanong.

"Hindi nya ako girlfriend, atsaka nung sinabay nya ako kahapon hindi ko naman ineexpect na may makakakita samin. Sabi ko kasi sa kanya bawal malaman ni lola or tito bok ang tungkol sa panliligaw nya kasi may bad record sya. Atsaka ayaw nya din naman na may makakaalam na nililigawan nya ako, sino nga naman magkakagusto sa nerd journalist student db?" Sabi nya sakin na medyo naging matamlay na.

"Sorry kung hindi ko sinabi na tumawag sya." Tanging nasabi ko na lang.

"Okay lang Nhel, wag mo na lang sabihin kay Tito Bok ang tungkol doon ha?" Pakiusap nya sakin, at nagulat ako ng bigla nyang tanggalin ang salamin nya sa harap ko. Sya yung babae sa Gym.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 20, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Courting The Basketball SuperstarTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon