2

5 0 0
                                    


Hindi ko nalang pinansin ang trip ng lalaking 'to kahit na alam ko namang inaasar niya lang ako.

"Miss Iris, pasensiya na medyo late, traffic kasi."

Tumango lang ako sa driver. Hindi ko rin naman siya masisisi. Sabi nga ng karamihan, traffic capital of the world ang Pilipinas. Kaya naiintindihan ko kung bakit na-late siya ng ilang minuto. Actually hindi naman matagal yung paghihintay ko kaya ayos lang sa akin.

"Okay lang, kuya Rik," sagot ko nalang. Matagal ko nang kilala itong si Kuya Rik. Kahit nung nag-pi-pitch palang ako ng story ko sa mga director at creative production ng agency, siya rin ang sumundo sa akin noon.

"Sa'kin Kuya Rik, hindi ka hihingi ng pasensiya?" pabirong tanong naman ni Andres habang prenteng nakaupo sa kabilang bahagi ng backseat.

Tumawa naman ang driver.

"Naku, bakit ako ang hihingi ng pasensiya sa'yo, eh nakikisakay ka lang naman?"

Nakita ko ang pagnguso ni Andres dahil sa sagot sa kaniya ni Kuya Rik. Gusto kong matawa nang makita ang pagkadismaya sa kaniyang mukha.

"Huwag kang mag-alala, Sir, yung driver mo ang hihingi ng pasensiya sa'yo mamaya 'pag nagkita kayo," anito saka tumawa pa. Wala nang nagawa si Andres kundi ang sumandal nalang at bumaling ng tingin sa labas.

Sinundan ko nang tingin ang pinagmamasdan niya sa labas at bahagya akong natigilan nang makita ang billboard kung saan naroon ang isang buong pamilya na nakangiti sa larawan. Ibinalik ko ang tingin sa kaniya upang kumpirmahin iyon. Ang pamilya na iyon ay kilala sa show business. At bakit nga ba hindi ko siya namukhaan na anak pala siya ng kilalang premyadong artista na si Aga Gonzales? Ang asawa naman ni Aga ay isang former beauty queen. At ang kambal ni Andres ay parte na rin ng noon show sa isang channel.

Marahan kong nasapo ang noo ko. Bakit ko nga ba hindi agad nakilala ang lalaking ito?

"Guwapo ba ako sa billboard na iyan, Kuya Rik?" tanong niya bigla sa driver.

"Aba oo naman, Sir. Kahit saan naman guwapo kayo. Kahit hindi pa 'yan sa billboard, guwapo pa rin kayo, Sir."

Tumawa naman si Andres at pabirong tinapik sa balikat si Kuya Rik.

"At dahil diyan, libre na lunch mo."

Tumawa muli si Kuya Rik at bumaling sa akin nang tingin sa rearview mirror.

"Ikaw Miss Iris, anong tingin mo kay Sir? Guwapo ba si Sir Andres?"

Napatingin naman ako sa kanilang dalawa at marahang napailing.

"Huwag niyo na akong idamay sa ganiyan, Kuya Rik."

Umiwas ako nang tingin sa kanilang dalawa dahil ang atensiyon nila ay nabaling sa akin.

"Kaya siguro ayaw nitong tumingin sa akin, Kuya Rik ay dahil napapangitan siya sa akin," napansin ko ang pagbabago ng tono nitong si Andres. Parang tono na nagpapaawa at nanghihingi ng suporta.

"Wala akong sinabing pangit ka."

"Pero hindi mo sinagot kung guwapo ba ako."

Nanatili lang tahimik si Kuya Rik at pinagmamasdan kaming dalawa.

"Huwag mo akong tanungin. Why not ask your fans?"

Humugot siya ng malalim na hininga. "They won't give me honest answers. Kaya nga fans sila eh. Malamang biased sila."

"Pero hindi mo sila magiging fans kung hindi ka nila gusto o hindi sila naguguwapuhan sa'yo," sagot ko.

Mukhang napagod naman siya at sumandal muli.

To Love AgainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon