4

6 0 0
                                    


Mataman akong nakatitig sa kisame ng aking kuwarto. Halos thirty minutes na akong nakatulala sa kawalan. 4:30 palang ng umaga. Alas singko pa ako babangon. Naunahan ko na naman ang alarm ko. Sa sobrang pagod ko kagabi, akala ko male-late ako nang gising ngayong araw. Hindi ko alam kung bakit nagising ako nang maaga. Kaya heto ako ngayon, nakatulala.

Pabalikwas akong bumangon at hinagilap ang cellphone ko. Nagkakamot pa ako ng batok habang nagche-check ng messages sa cellphone. Dumiretso ako sa mga local news at halos mapamura ako nang makita ang larawan na kuha ng isang netizen at naka-post iyon sa mga portals at pinag-uusapan ng mga tao ang tungkol doon. Ang larawang iyon ay kuha habang nakangiti kami ni Andres sa isa't-isa matapos niya akong

Napatayo ako at napasabunot sa buhok ko.

"Sino itong lucky girl na kinikita ni Andres Gonzales. Kilala natin bilang rising actor itong si Andres. Anak ito ng veteran actor na si Ariel Gonzales at ng former beauty queen na si Charrie Benitez Gonzales."

"Crush na crush ko iyang si Andres, kaya kung totoo man na may girlfriend na siya, malungkot ako for myself, pero stay strong sa kanila, mukhang mabait naman si girl at maganda rin."

"Ay, wala na tayong palag, maganda na iyang babae. At mukhang edukada rin. She knows how to maintain her distance to her boyfriend (?)"

"Huhuhu, teh, kami pa niyan ni Andres. Kidding pero stay strong."

"Kaya naman pala tahimik itong si Andres, dahil non-showbiz ang girlfriend. Well, good for the two of them. Mukhang seryosong-seryoso rin sila sa isa't-isa."

"Mukhang magaling pumili itong anak ni Ariel Gonzales. May taste ha, infairness."

Hindi ko alam kung anong ire-react ko. Wala man akong makitang negative na komento mula roon, kinakabahan pa rin ako. Hindi dapat nangyayari ang bagay na ito. Inilapag ko ang phone sa bedside table at saka sinampal ng ilang beses ang sarili ko. Baka kasi nananaginip lang ako. Baka masyado lang ako nagiging OA kakaisip ko sa nangyari kahapon.

Hindi puwedeng ganito ang mangyari. Kailangan kong pumunta ng office. Ano nalang ang mukhang ihaharap ko sa mga tao, lalo na sa mga big boss kung sakaling totoo nga na may balitang ganito. Huminga ako ng malalim at muling kinuha ang phone ko at binuksan ito.

Nang makitang naroon nga ang mga balita sa mga online news portal ay agad kong binagsak ang katawan ko pahiga ng kama. Hindi puwede! Ano nalang ang sasabihin sa akin ng mga tao?

Matagal akong nakahiga sa kama hanggang sa tumunog na ang alarm clock. Wala na akong nagawa kundi tuluyang bumangon. Wala akong choice kundi pumunta sa mga appointments ko ngayon kahit ang totoo ay gusto ko nalang magkulong sa condo buong araw.

Binilisan ko ang pagligo at pagkain ng agahan. Tutal nangyari na ang lahat, ayoko namang pumasok sa building na ako ang pinagtitinginan. Kailangang mauna ako sa mga tao. Dapat nandun na ako bago pa dumating ang lahat.

Sinigurado kong nakasuot ako ng facemask bago lumabas ng condo. Ingat na ingat pa ako. Nagdala rin ako ng hoodie para hindi ako mamukhaan ng mga tao. Alam ko ang galawan ng mga paparazzi. Bigla-bigla nalang sumusulpot ang mga ito kaya minabuti ko nang maging maingat.

Paglabas ko ng lobby, nakakita naman ako ng taxi na paparating kaya pinara ko ito agad. Dapat ay magje-jeep lang ako ngayon, pero dahil sa balitang iyon, alanganin kung magpa-public transpo ako ngayong araw. Ayokong mapagkaguluhan sa kung saang bahagi ng Metro Manila.

Nakahinga naman ako nang maluwag nang makita ko na wala pang tao sa labas ng building. Sakto rin at 6:30 palang. Kung may tao man doon, at least konti at kaya kong indahin kung pag-uusapan man nila ako.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon