"Anak, bakit hindi ka pa kumikilos? Akala ko ba maaga ang flight mo ngayon?"
Dinig kong sigaw ni Mama sa labas ng kuwarto ko habang pinagpapatuloy ang pagkatok sa pinto. Napabalikwas ako ng bangon at inalis ang eye mask ko at tarantang napatingin sa wall clock. Alas tres palang pala ng madaling araw, pero
itong nanay ko, kung makagising sa akin, dinaig pang male-late na ako.
"Ma, maaga pa. Alas otso pa ang flight ko papuntang Manila. Alas tres palang oh!" reklamo ko at pabagsak na umupo muli ng kama at humiga.
"Aba naman Iris! Kailangan mong magmadali. Alam mo namang walang ibang maghahatid sa'yo kundi ang kuya Raymond mo. May pasok din 'yong tao. Kailangan maaga ka niyang maihatid sa airport. Nang sa ganoon, makabalik din agad iyong tao."
Tulala akong napatitig sa kisame. Iniisip kung gaano nga ba ako katagal na nagkulong sa bahay na ito? Isang taon? Dalawa? Tatlo? I lost the count. Hindi ko na matandaan. But this house became my safe haven for the past years. Itong bahay na ito ang sumalo sa akin sa lahat ng problema. Ang bahay na ito ang nakakaalam ng sakit na mga napagdaanan ko at kung paano ko sinubukang bumangon sa kabila ng mga pinagdaanan ko.
Humugot ako ng malalim na hininga at bumangon muli. Ngayong kailangan kong umalis sa lugar na ito, naninibago ako. Paano ko haharapin ang panibagong mundo sa labas na kay tagal kong hindi nakita?
"Oh, uminom ka ng gatas. Kagabi pa walang laman iyang sikmura mo. Tigilan mo na nga iyang kaka-intermittent fasting mo,Iris," sita agad sa akin ni Mama bago ako makaupo sa hapag. Naroon ang isa ko pang ina tahimik na kumakain at kapag magtatama ang aming paningin ay ngingiti nang tipid.
Parehong babae ang mga magulang ko at isa lamang akong ampon. In-adopt nila ako two months old palang ako at sila na ang bumuhay sa akin magmula pa noon. Hindi kami mayaman, hindi rin mahirap. Masasabi kong sakto lang. Mayroon kaming lupang sakahan, taniman ng gulay, at piggery na siyang hanapbuhay naming dito sa probinsiya. Kilala rin si Mama dahil nagpapa-utang siya sa mga taong gipit sa pera. Napagtapos nila ako ng pag-aaral, sa pamamagitan ng pagsisikap.
Kaya doon palang, proud na ako sa kanilang dalawa.
"Ma, kapag kumain ako nang kumain, tataba ako. Alam niyo namang sa bahay lang iyong trabaho ko. Ayoko namang tumaba at lumaki iyong tiyan ko. Tingnan mo iyong sa'yo! Kamukha mo na si Tiya Pusit!"
Tumaas naman ang kilay ni Mama at inirapan ako.
"Aba, kahit ganito ang hitsura ko, masuwerte ka pa rin dahil napag-aral kita at napagtapos."
Napangiwi ako nang marinig na naman ang kaniyang word of wisdom kapag wala na siyang ibang masabi o hindi kaya kapag pikon na siya.
"Bilisan mong kumain dahil kanina pa yata naghihintay si Raymond sa labas."
Tumango nalang ako at nginuya ang tinapay na may palamang cheese. Ininom ko rin ang gatas na tinimpla niya at saka nagmadali nang tumayo nang marinig ko ang busina ng tricycle sa labas ng bahay.
"Teka yung maleta ko!" kabadong sambit ko dahil baka maiwan ko pa ang mga gamit ko. Kailangan kong dal'hin iyon dahil paniguradong hindi ako agad makakauwi ng probinsiya dahil importanteng trabaho ang pupuntahan ko sa siyudad.
"Nasa loob na ng tricycle iyong maleta mo, nilagay ko na kanina pa. Yung mga importanteng gamit mo ha, dapat dala mo na. Baka may makalimutan ka pa," paalala ni Mama sa akin bago ako lumabas ng bahay kaya naman todo check ako ng gamit.
Malayo ang Rizal sa airport. Kaya hassle kung may makakalimutan pa akong gamit. Lumapit ako sa kanilang dalawa at yumakap. Gumanti rin sila ng yakap sa akin bago ako inihatid sa labas. Napansin ko pan nagpupunas ng luha ang isa kong Mama.
BINABASA MO ANG
To Love Again
RomanceWhen Iris Martinez debuted as a movie writer, she had no idea how she will make it. Hindi kasi siya iyong taong mahilig lumabas at makipag-usap kung kani-kanino. Not until she met the kindhearted and soft-spoken lead actor of the movie project-Andre...