Messenger
BSU's Alumni (2013-2017)
Today
7:39 P.M.Carol Miranda
Huli ka @Rachesia Del Rio
Jessy Dixon
sino yang lalaki? 😮😮Mary Anne Quizon
lah may kabet si Rachesia?Carol Miranda
Nakita ko siya kaninang pauwi kami ng anak ko galing sa SM 😂
Na-zoom ko lang ang picture kaya malabo, layo ko kasi sa kanila talaga
Namukhaan ko lang likuran ni Rachesia 😂Jessy Dixon
kilala mo yung kasama niya @Carol Miranda?Carol Miranda
Hindi nga e, baka kabit niya nga yan 😂Pinang Rosales
ay, oo!
kahit nuong nakaraang araw, nakita ko si Ilagan na papasok sa bar
hindi ko lang nakita mukha nuong kasama niya kasi madilim na at nagmamadali asawa ko kaya hindi ko na siya nilapitan
bale tatlo sila pero yung isang lalaki dikit na dikit sa kanya as inJessy Dixon
true ba?
diba doctor ang asawa ni Rachesia?Carol Miranda
Oo
Pero ang balita ko
Matanda na daw tsaka uugod ugod na yong asawa niyan 😂Jessy Dixon
parang hindi namanPinang Rosales
naka-private yata lahat ng account ng asawa niya
tsaka hindi nila pino-post ang isa't isa sa social media madalas
nahihiya sigurong ipakita mukha ng asawa niyang gurang 🤣🤣🤣🤣Marry Anne Quizon
oh ito tsaa 🍵🍵
mainit-init pa mga ateh koJessy Dixon
kung totoo man yan, kawawa naman yung asawa ni Rachesia
hindi ko ine-expect yon kasi kilala natin siya, hindi naman niya yata kayang gawin yan sa asawa niya
mabait yan si Rachesia at may takut sa DiyosMary Anne Quizon
matatakot talaga ako sa Diyos kapag yung binigay sakin gurang at di-tungkod na 😆Carol Miranda
Grabi 😂Mary Anne Quizon
pero totoo naman
medyo makati talaga yang si Rachesia
kaya nga hindi agad nag-asawa kasi puro laro lang ang gusto
trip niyang ipunin lahat ng lalaki sa mundoKia Torres
hoy
anong tsismis ang nagaganap
bakit ang ingay niyo dito? 🥱Susan Beltran
Tunog nang tunog cp ko
Tsismisan pala 😅Carol Miranda
Back read kayo @Kia Torres @Susan BeltranPinang Rosales
na-real talk pa tuloy ni Anne si Ilagan 🤣🤣Jessy Dixon
grabi
parang hindi niya kayo naging kaibigan at kaklase
wala kayong respeto, may asawa na yung taoMary Anne Quizon
bat ka gagalet @Jessy Dixon
may kabit ka rin ba? 😆
totoo naman kaseJessy Dixon
@Rachesia Del Rio seen ka, kailangan mong makita to
Seen by Rachesia Del Rio, 7:57 P.M.Rachesia Del Rio added RJ Del Rio to the group.
BINABASA MO ANG
In the Hush of Souls
RomanceAn Epistolary "Love, with an unflinching spirit, discovered its own way. . . in the hush of our souls." ©fochacy