Ikalawang Tala- Baka Kaya Pa

2 0 0
                                    

Malayo ako sa amin,
Kulang na isang daang kilometro,
Pagitan ko sa pamilya ko.

Kailangan tapangan,
Kailangang loob ay tibayan.
Pero ang totoo,
takot ako,
Takot sa bagong lugar,
Lugar na walang pamilyar.

Noong una,
Hirap bitawan ang nakalakihan,
Hinahanap ang kalinga,
Nangungulila sa sariling duyan.

Lumipas ang araw at oras,
Natutong kayanin,
Nasanay harapin,
Mga hirap at pagod na dinanas.

Nakasumpong ng kaibigan,
Nakaramay, nasandalan,
Nakasama sa kasiyahan,
Nakaramdam muli ng tahanan.

Pero bakit dumating ang amihan,
Lamig ang nangibabaw sa samahan,
Nawala ang kwetuhan,
Nakulong sa nakabibinging katahimikan.

Di na magkaintindihan,
Di na magkatagpo ang isipan,
Di na sa pupuntahan,
Di na ba babalik ang samahan?

Napunong muli ng takot,
Takot na mawalan ng halaga,
Dahil sa isang munting sigalot,
Mabaon ang pinagsamahan at alaala.

Pag-usapan,
Iyan ang lang naman ang solusyon,
Simpleng pakinggan,
Bakit napakahirap gawan ng aksyon?

Tulong,
Di ko na marinig kahit sarili kong bulong,
Paano ko ipararating?
Ang nais kong sabihin,
Paano ipadarama?
Na nais ko pang makasama.

Di na ba kaya?
Wala na ba talagang pag-asa?
Subukan pa nating ng isa,
Baka naman kaya pa.

Buohin nating muli,
Hindi naman masamang magbaka sakali,
Kaya pa naman yatang manatili.

Ayaw ko nang mawalan,
Ayaw ko na tayong mahirapan,
Gusto kong muling manahan,
Sa aking naging tahanan,
Sa panahong sobra akong nangangailangan.


...................................

Kung nararanasan mo rin ito, sure ako makakaya mo. Ano man maging resulta, dapat alam mo ginawa mo ang makakaya mo.

Sana mas lumakas ka pa at walang anoman makapigil sa pag-abot mo sa pangarap mo.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Mar 16 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PiecesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon