Heto ako ngayon, hirap ipikit ang mata
Isip ay puno ng pag-aalala
Paano bukas?
Meron pa bang lakas?Parang di pa yata handa sa kung anomang darating,
Wala kasing kasiguradohan kung ang kumakaway na araw ba ay kayang harapin.Haaay, mag-aaral ka, mag-aral ka!
Ano pa ba ang dapat mong gawin?
Anak ka, may ama't ina ka, mahal ka.
Tandaan mo iyan, dahil yan ang sa iyo'y kakalma.Tama na,
Tumigil ka muna,
Baka pagod ka na,
Pagod na isipin kung paano patatakbuhin ang bukas.Sige na, huminga ka sa mga problema,
Ipikit mo muna ang iyong mga mata,
Pakawalan ang mga bagay sa yong isipan.Pahinga ka muna,
Itulog mo na,
Baka bukas maluwag na,
Kaya mo nang sumabay sa agos ng buhay.Hayaan mong hilomin ka ng gabi,
At pagsikat ng araw may lakas ka nang muli.
Sa pagmulat ng iyong mga mata,
Sasalubungin ka ng saya at pag-asa....................................
Matapang ka, kaya mo yan!
BINABASA MO ANG
Pieces
PoesíaLife, Dreams and Struggles of a girl whose finding her path and purpose.